Chapter 17
"Mag reresign na ako Mr. Chu" halatang gulat ito sa sinabi ko.
"Why?"
"Magiging busy na ako sa school, kaya babawasan ko muna yung part time job ko"
"I understand. You've been a great bantender to my business, you are still welcome here if ever" tumango nalang ako dito at lumabas na sa opisina.
"Iiwan mo na ako George?" Sinamaan ko si Shawn sa sinabi niya.
Dalawang taon rin kaming magkasama dito sa bar, mukhang mamimiss ko rin siya kahit papaano.
"Bawas bawasan mo ang kadaldalan mo"
"Balik ka a"
"Basta ba wala ka na dito pag balik ko" sabay ngisi
Natawa naman ako nang sumimangot ako
"Wala ka talagang sweet bones! Alis na!"
Kumaway nalang ako dito senyales ng pag alis ko habang patuloy na nag lalakad pauwi sa amin.
Sabado ngayon, kakatapos lang ng shift ko kanina sa restaurant at dumiretso agad ako dito para mag paalam na mag reresign na.
I'm doing this because of him
Because of Timothy
Gusto kong ipakita sa kaniya na kaya kong maging Kuya sa kaniya.
Tsk
I know
Ang selfish ng dating ko
Gusto ko sakin lang ang atensyon niya sa akin
Kapatid ko siya
Magkasama na kami simula umpisa
At nasanay ako na sa akin lang siya nakadepende
Kaya isang malaking threat sa akin yang Yex na yan
Tsk
Gulat ang mga mukha ng tao sa bahay ng makita nila akong bagong pasok sa pinto.
"Ang aga ng uwi mo anak?"
"Nagresign na ako ma"
"May problema ba sa trabaho mo?"
"Wala naman"
"Ganun ba sige sumabay kana sa amin"
Umupo ako sa hapag habang pinapanood si Tim na nag c-cellphone sa hapag
"Mamaya kana mag cellphone pag katapos mong kumain" saway ko.
"George! Day off mo naman bukas diba? Samahan mo ako sa bahah nila Kuya Idol!"
Sumubo muna ako bago sumagot
"Ano namang ipupunta mo don?"
"Inaya kasi ako ni Kuya, ipapakita niya rin sa akin yung mga aso niya"
"Sige"
"Woah! Pumapayag ka talaga?!"
"Bakit naman hindi?"
"Wala lang, weird lang, aso yon e"
Tsk
Hindi nalang ako sumagot at nagsimula ng kumain.
Mukhang kailangang kong bantayan ng maayos si Tim
Dahil baka tuluyan nang makuha ni Yex ang loob ng kapatid ko.
***
Pagkatapos naming kumain naabutan ko si Tim na nanonood ng TV kaya tinabihan ko ito.
Nanonood siya ng basketball
BINABASA MO ANG
Pricess Charming (ON-HOLD)
Teen FictionHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...