CHAPTER IX

4 0 0
                                    

Birthday ngayon ng kambal. Naisipan namin ni Jenica na mamayang after class na lang namin ibibigay ang regalo namin. Lunch time ngayon kaya andito kami sa favorite spot namin na table. Marami-raming nabati kina Ezekiel at Ethan ngayon na taga ibang section.

"Saan ba tayo mamaya? Naku excited na ako!" sabi ni Jenica habang nakain kami ng lunch.

" Sa bahay tayo mamaya, nag pa set up kami ng videoke sa rooftop" nakangiting sabi ni Ezekiel.



"May iba pa ba tayong kasama?" sabi ko naman at bumaling kay Ezekiel.

" Just the four of us. " sambit ni Ethan. Nagkibit-balikat lamang si Ezekiel at pinagpatuloy kumain. Sabagay di naman sila dito lumaki at tumira ng sobrang tagal. Panigurado ay nasa ibang lugar ang mga kaibigan nila.

"Pwede naman natin imbitahan ang iba nating classmate" nakangiting sambit ni Ezekiel. Tumungo kaming dalawa ni Jenica upang sumang ayon sa plano ni Ezekiel.  The more, the merrier ika nga nila. Atsaka para na rin maging chill time namin ito bago sumabak sa upcoming event at exams.

" Then I'll text manang to prepare more foods" sabi ni Ethan. Kinuha na niya ang kanyang phone nag simula na mag type.









Pagkatapos namin kumain ay dumiretso kami sa c.r ni Jenica para mag toothbrush at mag ayos, routine na namin ito simula nung junior high.

"Ano nga pala regalo mo sa dalawa?" baling sakin ni Jenica. Di ko pa nga pala nasabi kung ano ang iregalo ko.

"Dogtag na necklace kay Ethan, tapos bracelet kay Ezekiel" sabi ko. Nakatingin ako ngayon sa salamin para mag ayos.


"Shala naman" natatawang sabi ni Jenica.

"Nga pala, alam ba ng daddy mo? O nakaalis na siya?" baling ko sa kanya.

" Kakaalis lang niya kahapon, pero magpapasundo ako kay kuya mamaya." sabi sakin ni Jenica. Niligpit na namin ang gamit namin at tumungo na sa classroom.






Pagkapasok namin ng classroom ay nagkakatuwaan ang iba naming kaklase kasama si Ezekiel. Siguro ay inimbitahan na niya ito. Si Ethan naman ay nakikisali rin sa gulo.

Dumiretso na kami ni Jenica sa mga upuan namin. Maya-maya pa ay pumasok na ang aming teacher kaya nagsibalikan na ang mga kaklase namin sa mga assigned seats namin.
















Early dismissal kami ngayon dahil may meeting ang faculty, nasa parking lot kami ngayon nina Ezekiel, Ethan, Jenica, Macey, Lindsay, at Jacob. Ang iba naming kaklase ay susunod na lang daw, buti na lang ay dala ko ang aking motor.

" Sundan ko na lang kayo Ezekiel" sabi ko sa kanya, nagsipasukan na sila sa sasakyan nung kambal at ako ay nakatayo sa gilid ng aking motor. Lumapit sakin si Ezekiel at kinuha ang aking helmet.

" Mag iingat ka sa pag da'drive ha" sabi niya, sinuot niya sa akin ang helmet at ngumiti. Napatungo na lang ako sa gulat dahil sa
ginawa niya. Bumalik na siya sa sasakyan at sumakay.














Hindi magkamayaw ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito, na para bang lalabas na ito ng katawan ko.





















Bumaling ako sa sasakyan at kumaway na lang sa mga kaklase ko. Nang pinaandar na ang kotse ay sumakay na ako sa aking motor at sinundan ko sila. Halos di pa rin nahupa ang pagtibok ng mabilis ng puso ko. Para ba akong natutuwa na nagulat, basta di ko maipaliwanag.











Adore YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon