"Ally's Pov"
Tumayo ako sa sofa at pumunta sa tapat ng pintuan. Binuksan ko ito at...
"•0•"
Gulat na gulat ako sa nakita ko at hindi ako makapagsalita.
"Papa! Namiss keta papa!" sigaw ni jake.
Niyakap ni jake si papa ng mahigpit. At nagulat ren sila mama.
"Mahal! Nakauwi kana" tugon naman ni mama.
Habang kami naman ni kuya ay tulala sa kanila.
"Jake anak may pasalubong ako sa inyo ng mama mo. Etong malaking karton sainyo yan" sabi ni papa.
"Wow sobrang laki! Pero pano po sila kuya at ate?"
Nanahimik silang lahat dahil sa sinabi ni jake. Ganto kami lagi tuwing umuuwi si papa parang di nya kami anak? Walang pasalubong, walang yakap, walang saya at walang pagmamahal.
"Uhm anak tignan mo nalang yung pasalubong ni papa mo" singit ni mama.
"Asige po"
Pumunta nalang ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Iniisip ko kung bakit ganon parin ang tinuturing ni papa samin. Mayamaya ay biglang may pumasok sa kwarto ko pero di ko tinignan kung sino.
"Alam ko iniinsip mo parin kung bakit ganon si papa, di ka na ba nasanay?"
si kuya...
"Tama iniisip ko pa rin pero hanggang ngayon? Wala naman tayong ginawa kuya ah?"
"Hindi ko rin alam ang dahilan pero hayaan nalang natin"
"Di ko kaya kuya"
"Kayanin mo"
"Okay pero baket ka nga pala nandito?"
"Dito muna ako makitulog yoko muna sa kwarto ko"
"Luh? Ayoko nga!"
"Baka usto mong tumilapon?"
"Hindi sige na basta jan ka sa sahig"
"Gege"
"Jan ka talaga?"
"Oo sabi mo eh"
"Okay?"
Sinunod nga nya ang utos ko na sa sahig sya matulog.
Himala masunurin ngayon.
-Flashback-
"Bakit di mo binantayan yung bunso mong kapatid! Wala kang kwentang anak justin!" sigaw ni papa.
Andito ako ngayon sa cabinet ko, umiiyak. Kinulong ako dito ni papa dahil di namin binantayan si bunso. Iyak ako ng iyak at di ko alam ang gagawin.
"Mahal, huwag mo na sila pagalitan, bata pa lang sila"
"Bata? bakit ako nung bata ako namuhay na ako ng mag isa! Di ka tulad tong dalawa mong paboritong anak na wala namang pakinabang!"
"Huwag ka magsalita ng ganyan, mahal"
"Aalis muna ako, magpapalamig lang!"
Habang nakakulong ako dito ay naririnig ko din si kuya na umiiyak. Nang marinig ko na may paparating dito sa cabinet.
Pagbukas ng pinto ay nakita ko si kuya na pinupunas ang kanyang mga luha.
"Tapos na huwag ka ng umiyak Ally. Sorry ah kasalan ko di ko nabantayan si bunso. Ayan tuloy nagkaroon siya ng pasa. Sorry kung nadamay ka pa"
"Okay lang po kuya. Sa susunod bantayan na natin sya"
"sige"
Dumating naman si mama at niyakap kami.
"Pagpasensyahan nyo na papa nyo. Okay lang yan andito ako para sa inyong dalawa"
-End Of Flashback-
Inaalala ko ang mga nakaraan at naluluha ako. Pinunasan ko ito at tinignan si kuya.
Nakatulog na sya...
DON'T FORGET TO VOTE, FOLLOW AND COMMENT!!!
BINABASA MO ANG
My Seatmate CRUSH
Teen FictionFirst day Of School Ang babae na si Allysa or short na Ally ay magkakagusto sa isang lalaki na si Zach. Siya ay gwapo ngunit hindi siya namamansin kahit kanino. Walang kaibigan at una sa lahat ay snobber. Magiging katabi ni Ally si Zach sa kanilang...