Chapter: 2

79 1 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 2

"Lolo!" Sigaw ni Jove nang makita ang lolo Conrad niya.

Napasunod naman si Sam, naalala niya noon nung maliit pa siya ganitong-ganito din siya sa lolo niya.

"Oh, bakit hindi ka lumapit sa lolo mo?" Puna ko kay Sam.

Napangiti si Sam at pinagmamasdan ang kanyang bunsong kapatid.

"Parang kelan lang Dad, pero ngayon eto at talagang dalaga na ako." Sabay ngiti at lingon sa Daddy niya 

"Hay, dalaga ka na nga. Baka sa mga susunod mga boyfriend ka na ah?  

Natawa siya sa biro nang ama.

"Samantha!" Tawag ni Conrad.

Lumingon siya at ngumiti sa kanyang Lolo sabay takbo na din para yakapin ito.

"Naku, talagang nagpunta ako para makita ang First day mo dito." 

"Lolo naman." 

"Lolo, pag laki ko po ba dito din ako mag work?" Sabat ni Jove

"Depende yun sa course mo iha?" Sabat ko nang makalapit na sa kanila.

"Ganun po ba yun?" Nagtatakang tanong ni Jove.

Natawa silang tatlo 

"Bunso bata ka pa, huwag mo masyado iniisip yun maliwanag?" Sabat din ni Sam at ginulo ng buhok ni Jove.

"Pa, siya nga pala may meeting ako mamaya baka medyo matagalan ako at si Sam. Kayo muna bahala kay Jove."

"Walang problema iho, parang hindi ako sanay ah." Nakangiting sagot ni Conrad at lumingon sa kanyang apo.

"Apo, dun na tayo sa kwarto ko mukhang mag work na ang Daddy at ate mo."

"Opo lolo!" Kinuha na nito ang bag at ang libro na hawak, fairytales yun sabay lapit kay Pj.

"Daddy Kiss na po!" 

Umupo ako para maabot ni Jove, at isang kiss sa pisngi ang iginawad niya.

"Be a good girl kay Lolo wag mo masyadong papagurin dahil matanda na si Lolo."

"Pj!"

"Joke lang Pa!" At muli ako tumingin kay Jove para ayusin ang buhok niya 

"Sige sama ka na kay Lolo mo."

Tumango ito at humawak na sa kamay ng Lolo Conrad niya hanggang sa makalabas na ang dalawa.

"So! Arch. Sam " sabay ngiti ko at kinuha ang folder na nasa lamesa.

"Eto yung plano ko at bagong magiging project, so kaya mo na ba mag start today?" 

"Aba, si Daddy hinahamon ako ah?"

Natawa ako at lumapit kay Sam inayos ko ang buhok niya,

"I can't believe na ngayon dito ka na magta-trabaho sa kumpanya ko."

"Dad, namimiss mo na naman pagiging little Princess ko."

"Hindi naman, kasi may Little Princess ako na bago. Kaso ikaw baka sa susunod mag asawa ka na?" Bigla ako nalungkot, kapag yun talaga ang pumapasok sa isipan ko.

Niyakap ni Sam ang kanyang ama nang mahigpit,

"Darating din ako duon, pero hindi pa sa ngayon. Kaya huwag ka muna mag iisip ng kung anu-ano Daddy!" Sabay kalas at tingin sa ama.

"Okay fine! So tara na sa Conference para mapakilala kita." 

"Sure!" 

~

"Lolo, maganda po ba?" Sabay pakita ni Jove nang kanyang drawing.

"Ang ganda apo, Aba mukhang nagmana sa din sa ate mo ah?" 

Ngumiti si Jove at nilapag na ang sketch pad niya at biglang nanahimik.

"Oh, bakit parang nalungkot ka?" Tanong ni Conrad 

"Kasi, may trabaho na si Ate wala na ako magiging kalaro sa bahay tapos sila Mommy at Daddy masyadong busy din."

"Lagi ka naman dinadala ni Daddy mo dito sa office ah, o kaya pwede ka naman pumunta sa bahay para may kalaro mga pinsan mo?" 

"Pwede na kaya ako mag trabaho?" 

Natawa bigla si Conrad sa sinabi ng kanyang apo, walang-wala din pinagkaiba kay Sam noon na madaldal at matalino.

"Apo, kapag lumaki ka na pwedeng-pwede pero sa ngayon, mag drawing ka na lang at maglaro " 

~

"Hay naku Mika, ang dami talaga ngayong nangyayari bansa noh?" 

"Bakit?" Tanong niya pero hindi tumitingin kay Cherry, busy kasi siya sa mga data na inaayos niya sa computer.

"Etong nabasa ko, mukhan Gang, hayss kaya mga anak mo huwag mo na masyado pinapalabas."

"Hindi naman sila lumalabas, tsaka si Sam naman kasama lagi ni Pj kapag mag Gig."

"Kahit na, mukhang may mga trip sa buhay ang mga gumagawa ng mga ganito."

Tumigil siya saglit at tumingin kay Cherry,

"Umayos ka nga, mamaya magdaldal ka kapag nakaharap si Pj alam mo na allergic siya sa mga ganyan lalu noon nangyari sa amin dati."

"Eigth years ago na yun ahh, yun ba yung si Christian?" 

Napailing na lang si Mika at tinuloy pa din ang ginagawa.

"Panu naman kasi, mga trip nito puro babae kaso wala naman nakakahuli pa." Daldal pa din ni Cherry.

"Maingat si Pj sa mga anak niya, kaya huwag ka mag alala." Sagot niya.

"Okay, sige maiwan na kita."

Tumango lang siya hanggang sa madinig na niya ang paglabas ni Cherry, saglit siyang huminto sa pag type. Naalala niya nga naman noon, muntik pa mamatay si Pj dahil na din sa paglilitas sa kanilang anak.

"Hay, bakit ba kasi hindi natatapos ang mga ganuong klaseng krimen." Bulong niya at saglit na sumandal.

#AuthorCombsmania

Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon