Ano nga ba TAYO?

36 0 0
                                    

'Ano nga ba tayo?'

Tanong ng puso ko.

Hawak nga kita,
pero tila ba di ako sigurado.
Ako nga ang rason ng pag ngiti mo,
pero bakit tila di ako kontento.

Hindi ko alam kung anong mahika ba ang ginamit mo,
para mapatibok mo ng ganto ang puso ko.
Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata mo,
na tila ba sa tuwing tinititigan ko'y para akong nahihipnotismo.


Napapangiti kita,
Napapangiti mo ako.



Ang saya-saya natin.



Parang...parang TAYO.



Tayo nga ba?

Nayayakap kita,
nahahawakan kita,
masaya naman tayo.
Mahal naman kita,
pero tila ba nag aalalangan ako kung--
Kung ako rin ba'y mahal mo.
Baka kasi nag-aasume lang ako sa wala,umaasa lang ako sa wala.

Ano nga ba tayo?

Masaya ka,
masaya ako,
masaya TAYO.
Mahal kita,sigurado ako.
Eh ikaw?Mahal mo rin kaya ako?
Masaya ka rin kaya pagkasama mo ako?
Bumibilis din kaya ang tibok ng puso mo sa twing nakikita mo ako?
Nahihipnotismo ka rin kaya sa mga titig ko?

ANO BA TALAGA?!

Sabihin mo naman,
para ako'y malinawanagan.
Para malinaw ang lahat ng di na ako naguguluhan.
Dalawang salita lang,

'TAYO NA'

Sapat na yun para di na ako maguluhan pa.

Pero tila ba wala kang planong sabihin sakin ang mga katagang yun.
Tila ba ayos lang sayo ng walang malinaw na relasyon.

Pero para sa kaalaman mo,
Nasasaktan na ako.
Gulong-gulo na ako.
Hirap na hirap na ako.

Ano ba talaga?

Ano nga ba talaga?

Hindi sapat ang masaya lang tayo,
Hindi sapat na mahal lang kita,
Hindi sapat na nakakasama kita,
Dahil ang tanong ay....

Hanggang kailan?

Hanggang kailan tayo masaya?
Hanggang kailan ang pagmamahal ko?
Hanggang kailan ang pagsasama nating dalawa?

Hindi sa wala akong tiwala sayo.
Mahal kita na kahit ano gagawin ko para lang sayo.

Pero isang tanong lang at sana ay sagutin mo.

'Ano ba talaga tayo?'


[04/25/20]

Dedicated to: Joshua and Harah :>

Huy,unsa lagi daw mo?HAHAHAHA!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Bawat Pahina Where stories live. Discover now