Sa kalalakad ko hindi ko namalayang nasa field na ako.Pumunta ako sa malaking puno at umupo sa ilalim nang makitang malinis ang damuhan. Napapikit nalang ako nang maramdaman ko ang napaka preskong hangin na dumadapo sa balat ko. Sumandal ako sa puno at pinanood lang ang mga ibon na payapang lumilipad at mga halamang tinatangay ng hangin.
***
'You're always in pain whenever I see you. This is the second time that we've met and I don't know why am I feeling this way towards you.'
Marahan kong iminulat ang mata ko nang may marinig akong boses at marahang humahaplos na kamay sa pisngi ko. Nakatulog pala ako nang hindi ko namalayan.
Nagulat ako nang makita ang isang lalake na deretchong nakatingin sa akin kaya napalayo ako ng bahagya sa kanya. Muka naman syang mabait pero syempre hindi ko sya kilala.
"I-I was just crossing there then I saw you here. I thought you need help or anything kaya nilapitan kita pero natutulog kalang pala." Bahagya syang ngumiti sa akin at tumayo na sa harap ko.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumayo narin ako at pinagpagan ang puwetan ko.
"Sorry for disturbing you. I'll get going." Paghingi nya nang dispensa at balak ng umalis pero pinigilan ko sya.
"No It's fine. Siguro kung hindi ka pa lumapit baka hindi na ako makapasok sa next class ko. Thank you." Bahagya akong ngumiti sa kanya pero tango lang ang sagot nya at umalis na sa harap ko.
Pinagmasdan ko sya habang naglalakad papalayo sa akin at hindi ko alam ba't medyo magaan ang loob ko sa kanya na para bang nakilala ko na sya somewhere kahit ngayon ko lang sya nakita. Pilit kong inaalala kung nagkakilala na ba kami pero wala akong maalala. Matangkad sya at maputi. Napakalinis nyang tignan sa suot nyang uniform. Kakaiba rin sya kung tumingin dahil sa kulay ng kanyang mga mata na dark brown. Parang di mo tuloy maiwasang pagmasdan sya.Hindi ko manlang nalaman ang pangalan nya para makapag pasalamat manlang sa kanya. Napailing nalang ako at dumeretcho sa klase. Buti nalang wala pa ang prof namin pagkarating ko.
Di ako mapakali sa upuan ko dahil iniisip ko parin yung lalaki kanina. Isa pa yung boses na narinig ko kahit tulog ako. Sino kaya iyon? Sya kaya? Yung lalake'ng lumapit sa akin? Pero baka hindi. Baka sa panaginip ko lang yun. Napaka imposible naman kasing masasabi nya sa akin iyon lalo na't hindi ko kami magkakilala.
Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa klase buong maghapon kaysa magisip ng kung ano-ano. After ng klase namin nagmadali akong lumabas ng room, nagbabakasakaling makita ko ulit yung lalake kanina sa field. Sa tinagal tagal kong nag-aaral dito ay ngayon ko lang sya nakita kaya naman ay gusto ko syang hanapin at hindi ko alam kung bakit.
Tatakbo na sana ako palabas ng hallway nang may humawak sa braso ko para pigilan ako. Napatingin ako sa kamay nito deretcho sa muka at ganun nalang ang gulat at pagtataka ko nang makita ko kung sino ito.
"Alam kong nagmamadali ka but can you give me atleast five minutes to talk with you?" Nagbabakasakaling tanong nya sa akin at nakikita ko sa mga mata nya na parang nagmamakaawa. Umiwas ako ng tingin at hinila ang braso ko sa kanya. Nabaling lang kila Aj ang tingin ko nang magsalita ito sa likod ni Marc. Mukang nagtataka kung bakit magkasama kami.
"Bakit ba nagmamadali kang lumabas? Saan ka ba pupunta? Kanina ka pa namin tinatawag pero hindi ka manlang lumingon kaya hinabol ka nalang namin." Hinihingal na turan ni Cath sa gilid ni Aj.
Sumilip ako kay Marcus sa gilid ko na nagbabalak lumapit sa akin pero umatras ako.
"Sorry pero wala akong oras para makipag usap pa sayo. Nagmamadali ako ngayon dahil may hinahanap akong IMPORTANTENG Tao." I said emphasizing the last words para mas maintindihan nyang mabuti. Napabuntong hininga nalang sya at tumango saka umalis sa harap namin na akala mo'ng nalugi.
"Wala ka parin ba'ng balak na kausapin si Marcus? Ilang beses ka na nyang linapitan pero lagi kang umiiwas at nagdadahilan. Nakakaawa naman kasi yung tao. Muka naman syang sincere eh" Tanong ni Cath na lumapit pa sa akin.
"Tss! Dapat lang sa kanya yun. Bakit naawa ba sya kay Steph sa mga ginawa nya?" Sabat naman ni Aj sa tanong ni cath.
"Hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handa, baka hindi ko lang sya makausap ng maayos at mas lalo lang lumala ang away sa pagitan namin." Pagdadahilan ko nalang pero ang totoo ay ayoko na talaga syang makausap ulit. Alam kong hindi na mababalik sa dati ang lahat.
"Wala naman kasing mangyayari kung lagi mo nalang tatakbuhan yang problema mo Steph. Ikaw lang din ang mahihirapan sa ginagawa mo. Hindi habang buhay ay kaya mong takbuhan yang problema na yan."
Alam ko naman ang ibig sabihin ni cath kaso hindi ko pa talaga kaya. Ihahanda ko muna ang sarili ko para kapag alam kong kaya ko na, ako na mismo ang lalapit kay Marcus.
"Maiba nga tayo, saan ka nga pala pupunta at nagmamadali ka? Sino yung hahanapin mo?" Nagtataka na tanong ni Aj pero umiwas lang ako. Saka ko nalang siguro sasabihin sa kanila kapag nakilala ko na sya.
"Wala hahaha dahilan ko lang iyon. Sige na mauna na ako gusto ko na kasi magpahinga. Kita nalang tayo bukas!" Sigaw ko papalayo sa kanila habang kumakaway pa. Hindi na nila ako hinabol dahil wala din naman silang magagawa pa.
Pagkarating ko sa parking ay sumakay ako agad sa kotse. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mata. Buti nalang ay maaga'ng dumating si kuya Gab para sunduin ako.
"Okay ka lang Steph?" Napatingin ako kay kuya Gab na nag dra-drive. Bahagya lang ako ngumiti dito at tumango.
Pagkarating sa bahay ay dumeretcho ako sa kwarto para makapag palit ng damit. Wala pa naman sila mom at wala din akong gana mag dinner kaya napag pasyahan kong matulog nalang nang maaga. Baka sakaling pag pasok ko bukas ay makita ko na ang hinahanap ko.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
Teen FictionEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...