Epilogue

4.1K 171 11
                                    

Masayang nagkakantahan ang mga members ng DKRC sa DK Arena kung saan ginanap ang engrandeng kasalan nina Jazon at Margaux. Love is loveliest the second time around. That's the theme of their second wedding. But this time ay kapwa na nila minamahal ang isa't-isa.

Masayang tinitignan ni Margaux ang mga nagakaksiyahang bisita sa malawak na arena. Napakagarbo ng pagkakaayos nito.

Tatlong buwan pagkatapos ng madramang tagpo nila sa DK Arena ay napagpasyahan na nilang magpakasal muli. Sinamahan ng isang magandang balita na dalawang buwan ng nagdadalang tao si Margaux.

Lubos lubos ang kaligayahan nila na muli na naman sila biniyayaan ng anak ng Panginoon.

Pagkatapos magsawa sa paglibot ng kanyang paningin ay muli niya ibinaling ang tingin sa asawa na si Jazon. Napaka guwapo nito sa suot na white suit. Halatang-halata dito ang labis na kasiyahan sa nakikitang nagkakatuwaan na mga bisita nila.

Napansin naman nitong nakatitig siya dito kaya mabilis na hinalikan siya nito sa labi at masuyong tinanong.

"I know what you're thinking babe" may halong panunukso ang tingin nito sa kanya.

"What?" Pinanlakihan niya ito ng mata ngunit nakangiti.

"Mamaya mo na ko pagnasaan babe marami pa tayong aasikasuhing bisita" panunukso nito na may pilyong ngiti sa labi. Namula bigla ang kanyang pisngi sa sinabi nito.

Tinampal naman niya sa braso si Jazon sa kapilyuhan nito. Nagpalinga-linga siya sa paligid at baka may ibang nakarinig sa sinabi ng asawa niyang maharot.
"Ikaw talaga.. pasalamat ka maraming tao dito kung hindi uubusin ko yang balahibo mo sa binti" kinurot pa niya ito ng pino sa tagiliran

"Awww babe naman hindi ka na mabiro." Nakangusong angal nito sa ginawa niya habang hinahaplos ang bahagi ng katawan nitong kinurot niya..

"Congratulations!!!" Bati ni Stevielyne sa kanila na nakalapit na pala sa kanila.

"Salamat Stev" sabay ngiti rito. Natutuwa siyang kahit paano ay nakaka-recover na ito mula sa traumang dinanas mula sa mga kumidnap dito na kalaban sa pulitika ng pinsan ni Jazon na si Juanczo. Dahilan upang mapilitan muna ang huli na lumayo kay Stevie para na rin sa kaligtasan nito.

Hinalikan sila nito pareho sa pisngi bago may iniabot na may hindi kalakihang kahon ng regalo.

"And here is my gift for you." Sabay kindat pa nito sa kanya.

"Sakin wala?" Kunwaring angal ni Jazon kay Stev.

"Hati na lang kayo diyan." Sagot naman ni Stev sa asawa niya.

"Nahawa ka na ng kakuriputan kay Mayor Juanito, Stev." Natatawang biro dito ni Jazon.

"Oi hindi nuh. Ang hirap niyo kasi hanapan ng regalo eh. Kaya ganyan na lang naisipan kong ibigay. Saka utang mo naman sakin kung bakit kayo nagkabalikan ni Margy diba. Baka nakakalimutan mo!"

" Oo na. Wala na kong sinabe. "

" Ano ba kasi tong regalo mo ha babae? Mukhang hindi naman bukal sa puso mong bigyan ako ng regalo eh" aniya sa kaibigan.

"Hehe. Buksan mo na lang mamaya pag tapos na ang reception niyo. "

"Parang gusto kong kabahan sa tono ng pananalita mo Stevielyne." Ani Margaux.
Hindi na nakahirit pa si Stev ng muling magsalita ang event host nila at pinapapunta na sila sa gitna pa sa traditional money dance.

Kanya-kanya ng sabit ang mga bisita ng libo-libong pera sa kanilang damit pangkasal. Matapos ang naturang money dance ay nagpatuloy ang kasiyahan sa loob ng DK Arena.

Nagpaalam na silang mag-asawa na magpapahinga sapagkat sumasama na ang pakiramdam ni Margaux. Hindi katulad ng unang paglilihi niya ay hindi na siya gaanong maselan ngayon. Nakakarana man siya ng morning sickness ay hindi na ganoon kalala kaysa dati. Hindi rin niya sigurado kung ano ang kanyang pinaglilihian ngayon dahil halos lahat naman ng pagkain ay gusto niyang kainin.

Pero isa ang sigurado niya mula ngayon. No more sleepless nights with agony, sorrow and pain. No more heart aches. No more secrets. No mo hiding true feelings. Most specially no more letting go.

All she is feeling right now is contentment and happiness with the love of her husband Jazon. Minsan man silang naging biktima ng mapaglarong kamay ng pag-ibig, nasisiguro niyang magmula ngayon kahit ano pa man ang mga pagsubok na kanilang pagdaanan ay magiging matatag sila sa kanilang pagsasama gaya ng ipinangako nila sa isat isa sa harap ng dambana....

"End"


Salamat po sa matiyaga ninyong pagbabasa sa aking kauna-unahang Wattpad story. ❤

Suportahan niyo din po sana ang Dark Knights Riding Club Series. ♥️☺️

VICTIMS OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon