"Oh eto na pala si Tim eh!" Sabay kaming lahat na napatingin kay Tim dala-dala ang napakalaking bag niya.Parang akala mo naman doon na kami titira sa resthouse nina Lucas forever. Hindi ata bakasyon ang punta niya doon mukhang lumayas na talaga ito.
"Laki ng bag mo tol ah, wala ka na bang balak bumalik?" Biro naman ni Trevor. Nagsitawanan kaming lahat except lang kay Ellie na biglang sumulpot sa usapan.
"Sana all binabalikan." Wika niya sabay tingin kay Trevor.
Ellie is Trevor's ex girlfriend. Mas una naging sila ni Trevor. Mas una niyang minahal si Ellie kaysa sa akin.
Minsan nga tinatanong ako ng mga kaibigan ko, paano daw kung magkabalikan sila? Paano daw kung marealize ni Trevor na si Ellie naman talaga ang mahal niya?
Ellie has everything that a man is looking for. She got the looks, the confidence, she is intelligent, and she has everything. Lahat na wala sa akin nasa kay Ellie na.
I only had Trevor.
Siya lang ang meron ako. At hanggat hindi niya sinasabi na ayaw na niya sa akin, forever ko siyang panghahawakan at ang pag-ibig ko sa kanya.
"Asan na ba kasi si Lucas? Antagal naman niya." Biglang sabi ni Trevor.
"Paparating na daw siya." Sagot ko.
"Alam mo naman ngayon napaka traffic." Dagdag pa ni Tim.
"Alam niyo why don't we buy foods na para pagdating ni Lucas makakaalis na agad tayo." Suggestion ni Ellie na sinang-ayunan naman naming lahat.
---
"Tagal mo pre!" Reklamo ni Tim pagdating ng pagdating ni Lucas.
I was busy fixing my things ng bigla kong naramdamang may yumakap sa akin mula sa likuran. By his scent, agad ko ng na recognize kung sino iyon.
Binaon niya ang kanyang ulo sa aking leeg at nagsimulang halik-halikan ito.
Hindi naman ako maka focus sa aking ginagawa dahil nakikiliti ako at isa pa PDA na to. Baka makita pa kami ng mga kaibigan namin.
"Trev, nag-aayos pa ako." Sabi ko. Pero hindi siya natinag.
Unti-unti ng pumapasok ang mga kamay niya sa shirt ko.
"Trev, ano ba" Napatingin na ako sa kanya at kita sa kanyang mga mata ang labis na pagkagulat.
I know how badly he wanted this. I mean, matagal na niyang hinihiling sa akin ito at ako lang talaga ang umaayaw.
"Sorry. I know you are not yet ready hindi ko lang talaga napigilan yung sarili ko." I felt bad and sad for him.
Alam kong he also has his needs at nagui-guilty ako na hindi ko iyon mabigay sa kanya.
"Kunin ko lang yung iba pa nating mga gamit." Sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo bago umalis.
Isa ito sa mga hindi ko maibigay sa kanya na alam kong kayang kayang maibigay ni Ellie. At natatakot ako na baka isang araw mapagod si Trevor sa pagiintindi sa akin at magdesisyon siyang iwan ako.
---
Nasa loob na kami ng kotse lahat.
Si Lucas yung nagdr-drive. Nasa front seat naman si Tim.Nasa gitna naman kami nakaupo katabi ko si Trevor sa kanan habang nasa kaliwa ko naman si Ellie.
Nag-iisa naman sa likuran si Sammy, minsan lang magsalita yun eh at mas gusto niyang mag-isa. Let's give her the time.
BINABASA MO ANG
Secret Bad Affair
Fiksi RemajaAffair. Sa iba mali ito at hindi dapat gawin pero paano kung ito ang natatanging paraan para maprotektahan mo ang isang taong mahalaga saʼyo? Are you willing to take the risk? Are you willing to have a Secret Bad Affair? COMPLETED.