Author: (σ≧▽≦)σRon from my other story entitled Her Heart, has nothing to do with this one shot's character named Ron. They are different persons.
---
Mula nang magkagusto ako kay Keisha kailanman ay hindi na ito nawala.
Sa kanya nalang umikot ang mundo ko.
Naglakas ako ng loob na umamin sa kanya.
And she rejected me.
Ngunit kahit gano'n, hindi naging dahilan 'yon para matuldukan ang nararamdaman ko para sa kanya.
Nakuntento na akong pinagmamasdan siya mula sa malayo. Makita ang magaganda niyang ngiti mula sa malayong distansya.
Pero may mga pagkakataong hindi ko mapigilan ang damdamin ko. Lumalapit ako ngunit tinataboy niya ako.
Lagi niya akong tinataboy. Masakit. Ayos lang, mahal ko e.
Tumabi ako sa kanya at inabot ang milk tea na binili ko para sa kanya.
Tinignan niya lang ito.
"Klian, busog ako sa'yo nalang." malamig nitong saad, tumango ako.
Wala pa sa mga inalok ko ang tinanggap niya. Ayos lang.
"Keisha--"
"Kailangan ko nang umalis." wala akong nagawa nang tumayo na siya at naglakad palayo.
"Hindi ka pa rin tumitigil?" umupo sa tabi ko ang kaibigan ko.
Bumuntong hininga ako. "Ron, kung si Keisha ang pag-uusapan alam mong hindi ako titigil."
"Hindi ka ba napapagod? Lagi kang reject pre, masakit 'yon."
"Napapagod, siguro oo, pero hindi susuko."
--
Sa tuwing uuwi siya ng mag-isa ay palihim ko siyang sinusundan hanggang sa makarating siya sa bahay nila upang makasiguro akong makakauwi siya ng maayos at ligtas.
Kapag may lalaking lumalapit sa kanya nagseselos ako. Bakit sila hindi niya nilalayuan?
Pasikreto rin akong nagbibigay ng mga sulat sa kanya. Doon ko nasasabi ang mga bagay na hindi ko masabi sa kanya dahil palapit palang ako, lumalayo na siya.
Nang makita kong nag-iisa siyang nakaupo sa bench, agad kong kinuha ang pagkakataon para lapitan siya.
Nang makita niya akong nakaupo sa tabi niya bakas ang gulat at takot sa mga mata niya. Agad siyang tumayo kaya hinawakan ko ang braso niya para mapigilan siya.
"K-klian please layuan mo ako ayoko sa'yo pwede ba!?" marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso niya at agad na naglakad palayo.
Bakit?
--
Mula sa upuang kinauupuan ko ay tanaw ang pwesto nila Keisha kaya malaya ko siyang nakikita. Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Pre, 'wag kang mao-offend sa sasabihin ko." tinuon ko ang atensyon ko kay Ron.
"Para ka ng baliw sa ginagawa mo dahil dyan sa pagmamahal mo kay Keisha na hindi niya magawang tignan. Real talk Klein parang ka ng psycho. Nakakatakot ka na."
--
Tila gumuho ang mundo ko nang malaman kong naconfine sa hospital si Keisha dahil sa mahina niyang puso.
Halos mabaliw ako nang sabihing may posibilidad na mamatay siya dahil nahihirapan silang makahanap ng donor.
Gulong-gulo na ang isipan ko, ilang linggo ko na siyang hindi nakikita.
Hindi ko kakayanin kapag tuluyan siyang nawala.
Nang malaman kong successful ang operasyon matapos may nahanap na donor ay hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad ko na siyang pinuntahan sa hospital.
Walang araw na hindi ko siya binisita.
Matapos ang ilang araw na pagpapahinga ay umuwi na sila sa bahay nila. Nagmadali akong nagtungo sa bahay nila upang kamustahin siya.
Nang sandaling makita niya ako ay nabakas ang gulat at takot sa buong pagkatao niya. Bakit lagi ka nalang takot sa akin?
Nabitawan niya ang hawak niyang libro at nanginginig na napaatras.
"Keisha, bakit ba lagi ka nalang natatakot sa akin?" humakbang ako ngunit mas naramdaman kong natakot siya kaya minabuti kong tumigil.
"K-klein, l-lumayo ka sa akin! P-pakiusap ayoko nang m-makita ka! Tigilan mo na ako tumigil ka na sa kasusunod sa akin!" nakaramdam ako ng sakit nang makita siyang lumuluha dahil sa takot niya sa akin.
"Bakit ka ba natatakot?"
"Klein, enough, you're d-dead."
Ngumisi ako. Kung gano'n nalaman niya ang ginawa ko.
Oh right, I am her heart donor.
"Finally, may bagay na galing sa akin ang hindi mo matanggihan. Dahil kung tatanggi ka, mamamatay ka."