MIMIC GAME (ONE-SHOT STORY)

24 4 0
                                    


"Maglaro nalang muna tayo! Baka di na darating si ma'am." Excited na pag-aaya ni Abigail sa mga kaklaseng mukhang luging-lugi kakaantay sa teacher nila sa Oral Communication na subject.

"Para kang bata." Masungit na sagot naman ni David sa kanya na napasinghal pa.

Di man mukang interesado, napatingin nalang rin si Roxanne sa kaklaseng nag-aya at nagbigay ng tingin na parang game na game sya dahil narin sa kaburyuhan. Ganoon din naman si Luke na nag-aabang lang ng susunod na sasabihin ni Abigail. Ang iba nilang kaklase naman ay abala at di pinapansin ang dalawa.

Mula pa noong Junior High magkakakilala ang apat at sinadya talaga nilang maging magkakaklase ulit sila dahil narin sa pinagsamahan nila. Kasalukuyan silang naghihintay sa teacher nila at dahil sobrang bored talaga sila, kahit si David na nagsungit pa noong una ay pumatol narin sa ideya ni Abigail.

"Madali lang naman, isang linggong libre lunch lang naman yung nakasalalay. Ikaw mismo ang kailangang tumanggap ng parusa." Panimula ni Abigail na syang pasimuno.

"Napanood ko lang rin to sa palabas pero ako lang naka-isip na gawin itong isang laro. Simple lang rin yung mechanics. Una tumingin ka sa mata ng partner mo, tapos kung sino yung taya, sya yung manggagaya ng gagawin at sasabihin ng isa. Sa madaling salita, Mimic Game ito." Mahabang paliwanag lang ni Abigail habang seryosong nakikinig lang yung tatlo.

"Oo nga pala, para manalo, kailangan malito mo yung kaharap mong para di ka nya magaya. Pag dalawang minuto na lumipas at di pa rin nagkakamali yung taya, magpapalit na yung pair na yun. Kaya magkakaron ng chance yung taya na yun na sya yung manalo. Ang tanging bawal lang dito ay yung tongue twisters para naman patas. Gets na ba?" Dagdag na paliwanag nito.

Muka namang interesado yung tatlong inaya ni Abigail. Tumayo naman din agad si Luke at may tanong pala sa isip.

"Sino yung magka-partner?" tanong ni Luke.

"Good Question, Alphabetical namang muna yung unang set ng mga pares. Lahat tayo magiging pair Kaming dalawa ni David muna dahil kami yung unang magkasunod na letters. Tapos kayong dalawa naman ni Roxanne." Sagot nito.

Naging klaro naman na ang lahat para sa kanilang tatlo at parepareho nang pumunta sa malawak na space sa likod ng mga upuan.

"Game na." huling salitang nanggaling kay Abigail bago nila simulan ang laro ni David.

Unang taya si David ang ibig-sabibin at may malaking ngiti naman sa labi si Abigail dahil sa balak nyang gamitin ang pagkakataong ito para tuksuhin si David.

"Bak-" panimula ni Abigail na matawa-tawang nakatingin sa mata ni David habang gumiling pakaliwa. Ginaya naman sya nito pero sumeryoso ang mukha dahil alam nya ang pinaplano nitong si Abigail.

"La- A- ko." Tuloy na panunukso ni Abigail sa binata. Wala namang nagawa ito dahil gusto nya lang rin na makalibre ng lunch nila at sa isa pang dahilan.

Paulit-ulit lang na nanukso si Abigail at nasalo naman ni David lahat ng galaw nito hanggang sa matapos ang dalawang minuto.

"An' daya naman, oh!" reklamo ni Abigail nang mapagtantong nanalo si David sa kabila ng pagiging taya. Huli na nang maalala nyang dancer pala itong si David kaya di nito alintana kung pakembutin nya nang pakembutin ito.

Di sya magpapatalo dito para patas ang laban at di nya kailangang manlibre lalo na sa masungit na si David na minsan ay tinutukso nyang rine-regla.

Pagkakataon naman na ni David para manalo at di nya ito palalampasin. Alam nyang bulol sa 's' si Abigailh kaya ito ang naisip nyang pampatalo rito.

Di pa manlumilipas ang 30 seconds ay kita nyang hirap na hirap na sa paggaya itong si Abigail. Naisip nyang di na nya kailangan pang gumawa ng mga galaw na gagayahin ni Abigail dahil sa pagsasalita palang ay alam nya nang matatalo nya ito.

MIMIC GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon