Wet.. before anything else.. may babatiin pala muna aku!
TO the friend of my beloved Friend and Classmate Cess haha! Salamat sa pag-appreciate ng LPHAW! Unexpected talaga! Nagulat kami nung kinwento niya sa'ming nagustuhan mo daw yung flow ng story. Grabe nakakatuwa talaga! Salamat rin Cess sa pag-share haha lalo ako nainspire!
Basta pag nasense mong ikaw tinutukoy ko na kaibigan ni Philcoa Girl baby namen ikaw nga 'to haha! Super duper mega thanks for appreciating JuShien! Salamat po talaga ng marami! Keep on supporting aja!
Naglalakad sa corridor si Julian para hanapin si Jesrell. Tinext kasi siya na magkita daw sila sa 4th floor. Hinihiram kasi nito yung isang t-shirt niya para sa activity daw nila. Nahirapan pa siyang hanapin kanina sa damitan eh wala naman pala talaga dun. Nasa closet ni Oshien. Napailing na lang si Julian nang makita yung shirt niya doon. Ito na nga ba. Kinursunada na naman. Kababaeng tao shirt ng lalake ang gusto? Basta maganda ang fitting kay Julian, feeling niya bagay na rin sa kanya. Mas sinusuot pa yung malalaking damit kesa sa mismong mga damit niya. Buti nga napuslit pa niya. Isa lang kasi ibig sabihin kapag nasa closet na ni Oshien ang damit niya.
O.A PROPERTY na yun.
Tatawagan na sana niya si Jesrell nang mapansing padaan rin si Kris.
"Yoh Bro." Bati ni Julian bago lampasan si Kris pero pinigilan siya nito by holding his arm. Napatingin siya dito. "Bakit? Binati naman kita ah.."
"Let's talk."
"Weh? Ako gusto mo makausap?" imbis na sumagot, hinila lang bigla ni Kris si Julian sa tabi.
"Kailangan talaga ako ibalibag? Impernes naimpress ako. Kaya mo pala ako? Ah.. don't judge the book by it's cover pala talaga.." he nods. Tinitigan lang siya ng masama ni Kris. "Kidding Bro."
"Stay away from us MJ. Stay away from Oshien." Dismissive look slowly vanished after what Julian's heard. He gave him a pointed look.
"I'm sorry?"
"I said, stay away from my wife."
"You're wife?" he laughed. Then got serious afterwards. "Talk to your listeners."
Aalis na sana siya nang pigilan uli ni Kris. Hinila siya nito pabalik. This time, no joke na yung pagkahila sa kanya. Muntik na nga siyang ma-out of balance.
"Sobra na ah! Ibalibag mo na kaya talaga ako?!"
"May gusto ka ba kay Oshien?"
Natigilan bigla si Julian.
"Uulitin ko pa?"
"Impromptu ah. Naspeechless ang beauty ko imperness."
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. I'm just curious. Kapag kasama ko si Oshien parang lagi ka nalang sumasalo sa kanya. Seems like you're always on guard. Lagi ka na lang pumapapel. Lalake rin ako kaya napapansin ko lahat ng ginagawa mo. I can see how much you care for her."
"Oh? Wow naman, may ganon ka palang gut feeling? Impressive ah."
"Seeing you diverting the topic makes me think you really like her. Why? Gwapo ka naman, matalino, malakas ang dating, why her? Bakit mas gusto mo pa sa may asawa? She's already mine so I advise you not to pursue it. You know me, I can do whatever I want."
BINABASA MO ANG
Let's Play! Husband and Wife!
RomanceI'm Bored "Let's play" "No idea." "Let's Sing" "Not interested" "Let's talk" "No topic" "Let's make" "No Thoughts" "I have" "Spill it" "You're bored?" "I am" "Go to church" "Then pray? " "And Marry Me Later."