Kabanata 6

877 23 51
                                    

Kabanata 6

Pool Party


Hingal akong tumabi kay Janine. Habol ko ang hininga dahil sa layo ba naman ng tinakbo namin. Narito kami  sa football field at nag-aabang sa performances at live band. 6pm na kaya naman sumasayaw na ang mga ilaw. May music din na pinapatugtog para sa mga nag-aabang sa opening party ng Summer Fest dito sa school.


"Selfie tayo, dali!" Aya ni Janine at inilabas ang cellphone niya. Ilang pictures pa ang kinuha niya. Dumarami na ang tao at napasandal ako sa harang dito. May silbi din ang itinakbo namin ni Janine dahil dito sa pinaka harapan kami nakapwesto. Habang nag-aadjust sa mga musical instruments ang staff ay bumibilis din ang tibok ng puso ko dahil sa excitement.


Nagpost sa IG si Janine ng pictures namin at kung nasaan kami. Maya-maya pa ay nagsimula na. Umingay ang paligid at may nagsisigawan na! May nagperform ng hiphop dance, which is yung sa dance crew. Hindi kami kasali nila Leana diyan dahil sila ang mga freshman at second year. Mas lalong umingay ang crowd nang umakyat ang mga tutugtog para sa live band.


Umakyat sa stage ang isang sikat na banda. I cheered for them. Oh my god! I love this band!


"Let us welcome! Apollo 12!"


I shouted at the top of my lungs! OMG! They're in front of me! Mabilis kong inilabas ang cellphone at kinuhanan sila ng pictures. Grabe! Hindi ako makapaniwala!


"I just want to dedicate our first song, too all of the hard working students of Stevenson Colleges!" Sigaw ng vocalist.


"I love you, Kiernan!" Malakas kong sigaw. Napatili ako nang tumingin siya sa akin at kumindat.


"Here we go!"


He started singing at talagang tumili ako! Bilib na bilib talaga ako kung paano sila tumugtog. I can feel their passion and love for music.


"Fangirl ka pala."


Napadaing siya nang matapakan ko ang paa niya.


"Hala! Sorry!"


Agad ko siyang dinaluhan at chineck kung ayos lang ba siya. Pagkaangat ko nang tingin ay si Elijah lang pala!


"Bigla-bigla kang sumusulpot!" Sigaw ko sa kanya. "Ayan tuloy natapakan kita."


"It's okay. Acting lang 'yon." Tawa niya. Napairap ako.


"Tss! Best actor ka na." Hinarap ko ulit amg banda at napangiti nang makitang nakangiti si Kiernan. That smile! OMG!


"Ashley.." Tawag niya pero masyado akong busy kay Kiernan.


"Ashley." Tawag ulit niya.


"Oh? Bakit?"

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon