I have been a fan of EXO ever since. Pero ako yung fan na hanggang tingin nalang sa kanila sa internet. Facebook, Vlive, Youtube, Instagram and twitter.
I can't afford to buy their albums. Umaasa lamang ako sa unboxing videos sa youtube haaay buhay walang pera.
I am now on Senior High School. Masipag mag-aral at honor student din naman.
"EXO na naman?!" Reklamo ng bestfriend kong si Nikko.
"Ano bang paki mo?" Andito kasi kami ngayon sa bahay nila gagawa ng research since nakaconnect ang cellphone ko sa wifi nila pinagsamantalahan ko na haha!
"Andito tayo ngayon para sa research! Hindi para sa pesteng Kpop na yan!" Aba aba aba! Tinawag ba naman na peste mga asawa ko?!
"FYI Nikko ako ang leader dito. Baka nakalimutan mo? Ako ang gumawa sa Chapter 1. Kaya ngayon galit ka kasi di ako tumutulong? Kapal."
Hindi na siya kumuntra pa kaya pinatuloy ko na ang panunuod. Ang gwapo talaga ni Lay! Parang nagmistulang hugis puso ang mata ko sa tuwing pinapanood ko ang music video nila na Monster.
Hindi ko namalayan na napunta na ako sa mga variety shows kung saan guests sila. Tawa ako ng tawa dahil sa pinaggagawa nila. Ang cute! Haays kailan ko kaya sila makikita sa personal? Excited na akong makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. I swear! Unang salary ko bibili talaga ako ng album nila! Atsaka lightstick ang ganda pa naman ng eribong.
Few hours later nagpaalam ang ibang kagroupmate ko at kukuha daw ng snack sa baba. Mayaman din naman tong si Nikko eh kaya gustong-gusto nila na dito sa kanila gumawa.Napansin kong may nakatitig sa akin kaya nilingon ko ito and I saw how shocked Nikko's expression is.
"Gustong-gusto mo talaga sila?" Tanong niya.
"Super!" I smiled sweetly.
"May mga merch ka na ba?"
"Ahm." Sandali akong nag-isip kung anong meron ako sa bahay "well, I have posters na nakadikit sa wall ko. Frames nila at photocards iyon lang".
"Albums? Lightsticks wala ka pa non?"
Napasimangot naman ako. "Wala, masyadong mahal eh di ko ma afford hahaha. Kaya kapag may magbibigay sakin nun jojowain ko talaga!"
"Bakit ano ba type mo?" Bakit tanong ito ng tanong?
"Tapos na ba kayo sa pinaggagawa ko?" Pag-iiba ko ng topic.
"Not yet we just rook a break kapagod maghanap ng source pdf na may references. So ano talaga type mo?" Pagbabalik niya sa usapan. Haays ayoko pa naman na pinag-uusapan ang mga type ko dahil ang sasabihin ko lang ay characteriatics ng pinakamamahal ko! Charoot may type talaga ako.
"A man who can support my fangirling. Yung hindi ako i-ju-judge sa pagiging kpop fan ko. Well not totally a kpop fan dahil EXO lang naman inii-stan ko. Tsaka yung masipag mag-aral kagaya ko haha."
YOU ARE READING
My Fan Girl Love Story (SHORT STORY)
Short StoryHe's a hater of the group I Stan but he learned to love it because of me.