"I want you to be my last dance on my 18th birthday," she uttered while smiling widely at me.
Seeing her smile made me smile too. Nandito kami ngayon sa tagpuan namin. Nakahawak ako sa beywang niya habang nakapatong ang mga kamay niya sa balikat ko. We're dancing while looking at each other.
"Matagal pa 'yun, masyado kang excited," I pinched her cheeks.
"Eh ano naman kung matagal pa? Basta I want you to be my last dance. Gusto kong 'yung lalaking mahal ko ang huling magsasayaw sa'kin. We will dance while looking at each other's eyes like no one's watching."
Hindi ko mapigilang mapangiti. I looked directly at her eyes and pulled her closer to me.
"I will be your last dance on your 18th birthday," I whispered.
I still remember the day when I promised to be her last dance.
"Babalik naman ako Yrah," saad ko.
"Bakit ba kailangan mo pang umalis? Hindi ba p'wedeng dito ka na lang kasama ako?"
Agad kong iniwas ang paningin ko sa kanya nang makita ang mga nagbabadyang luha sa mata niya. I can't stand seeing her like this. I promised to her that I'll never make her cry but here I am breaking that promise.
"Am I not e-enough for you to s-stay?" her voice cracked.
"Hindi sa g-ganon," I stuttered when I looked at her. Nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha sa galing sa mata niya.
"Kasi kung sapat ako para sa'yo hindi mo ako magagawang iwan--" I didn't let her finish. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.
"Tahan ka na. B-Babalik ako," saad ko habang hinahaplos ang buhok niya para tumigil siya sa pag-iyak. Matapos ko siyang patahanin ay sinubukan kong ngumiti. I gave her a small smile.
"You p-promised right?" I nodded.
"Uuwi ako bago ka mag-18. I'll be your last dance," I uttered and gave her a forehead kiss.
Babalik ako.. Babalikan kita.
Ngayon ang flight ko papuntang France. My father told me that I'll stay there for good pero hindi ko ito sinabi kay Yrah dahil alam kong hindi niya ako hahayaang umalis. Kahit na hindi ko gustong iwan siya ay wala akong pamimilian. I don't have a choice but to study there dahil 'yon ang gusto ng mga magulang ko. Binalaan nila ako na kung hindi ko sila susundin ay bahala na raw akong paaralin ang sarili ko na alam kong hindi ko pa kakayanin.
Hindi ko na hinayaang sumama pa si Yrah sa Airport dahil alam kong kapag nakita niya akong paalis na ay iiyak siya. I don't want to see her cry again because of me dahil baka 'pag nangyari 'yon ay magbago ang isip ko at manatili kasama niya.
Natigilan ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. I took it from my pocket. Yrah's calling me. Napapikit ako at agad itong inoff. Ayaw kong marinig ang boses niya. Huwag ngayon. Hindi ko kaya.
Huminga ako nang malalim at pagkatapos ay inilibot ang paningin ko sa paligid. I'll miss here.
I'll miss her...
Days, months and years passed by. I focused more on my studies. I worked hard just to pursue my dreams. Ayaw kong biguin ang mga taong nagtitiwala sa'kin. I don't want to fail my parents.. I don't want to fail Yrah..
I graduated as one of the top students and after graduating, I found a stable job. Ang gaan sa pakiramdam pero hindi ko maiwasang isipin na may kulang. Siguro mas masaya kung kasama ko siya.
After I left, I didn't receive anything from her. No messages, calls even letters pero kahit na ganon ay palagi ko pa rin siyang pinapadalhan ng mga sulat hoping that she'll reply.
Isang buwan na lang at 18th birthday na niya. I never forgot what I promised to her years ago that's why I booked my flight.
Gaya ng ipinangako ko pagkatapos ng ilang taon, I came back and here I am standing wearing my tuxedo.
"Iho, nandito ka na pala," nakangiting bati ni Tita Carla, Yrah's mom. Despite of what I did to Aya ay nagawa pa rin niya akong batiin nang nakangiti. She's the one who gave me the invitation to Yrah's birthday.
I smiled and nodded at her. Sinundan ng mga tingin ko si Tita Carla na abala sa pakikipag-usap sa mga bisita.
"Thank you for coming."
My heart skipped a beat after hearing that voice. I looked at her. She's smiling while welcoming everyone.
She's wearing a red off-shoulder ball gown. She became taller and at nagpaikli rin siya ng buhok. Nabaling ang tingin niya sa'kin kaya naman agad akong umiwas.
I couldn't keep my eyes off her. Damn she's perfect. She looks beautiful just like before.
She's smiling while looking at the guy infront of her. Nakahawak ito sa beywang niya habang ang mga kamay niya ay nakapatong sa balikat ng lalaki. They're dancing while looking at each other's eyes like no one's watching.
I don't know what to feel. I was too numb to cry.
I don't know what has gotten to me but I just saw myself walking towards them. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng mga tao pero wala akong pakialam.
"C-Can I dance with her? I stuttered.
Nakita ko ang pagkalito sa mukha ng lalaki ngunit tumango rin ito nang makita ang mga luha kong nangingilid.
"Can I dance with you?" I looked at her and she just smiled.
I held her waist as I looked deeply at her eyes."Isasayaw kita hanggang sa makaalala ka," I whispered.
"Have we met before? You look familiar." Napalunok ako sa narinig ko. I was expecting this pero hindi ko inakalang ganito kasakit.
I just nodded as I stopped. Napatulala ako at hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo. I hugged her tightly at naramdaman ko ang paghaplos niya sa likuran ko.
"Ayos ka lang? May problema ba?" she asked.
"Can we stay like this forever?" tanong ko habang nakayakap pa rin sa kanya.
Pagkatapos kong tumahan ay agad akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. I tried to smile.
"S-Sorry. May naalala lang," I uttered.
I held her close. I tried to keep smiling to stop my tears from falling because I knew that it would be the last.
After that, I let her go. "I fulfilled my promise," I uttered and kissed her forehead softly.
Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nakatingin sa amin ngayon. I walk towards him and gave him a small smile as I patted his shoulder.
"Alagaan mo siya. Huwag mong saktan gaya ng ginawa ko. Mahal na mahal ko 'yan."
Kung sana lang ay sinagot ko ang tawag niya noon hindi sana siya maaaksidente at mawawalan ng alaala.
Kung hindi ko siya iniwan noon siguro ay masaya kami ngayon.
Pero hanggang sana na lang lahat dahil kasabay ng araw ng iniwan ko siya ay ang pagkawala ng alala niya sa aming dalawa.
I looked at her for the last time as I turned my back.
Pero hindi ko mapigilang mapalingon muli.
Now, my baby is dancing.
But she's dancing with another man.