"Sabrina! Alas nuwebe na! Di ka pa ba babangon?!" naalimpungatan pa ako sa sigaw ni mama at sa malalakas na katok nya sa pintuan. Naiinis pa akong kinamot ang ulo ko dahil nagising ako, aga aga pa eh! Anong alas nuwebe na! Orasan ni mama advanced lagi! Bwiset!
"Alas sais palang eh! Maka alas nuwebe naman to!" sigaw ko pa pabalik. Hindi na sumagot si mama, baka bumaba na. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at..
Alas nuwebe na nga!!! Agad naman akong tumakbo nang cr at dali daling naliligo, hindi ko na natandaan kung nakapagshampoo ba ako hilod basta nakaligo! Nagbibihis pa ako nang mapansin kong may 5 missed calls sa cellphone! 3 galing kay Jade, 1 kay Chloe, at 1 galing kay... Neo.
Naalala ko na naman yung huling sinagot nya kagabi shet! Dahil dun kaya napuyat ako eh!
May limang text din. Tinignan ko pa yon habang nagpupunas nang buhok, nakatatlong text si Jade sakin
'px0k b u ?!!'
'd2 n c mAm !!'
'mai qUiz qaqa k !!'
Anaknang! Lalo naman ako nataranta! Bumaba na ako sa kusina, habang kumakain ay walang tigil ang bunganga ni mama!
"Yan cellphone pa! Napupuyat ka na kakacellphone! Ni hindi ka na nga nag-aaral, hindi pa gumagawa nang assignment! Puro cellphone! Puro facebook! Yan nalang lagi inaatupag mo! Kung ilaga ko yang cellphone mo at yan ipakain ko sayo! Hindi ka na nga naglilinis dito! Maski walis hindi magawa! Parang dinaanan nang bagyo yang kwarto mo! Naghihintay ka pa nang tagalinis bratatatatat pew pew pew!!"
Di ko na inintindi mga pinagsasabi nya, nang matapos ay kinuha na ang bag saka umalis! Di na nga ako nakahingi nang pera, di pa ako nakapagtoothbrush!
--------------
Ongoing pa ang second subject kaya nagstay muna ako sa labas nang room. Ayoko naman pumasok don dahil baka ma-grand entrance ako, maarmalite ako nang bunganga nang teacher, naarmalite na nga ako nang bunganga ni mama kanina. Kinuha ko naman ang cellphone at binasa ang mga text na hindi ko pa nabasa. Galing kay Chloe, GM (Group message) yung kanya at yung isa pa... Galing kay Neo.
'gUd m0wnInq px0k n me !!!
inqAtx xa mqa ppxuk !! :*#gm
#b0sZ.cL0wcL0wXD'At yung kay Neo naman.
'pasok na ko. Ingat :)'
Sakto namang lumabas si Mam ESP kaya nagtago ako, ESP ang second subject. Boring yung subject na yan kaya ayaw ko talagang pinapasukan yan, at puro kaplastikan lang naman mga sagot ko jan.
Sinigurado ko munang nakalayo na ito bago pumasok nang room. Pinagtinginan pa ako nang mga kaklase, pake ko sa kanila. Tinawanan naman ako ni Jade pagkakita sakin, kaya binatukan ko sya pagkaupo ko.
"Bat late ka? May quiz sa science kanina gaga ka! 40 items! Sabi ni mam pag absent di na daw makakapagquiz." sabi pa nito
"Pake ko. Lamunin nya pa quiz paper nya." sagot ko pa
"Eh bat ka nga nalate?! Ano naman ginawa mo?! Ikaw ah?! Mamaya naglalive show ka na pala sa harap nang arabo nyan!" pang-aasar nya pa kaya binatukan ko na naman sya!
"Aray tangina naman oh! Nakakailan ka na ah!" inis na sabi nya habang himas himas ang batok.
"Inamo, anong naglalive show sa harap nang arabo?! Hindi ako nakatulog kagabi kaya nalate ako!" dahilan ko pa
"Hindi nakatulog?! Bat naman?!" tanong nya pa
Bigla bigla ay naalala ko ang sinabi ni Neo kagabi. Oo yun ang dahilan kung bakit di ako nakatulog. Iniisip ko kasi kung bakit yun ang sinagot nya?! Like magjowa ba kami?!
BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.