NAMICHIKO
Hindi pumasok si Samantha ngayong araw. Ang akala ko ay late lang siya ngunit nagkakamali ako. Malakas ang kutob kong may mangyayari, kahit pa wala pang nagtetext sakin.
Naglelesson si prof ngunit wala akong maintindihan. Talagang kinakabahan ako para kay Samantha. Ganito rin kasi noong araw kung kailan namatay si Athena, hindi rin siya pumasok. Napabuntong hininga na lamang ako. Sana ay ayos lang siya.
"Ok, class dismiss." narinig kong sabi noong prof dahilan para mabalik ako sa huwisyo. Napailing iling nalang ako. Class dismiss na pero wala man lang akong nalaman maski isa. Alright, Namichiko. You should stop thinking about worse case scenarios.
Niligpit ko na lang ang mga gamit ko at tsaka nilapitan si Jane, sakanya ko nalaman noon na wala na si Janeah. Tinanong ko sakanya kung nasaan ang bahay nila Samantha dahilan para magtaka siya. Hindi ko alam kung saan siya nagtataka, kung doon ba sa pagkausap ko sakanya o kung doon ba sa pagtanong ko kung saan ang bahay nila Sam. Nagtataka man ay sinagot niya na lang ako.
Nalaman kong malapit lang ang bahay nila Janeah sa isa't isa kaya naman hindi na ako masyadong mahihirapan pa sa paghahanap.
Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay umuwi muna ako sa bahay at nagpaalam kila mommy. Ng mapapayag ko sila ay dali dali akong nagbihis at kumain saglit. Maggagabi na kaya kailangan ko talagang magmadali.
Palubog na ang araw ng makarating ako sa bahay nila Janeah. Oo, sinadya ko talagang bumaba sa bahay nila Janeah kasi hindi ako masyadong pamilyar sa lugar na ito at magtatanong tanong na lang ako sa mga tao.
Nakakapagtaka dahil may mga sasakyan ng pulis na dumadaan kasabay ng mga tsismosang ale na nagbubulung bulungan. Maya maya lang ay may nakabangga saakin. Isa din siyang ale.
"Naku, pasensya na ija, ok ka lang ba?" nagaalalang tanong niya. Hindi ko siya sinagot at sa halip ay tinanguan at nginitian ko lang siya. Aalis na sana siya ng bigla ko siyang hinawakan sa kamay dahilan para matigilan at takang lumingon sakin.
Mabilis kong binitawan ang kamay niya at nagiwas ng tingin. "A-ano po ang n-nangyayari?"
"Ah, may pumatay kasi kay Mr. and Mrs. Montero, habang ang anak naman nila, nakitang nakatulala lamang sakanila at may hawak na kutsilyo. Ano nga bang pangalan noon? Sa... Ah nakalimutan ko na! Jusko, nakakakilabot."
Nakaramdam naman ako ng kaba. "S-samantha ho ba?"
"Oo, yun nga! Sige, ija ah? Aalis nako at may gagawin pako." narinig kong sabi niya ngunit hindi ko siya sinagot. Si Samantha?... pinatay ang mga magulang niya?
LUCA
"Sir, may mga katawan po akong nakita dito... sa St. ******* po... opo... hindi ko po alam... sige... sige po" saka ko pinatay ang tawag. Inutusan niya kasi akong tawagan ang pulis matapos naming pasukin at patayin ang mga magulang ni Samantha, ba yun? Ah basta!
"Ano?" tanong niya ng ibinaba ko iyong tawag.
Napabuntong hininga ako. "Papunta na daw sila." sagot ko dahilan para mabuo ang ngisi sa mga labi niya. "Mauna ka na, baka makita ka nila dito."
Tumingin siya sakin ng nakakaloko. "Are you that worried about me?"
"Nah, I'm worried for myself." banat ko pabalik. "Kapag nagkataon, hindi lang ikaw ang mayayari at pati ako din." patuloy ko dahilan para matawa siya.
"Whatever you say." tatawa tawang sagot niya. Tumalikod siya sakin at nagsimulang maglakad papalayo. For some reason, nakaramdam ako ng awa at lungkot para sakaniya. Alam ko na ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito.
Naglalakad lakad ako ngayon sa lumang gusaling tinataguan niya. Wala rin naman akong gagawin at hindi din ako pamilyar sa lugar na ito. Nababagot na ako kakalibot ng maagaw ng pansin ko ang isang pinto na may nakaukit na pangalan.
'Sabina Parkers'
At dahil nga nacucurios ako, binuksan ko iyong pinto. Buti na lang at hindi nakalock. Wala rin siya dito, may gagawin daw siya. If this was a horror movie, my curiosity would've killed me. Welp, it wasn't that far from reality tho. If she founds out i enters this room, she definitely would kill me.
Inilibot ko ang paningin ko. Malinis dito, ibang iba sa ibang parte ng gusaling ito. Batid kong kwarto niya ito. Ngunit... sino si Sabina?
Napansin ko ding red ang motif ng kwarto. Tsh, red siguro ang favorite color niya. Napako naman ang paningin ko sa isang picture na nasa nightstand na katabi ng kama. Lumapit ako doon at kinuha iyong picture..
Picture iyon ng dalawang babae. Magkamukhang magkamukha sila ngunit mabilis ko namang nalaman kung sino siya dito. Ang isa sigurong babae dito ay si Sabina. Napatingin naman ako sakanya. "Tch, alam mo? Ang ganda mo sana eh, mukha kang anghel. Kaso pangdemo..."
"What the hell are you doing here?" natigilan ako ng marinig ko ang boses niya. Dahan dahan akong lumingon sakanya at itinago sa likod yung picture. May hawak siyang baril.
Napalunok naman ako. "Ah eh... k-kasi, n-naglalakad lakad lang ako... teka, a-anong gagawin m-mo sakin? A-ayoko pang mamatay!" sunod sunod na usal ko ng dahan dahan siyang lumapit sa gawi ko. Ipinapulupot niya yung kamay niya saakin. "A-anak ng, wala akong o-oras makipag... m-makipagyakapan sayo!"
Narinig ko namang tumawa siya ng mahina at kumawala sakin. "Tanga, kinuha ko lang tong picture."
"S-sinungaling! Anong kinuha eh nandito nga..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla kong makita yung hawak niya. Yung picture kanina... Napaiwas ako ng tingin at naramdaman ko namang uminit yung pisngi ko. Narinig ko naman iyong tawa niya.
Nilingon ko siya ng tumigil na siya sa pagtawa. Nakaupo na siya sa dulo ng kama at nakatingin doon sa picture. Nakangiti siya ngunit halata sa mata niya ang lungkot. Naupo rin ako sa kama niya ngunit malayo ako sakanya.
Magtatanong sana ako ng bigla siyang nagsalita. "Siya si Sabina... ang kambal ko."
BINABASA MO ANG
Play (UNDER MAJOR EDITING)
Детектив / ТриллерMystery-thriller. "Say, pal, don't you wanna play?"