Chapter 15

98 55 0
                                    

NAMICHIKO

Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang sinusundan ko iyong mga pulis. Bumungad sakin ang isang malaking bahay, sa labas nito ay mga nagkukumpulang tao.

Pahirapan pa kung makasingit ako sa mga tao. Ng magawa kong makasingit, napasapo ako sa bibig. Ang mga katawan nila Mr. Montero at Mrs. Montero ay ngayo'y dinadala sa ambulansiya.

"WALA SABI AKONG KASALANAN!" narinig ko naman ang sigaw ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa gawi nila. Si Samantha, nagwawala at pilit na inilalayo ang sarili sa mga pulis. Wala sa sariling lumapit ako sa gawi niya ngunit bago ko pa iyon magawa ay hinarang na ako ng isang pulis.

"Miss, bawal hong lumapit." maowtoridad na sabi noong pulis. Tila ba'y narinig iyon ni Samantha dahilan para mapalingon sa gawi ko. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin at itinulak iyong pulis. Niyakap naman niya ako.

"Nami, wala akong kasalanan... w-wala akong ginawa... Namichiko, s-sabihin mo sakanila, inosente a-ako, please Nami, m-maniwala k-ka sakin..." sunod sunod na sabi ni Samantha habang nakayakap parin sakin. Umiyak naman siya ng umiyak. Niyakap ko din siya.

"Alam ko, shh." pagpapatahan ko sakanya. Lalapit na sana iyong mga pulis kaso pinigilan ko sila. "Five minutes" i mouthed them. Nagaalinlangan man ay tumango nalang sila.

"Pinatay niya sila mom... hinding hindi ko siya mapapatawad..." narinig kong bulong ni Samantha dahilan para kumunot yung noo ko. "I t-tried to stop her..." paulit ulit niya iyong ibinulong at naramdaman ko ring napakahigpit na ng yakap niya.

Kumawala na ako dahil hindi na ako na ako makahinga. Kitang kita sa mata niya ang galit, hindi na rin siya umiiyak. "I tried to stop her..." nagsimula nanaman siyang umiyak habang umiiling iling na tila ba'y nababaliw na. "I t-tried to s-stop h-her"

Mukhang nawalan na ng pasensya yung isang pulis kaya naman pwersahan niyang hinila si Samantha. Hinawakan naman nung isang pulis yung isa pa niyang kamay. Nagsimula nanamang magsisigaw at magpumiglas si Samantha. "INOSENTE AKO!"

Tsaka niya ako nilingon. "Trust me... i tried to stop her."

"Who? Who do you tried to stop?" tanong ko. Hindi ko maiwasan ang magtaka at kabahan. Parang ibang Samantha ang nakikita ko ngayon.

"Si..." at pagkasabi niya noon ay pwersahan siyang pinasok noong dalawang pulis sa sasakyan. Malinaw kong narinig ang sinabi ni Samantha ngunit ayaw iyong tanggapin ng aking sistema.

Rinig ko parin ang pagsigaw ni Samantha kahit nasa loob na ito ng kotse. Kumatok katok pa nga ito sa bintana doon sa likod na animo'y tinatawag ako. Napatulala lang ako at naestatwa lang ako sa kinakatayuan ko habang palayo ng palayo sa gawi ko ang sasakyan kung nasaan si Samantha. Napalunok ako, pinipilit na sinasabi sa aking sarili na nagsisinungaling lamang si Samantha. Imposible... Hindi... Hindi pwede...

Napaupo naman ako kasabay ang matinding hilo na aking nararamdaman dahilan para maagaw ko ang atensyon ng mga tao. Lumapit pa ang iba saakin. "Ija, ayos ka lang?"

Kasabay ng matinding hilo ay ang sunod sunod na paghingal ko at ang pagsikip ng dibdib ko. "Inhaler..." nagawa ko pang mausal iyong salitang iyon sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Naramdaman ko namang may umakbay sakin, animo'y pinipilit akong tumayo at nandilim ang paningin ko.

Play (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon