KABANATA 9

21 2 0
                                    


“Subalit hindi ako si Rasilita lalong lalo na’t hindi ako si Corazon.”gulat na gulat na sagot nito na ikinatumba ni Marites.

“Ano ang iyong batid Binibini? Kung gayun ay si-sino po ka-kayo?” nauutal subalit pilit na hininaan ni Marites ang kanyang boses upang hindi magtaka si Felimon.

Marahil ay napansin iyon ng bagong katauhan ni Corazon kaya lumayo-layo muna siya kasama si Marites mula sa kalesa.

“Kilala ko ang aking sarili bilang si Zonya dela Concepcion, ang pinakamagandang dilag sa bayan ng San Antonio Labrador, nag-iisang anak ni Don Hernan at Doña Felita. Tanging tagapagmana ng pamilyang dela Concepcion.” laking gulat ni Marites sa mga sinabi ni Corazon.

Nawala si Corazon. Subalit hindi si Rasilita ang pumalit. Kung gayun… sino si Zonya?

“Kilala niyo po sa Binibining Corazon? Si Señorita Rasilita?”tanong ni Marites at napahawak sa braso ng kanyang Binbini.

Ngayon ay lubos ang kanyang pag-aalala sa sinapit ni Corazon. Napailing-iling ang nagsasabing siya si Zonya.

“Kung gayun ay sinasabi mong nakatulog si Binibining Corazon, ngunit imbes na si Señorita Rasilita ang nagising ay ikaw iyon?” hindi pa rin makapaniwala si Marites sa mga nangyayari.

Kung si Rasilita at Corazon nga sa iisang katawan ay naguguluhan siya. Paano na ngayong nandito si Zonya na walang alam kina Corazon at Rasilita?

“Hindi ko batid kung sino ang iyong binabanggit Marites.” mas lalong nagulat si Marites at alam ni Zonya ang kanyang pangalan. Matinis man ang boses nito ngunit ang tamis sa tengang pakinggan gaya ng huni ng isang ibong malaya.

“Ipagpaumanhin ninyo Binibini subalit..” natigil si Marites dahil napangiti si Corazon sa katauhan ni Zonya.

“Batid kong gusto mong iparating na si Corazon at Rasilita ay iisa ganun na rin ako. Kaya nakukuha ko ang iyong gustong sabihin Marites. Ako bilang si Zonya ay isang lihim na dapat itago sa baol.”,nahihiyang wika ni Zonya na para bang humihingi siya ng pabor kay Marites.

“Kayo po ba’y nakasisigurong hindi ninyo nakakausap sa isipan si Binibining Corazon o si Señorita Rasilita?” napailing-iling si Zonya.

“Maaari mo bang ikwento sa akin ang buhay nila Marites pagkarating natin sa mansion?” paghihingi ng pabor ng isang dilag na siyang ibang-iba kung ihahambing sa mga Binibining kilala ni Marites.

Iba ang taglay na kagandahan ni Zonya. Mukha ni Corazon subalit ibang-iba ang awra na inilalantad ng mga ngiti at kahit paggalaw ng labi ni Zonya. Kung si Laura ang pinakamaganda sa bayan noon, ngayon ay ito na.


Boung araw ikinuwento ni Marites ang buhay ni Corazon at Rasilita na lubos naiibigan ni Zonya. Gusto niyang makita ang mga kapatid na kanyang itinuring subalit kahit anong paghahanap niya sa isipan ay wala ang mga ito.

Kahit ni isang alaala sa mga ikinuwento ni Marites ay wala siyang mahagilap sa kanyang isipan.

Maayos na nakahiga si Zonya habang nakatitig sa kisame. Ang tanging naaalala niya ay ang mukha ni Felimon at nang dalawang masayang mag-irog na iyon na si Laura at Jaoquin na siyang kilala naman niya.

Napailing-iling siya. Siguro ay kokonting alaala iyon ni Corazon na naiwan upang may alaala naman siya. Subalit sa tuwing naiisip niya si Jaoquin at Laura ay tila umiiyak ang kanyang puso.

“Siguro’y may kinalaman ang dalawang mag-irog sa aking katauhan. Kung sila’y aking lalapitan ay baka sakaling mahanap kong muli si Corazon o si Rasilita na siyang nasa katawan ko naman.” wika ni Zonya na parang siya ang may-ari ng katawan ni Corazon.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon