KABANATA 10

19 2 0
                                    

“Ako’y nagbago na ama. Ang dating si Corazon ay wala na dahil gusto kong maging katulad ni ina.”nanlaki ang mga mata ni Doña Felita na dahan dahang pumatak ang kanyang luha dahil sa sinabi ng kanyang anak.

Ganun na rin ang reaksiyon ni Marites. Ngayon ay napagtanto niyang gustong maging tunay na Corazon si Zonya.

“Hindi ko inakalang ang iyong idolo ay si Felita? Akala ko ay gusto mong sumunod sa aking yapak?”,tanong ni Don Hernan na tuwang tuwa sa nakikitang pagkakasundo ng dalawang babae sa kanyang buhay.

“Kung kaya gusto ko pong maikasal sa kagaya ninyo ama, isang makapangyarihan at makisig na lalaki.”napangiti si Don Hernan sa mga binibitawang salita ng kanyang anak.

Batid niyang nagbago na si Corazon. Subalit ano ang nag-udyok rito upang magbago?

“Si Rasilita ba ang nariyan pa?”,tumamlay ang kanyang mga mata sa tanong na iyon.

Kaya ba nagbago ang kanyang anak dahil nawala ulit si Rasilita?

“Ang pagkawala ni Rasilita ay hindi mahalaga ama. Ako’y naririto na tanging anak ninyo.” mas nagulat si Don Hernan sa isinagot ng anak habang masaya si Doña Felita sa narinig.

“Ngayon ay batid kong gusto mo ngang maging ako anak.”,wika ni Doña Felita at napayakap ulit kay Zonya.

Ang gandang taglay ni Zonya ay may taglay na pagbabalat-kayo ng kanyang kalooban.

“Ikaw ay nakabihis Hernan, saan ba ang iyong punta?”,pag-iiba ni Doña Felita.

“Ako ay tutungo sa hacienda de Labrador dahil kami ay may pagtitipon.”

“Maaari niyo po ba akong isama ama?” napatango na lamang si Don Hernan. Ngayon ay sigurado na siyang nagbago na nga ang kanyang anak.

Gustuhin man ni Marites na sumama ay hindi siya pinayagan ng kanyang Binibini. Pati ito ay nababaguhan sa kahapong mabait na si Zonya.

“Maghintay kayo Binibini at Señorita, sa lahat ng aking makakaya ay gigisingin ko ang isa sa inyo.” wika ni Marites na nakatingin sa papaalis na kalesa habang magandang nakangiti si Zonya doon.

******

“Ang isang Binibini na katulad ng isang kalawakan ay nababagay lamang sa isang magarbong hardin na kagaya nito.”biglang nagsalita si Jaoquin mula sa likuran ni Zonya na ngayon ay may hawak na chrysanthemum.

Nasa hardin ng mansion de Labrador si Zonya noong ipinatawag niya sa Jaoquin sa isang katulong ng pamilya. Dahan dahan siyang lumingon na tila yata ninanamnam ang pagkakataong makita ni Jaoquin ang kanyang kagandahan.

Napalulon si Jaoquin sa dilag na nagningning sa kanyang harapan. Ang kulay abo nitong baro’t saya ay bumagay sa paligid nitong luntian.

Agad niyang hinubad ang salakot. Lumuhod gamit ang isang paa at nagbigay galang kay Zonya. Tumayo naman ito agad at matamis na ngumiti.

“Hindi ko inaasahang pumarito ang isang dilag na galing sa kalangitan.”,wika ni Jaoquin at napangiti si Zonya.

Napatitig siya sa salakot na hawak ni Jaoquin. Hindi iyon angg salakot na nakita niya kagabi kung kaya hindi de Labrador ang pumaroon sa kanilang tahanan. Subalit sinong Principaliang pamilya ang mapangahas na pumaroon?

“Sinamahan ko lamang si ama’t nagbabakasali akong ikaw ay may pinsan o kapatid na lalaki na siyang magugustuhan ko at mapapakasalan.”, natigilan si Jaoquin sa narinig mula sa isang dela Concepcion.

Labimpitong taong gulang pa lamang ito subalit pagpapakasal na ang nasa isip. Siya nga na nasa bente uno na ay hindi iyon nasagi sa isipan niya.

“Subalit ako lamang ang nag-iisang anak ng gobernardorcillo at tanging si Valentin na siyang kaibigan mo ang naririto sa aming mansion.”, malungkot na sagot ni Joaquin. Akala niya’y naparito ito dahil sa kanya.

“Kung gayon ay sabihin na lamang nating naparito ako dahil sa iyo, Ginoong Jaoquin.” ang malungkot na mukha ay napalitan ng kasiglahan sa sinabi ng dalaga na ngayon niya lamang nahangaan.

“Ngunit natatakot akong ikaw ay may sinisinta na.” tumalikod si Zonya at ngumiti.

“Corazon, Rasilita. Ang inyong sakit ay aking igaganti.” wika ni Zonya sa isip at itinakip ang abanikong kulay abo sa mukha niya. Kanina niya lamang napagtanto ang lahat. 

“Wala.. wala a-akong iniirog o napupusuan sa bayang ito.” nautal pa si Jaoquin sa pagkakasabi niyon.

“Paano mo ipaliliwanag ang nakita ko sa Ilog ng Kataksilan, Ginoo? Magkahawak kayo ng kamay ni Binibining Laura.”natahimik si Jaoquin at napaayos ng tayo.

Akmang tatawagin na sana ni Valentin si Corazon sapagkat nasabi ng katulong na nasa hardin ito subalit naabutan niyang nakatayo si Jaoquin sa di kalayuan ni Corazon. Napatago siya sa gilid ng halaman at nakinig sa kanilang usapan.

“Sayang naman ang mainit na pag-uusap kung hindi mapakikinggan ng aking mga tenga. Tila yata nagkabuhay ang mga dulang pinapanood ko sa teatro.” tuwang tuwa si Valentin na nakatago sa halamanan.

“Nakita ko sa iyong mga mata ang pagniningning dahil sa mga himas ni Laura sa iyong buhok Ginoo.” nanlaki ang mga mata ni Valentin sa sinabi ni Corazon sa katauhan ni Zonya. Napatakip siya ng bibig. Hindi niya alam na mag-irog ang kanyang pinsan at ang kaibigang si Laura. Mas gulat siya dahil mismong si Corazon ang nakakita noon, kilala si Corazon bilang taga pagkalat ng kahit na ano man.

“Naparito ba si Corazon upang sabihin kay Señior Jaoquin na ikakalat niya ang lihim nila ni Laura.” napakagat labi si Valentin. Hindi siya makapaniwalang kokontra si Corazon sa pag-iibigan ng kanyang pinsan at kaibigan.

Lumingon si Zonya sa tahimik na si Jaoquin.

“Alam kong alam mo na ang pamilya ni Binibining Laura ay walang wala sa estado ng ating mga pamilya. Sa tingin mo ba gugustuhin ni Don Lucio na ang susunod na gobernadorcillo ay ikakasal lamang sa isang anak ng isang hamak na may-ari ng maliit na pagamutan?” ngayon ay nainis na si Valentin.

Talagang para siyang nanonood ng teatro. Napaisip din siya. Tama naman ang mga sinabi ni Corazon. Hindi gugustuhin ng kanyang Tiyo Lucio kung malalaman na isang hamak na anak ng may-ari ng maliit na pagamutan ang mapapangasawa ng pinsan niya. Napatango tango siya bilang pagsang-ayon kay Corazon.

“Tila nag-aalala lamang si Corazon sa pwedeng mangyari kay Laura kung nagkataon.” wika ni Valentin na ngayon ay lubos ang paghanga sa kaibigan.

Napahalakhak si Jaoquin na ikinagulat ni Valentin. Ngumiti naman si Corazon. Ibinalik nito sa ulo ang salakot. Inayos naman niya ang kanyang kwelyo.

“Ang susunod na magiging gobernadorcillo ay walang balak na pakasalan ang isang hamak na anak ng isang may ari ng maliit na pagamutan Binibini.” napatakip ng bibig si Valentin sa nalaman.

“Kung gayun ano ang ibig mong iparating?”,tanong agad ni Zonya.

Tumawa ulit si Jaoquin at napatalikod mula kay Zonya na siyang harap ng halamang pinagtataguan ni Valentin na siyang ikinatago niya nang maigi.

“Pinaglalaruan ko lamang si Laura.”napaupo sa lupa si Valentin sa mga salitang binigkas ng kanyang pinsan na siyang ikinangiti ni Zonya.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon