“Pinaglalaruan ko lamang si Laura.”napaupo sa lupa si Valentin sa mga salitang binigkas ng kanyang pinsan.
Napangiti naman si Zonya sa sinabi ni Jaoquin. Napatingin siya halamanan ng makita ang isang saya na parang may nagtatago riyon.
“Kung susuwertehin naman, hindi ko na kailangan ipakalat ito sa iba dahil gagawin ito ni Valentin para sa akin.” wika ni Zonya sa sarili niya at nilapitan si Jaoquin.
“Kung gayun ay nais kitang mas makilala pa Ginoong Jaoquin. Ako’y nag-iisip na makasal sa susunod na taon at gusto kong isa ka sa mga pagpipilian ko.”,wika ni Zonya at nauna na sa lalaking natigilan sa mga binigkas ng Binibining nagpapatigil ng kanyang paghinga.
Ang pabangong gamit ni Zonya ay naiwan sa hangin na para bang ginayuma ang naiwang si Jaoquin. Ang mga salitang iyon ay hindi dapat binibigkas ng isang babae.
Nanatiling tulala si Valentin sa mga narinig at kanya itong labis na pinagsisihan.
******
Isang araw lamang ang lumipas ay kalat na sa boung bayan ng San Antonio Labrador ang paglalaro ni Jaoquin sa puso ni Laura.
Bawat istorya ay nadagdagan at nakukunan.
“Naku’t inakit ni Binibining Laura ang anak ng gobernadorcillo! Isang ganid ang anak ni Ginoong Alfredo!”,wika ng isang mangtutubo sa hacienda de Labrador.
“Ginamit ni Señor Jaoquin ang pagiging anak ni Don Lucio upang mapaibig si Laura. Kaawa-awang dalaga.”sabi naman ng isa pang mangtutubo di kalayuan sa nagsalita kanina.
Walang mukhang mailalabas si Laura sa kanilang tahanan. Hindi na rin siya pumapasok sa klase nila’t siya lamang ang sentro ng mga mata ng lahat kasama na roon ang mga madre at ng kaniyang maestra.
Nawala ang kaniyang reputasyon bilang kaaya-aya at pinakamagandang dilag sa San Antonio Labrador.
Ang kinahuhumalingan ng lahat ngayon ay si Corazon. Magaling siyang magburda, magaling tumugtog ng piyano at lalong lalo na’t maganda pa.
“Kung si Binibining Corazon lamang din ang maging irog ni Señor Jaoquin ay ikatutuwa iyon ng boung bayan!” wika ng tagapagluto sa bahay ni Ginoong Alfredo.
“Ang pag-iisang dibdib ng dalawang makapangyarihang pamilya ay mapanganib kung kaya’t ikabubuti ng bayan na si Binibining Laura ang ipapakasal kay Señior Jaoquin.”, pagsalungat ng isa pang katulong.
Nakikinig lang si Laura sa kanila. Kahit siya ay hindi makapaniwalang ang ipinakitang mga ngiti at kasiyahan sa mukha ni Jaoquin sa tuwing nagkikita sila sa ilog ay hindi totoo at paglalaro lamang.
Napaisip siya sa sinabi ng kanilang tagapagluto.
Kung si Corazon ang nakakita sa kanila sa ilog at ang mga trabahador nito. Walang boses ang kanyang mga trabahador kung kaya’t maaaring si Corazon…
“Si Corazon ang may pakana ng lahat ng ito. Siya nga!” nagulat ang mga katulong sa sigaw ni Laura mula sa ikalawang palapag at natigil silang lahat.
******
Ilang araw na ang lumipas ngunit nanatiling si Zonya ang nasa katawan ni Corazon at hindi iyon lubos maintindihan ni Marites. Si Rasilita ay nananatili lamang ng tatlong oras ngunit si Zonya ay araw na.
Tuluyan na ba niyang nakuha ang katawan ni Corazon?
“Marites nawa’y maintindihan mo na hindi na kita masyadong sinasama sa mga lakad ko.”,pagpapaumanhin ni Zonya.
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Historical FictionDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...