“Naparito ako upang kausapin ang inyong bunsong anak, Doña Caridad.”bungad na pananalita ni Corazon ng makapasok sa tahanan ng mga de San Antonio.
Nanlisik ang mga mata ni Doña Caridad sa nakitang katapangan ng isang dela Concepcion na hindi nagpatigil sa pagpasok sa kanilang tahanan. Marahil ay nasa likod nito si Don Hernan kung kaya’t nagagawa nitong gumawa ng kapangahasan sa kanilang tahanan.
“Ano ang sadya ng isang dela Concepcion sa tahanan ng mga de San Antonio?” napatawa pa si Miguel na kakababa lamang sa malaking hagdanan.
Kanyang binibilog ang kanyang lumalaking tiyan.
“Nais kong makausap ang inyong bunsong kapatid Señior. May itatanong lamang ako sa kaniya.” napaisip naman si Miguel.
Ano ang itatanong ng isang dela Concepcion sa kanyang bunsong kapatid na si Juan?
“Ang aking kapatid ay hindi tumatanggap ng manliligaw Señiorita.”napatawa ulit si Miguel ganun na rin si Doña Caridad.
Subalit nananatiling kalmado si Corazon.
“Nawa’y inyong nauunawaan na hindi kaaya-ayang pag-uugali ang inyong ipinakita Señior. Ang layunin ko lamang sa aking pagpunta rito ay ang maitanong ang kaisa-isang tanong na nais kong mabigyan ng kasagutan. At tanging ang inyong bunsong kapatid lamang ang makakasagot niyon.” ang tono ni Corazon ay gaya ng isang makapangyarihang si Don Hernan.
Napatikhim si Miguel. Ngayong kanyang nababatid na ginagamit ng Binibini ang kapangyarihan nitong makausap ang sinong nais kausapin kahit isa pa itong principales.
Naghihintay ng pagkakataong makapasok sa usapan si Juan. Hindi niya maisip kung anong kaisa-isang tanong ang nais mabatid ng isang dela Concepcion na siya lamang ang makakasagot? At talaga pang sinadya siyang puntahan sa kanilang mansion na tanging de San Antonio lamang ang nakakapasok.
Agad sumenyas si Doña Caridad ng mga bantay.
“Kung iyong mararapatin ay sasamahan ka ng aming mga bantay sa paglabas at baka kung ano pa ang iyong dalhin.”napangisi ito ganun si Miguel.
“Magtawag ka na rin ng mga katulong ina at siguraduhing maaalis sa kinatatayuan ng isang dela Concepcion ang kanyang dinadalang amoy.” isang halakhak ang lumabas sa bibig ni Doña Caridad.
Walang nagawa si Corazon kundi ang lumabas. Kanya na itong batid. Ang mansion na ito ay napakatahimik at napakalungkot, iyon lamang ang kanyang naisip.
“Subalit masayahing Ginoo ang aking nakilala Coreng.”wika ni Rasilita sa isipan ni Corazon.
“Bagkus kanyang tinatago kung gaano kalungkot ang kanyang buhay Raseng.” napatingin ang dalawang bantay sa nagsasalitang si Corazon.
Hindi napansin na nabigkas niya ang mga salitang iyon.
“Ano na ang ating gagawin ngayon Corazon? Batid nating walang karapatang magsalita si Marites kaya’t tanging ang Ginoong kilala lamang ni Rasilita ang makakasagot sa mga katanungan natin.”wika naman ni Zonya na siyang dahilan upang napatagilid ang ulo ni Corazon sa sakit. Kumukunot ang kanyang noo sapagkat bigla biglang gumising si Zonya sa kanyang isipan.
“Ikaw ba ay kanina pa nagising?”mas nagtaka ang mga bantay sa tanong ni Corazon.
Nasa likod lamang sila ng Binibining dela Concepcion subalit wala naman silang makitang taong kinakausap nito. Tumayo ang kanilang mga balahibo.
“Hindi ba malakas ang iyong pagkakabigkas ng mga salita sa loob ng kanilang tahanan Coreng? Maaaring narinig ka ng Ginoo kung naroroon man siya sa mansion.”napatango tango si Corazon na gayon namang pagtigil ng mga bantay sa pagkakasunod.
“Iyon din ang aking iniisip Raseng.”ang mga salitang ito ang dahilan kung bakit kumaripas ng pagkakatakbo ang dalawang bantay.
“Tila baliw ang nag-iisang anak ng mga dela Concepcion!” huling sabi ng isang bantay at hindi na nakita sa likod ni Corazon na patuloy ang pag-uusap sa mga kapatid sa kanyang utak.
“Subalit may napansin ka bang kaparehong burda sa mga damit ni Doña Caridad at nang kausap mong Señior kanina?”ngayon ay bumibigkas na si Corazon sa tono ni Rasilita.
“Wala akong nakita. Tanging ang masasamang budhi lamang nilang taglay ang aking napansin Raseng.”natigil si Corazon ng makita ang walang tao niyang kalesa.
Dahan dahan siyang naparoon. Siya’y kinakabahan at inaakalang may kung anong ginawa ang mga de San Antonio sa kanyang kutsero.
Napalulon ng sunod sunod si Corazon.
“Nawawala ang ating kutsero.”agad napailing si Corazon sa mabigat niyang ulo ng magkagulo si Rasilita at Zonya.
“Mag iingat ka Corazon.”nagsalita siya sa kanyang sarili sa matinis na tono ni Zonya.
Mula sa likod ng kanilang kalesa lumabas ang isang Ginoo. Nakayuko ito na tanging ang damit lamang ang siyang naaaninag ni Corazon. Agad nakita niya ang kagandahang lalaki na taglay ni Jaoquin sa Ginoong dahang dahang naglakad at tumayo sa tapat ng kaniyang kalesa na mukhang naghihintay.
Nakaitim ito ng baro at puti ang salawal. Ang salakot nito’y may disenyo ng gintong araw at ulap na siyang tanging principales lamang ang nakakasuot. Hindi iyon basta disenyo lamang bagama’t iyon ang simbolo ng kapangyarihan ng mga de San Antonio. Ang araw na siyang liwanag ng pamilya at ang ulap na siyang nagsasabing sila ay maaaring balakid din.
Sa bawat paghakbang ni Corazon ang siyang pagtaas ng mukha ng Ginoo. May makisig itong katawan at maputla putla ang kulay ng balat nito. Ang nakangiting mapupulang mga labi na siyang nakikita ang pagkaputi-puting ngipin at ang biloy jito sa kaliwang bahagi ng pisngi ay lumitaw. Kasiyahan naman ang nangibabaw sa mga mata ni Corazon na hindi niya alam.
Sa mga mata ni Juan ang mahinhin na paglalakad ng Binibini. Ang bawat hakbang nito ang siyang bawat pagbilang ng kanyang paghinga. Ang saya nitong pula na nagliliyab sa sikat ng araw ay bagay na bagay sa balat ni Corazon maging sa kung anong estado mayroon ang dalaga.
Huminto si Corazon mga limang metrong layo kay Juan na hindi man lang niya makita ang kabuuan ng mukha ng lalaki. Tanging ang mga nakangiting labi lamang na siyang nakabibighani. Hinubad ni Juan ang kanyang salakot at itinapat sa kanyang dibdib bilang paggalang.
Sumayaw ang tubuhan sa likuran ng kalesa sa pag-ihip ng hangin kasabay niyon ang pagduyan ng buhok niya na siyang nagtago sa mga matatamlay nitong matang nangungusap at nagtataglay nang kung anong gayuma o kundi man kamandag. Ang mga ngiti nitong kanina pa hindi binibitawan ay siyang nakahahalina. Ang biloy nito ang siyang nagpabilis sa kabog ng mumunting puso ni Corazon sa di niya malamang kadahilanan.
“Ano ang iyong nakikita Coreng?” tanong ni Rasilita na siyang kinakabahan sa pagbilis ng pagtibok ng puso nila. Naramdaman pa nito ang paggalaw ng mga kamay ni Corazon na kinakabahan rin kasabay niyon ang pagsayaw ng kanilang saya.
Ang ginoong ito ay mas magandang lalaki kung ikokompara sa manliligaw niyang si Jaoquin. Pumikit si Corazon. Limang segundo. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung saan magsisimula.
“Lumabas ka Raseng.” ang mga katagang iyon ang nagpamulat sa mga naniningkit na mata ni Corazon na ikinatanggal ng mga ngiti sa mukha ni Juan. Agad niyang naibalik ang salakot sa ulo upang matabunang muli ang mga mata niyang nagulat sa nasilayang pagbabago ng dalagang kaharap.
“Tila yata ikaw ang bunsong anak ng mga de San Antonio, Ginoo.” bungad ni Rasilita at nanigas si Juan sa malaking boses ng Binibining kailan lang ay nakausap niya. Hindi iyon ang Corazon na nagsalita sa kanilang tahanan.
BINABASA MO ANG
CoRaZon
Fiksi SejarahDadalhin tayo ng kwentong ito sa panahon ng mga Kastila sa mga iilang taon bago maisakatuparan ang Maura Law na ibig baguhin ang mga karapatan ng mga Principalia kung saan makikilala ang isang tinuringang baliw na si Corazon sa bayan ng San Antonio...