Nang makarating ako sa company niya ay pinark ko ang sasakyan ko sa tapat ng building at lumabas. Sa entrance ay binati ako ng isang guwardiya.
"Good morning po ma'am" bati nito saken.
Nilingon ko ito at nginitian pero napatigil ako ng matitigan ko ang mukha niya. Siya man ay natigilan din at parang naiilang sa pagtitig ko sa kanya.
"You look... Familiar, have we met before?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"A-ah... D-di po ako sigurado ma'am eh p-pero sa tingin ko ay ano... P-parang nagkita na nga tayo dati" nakakamot sa batok niyang sagot.
Tinanguan ko siya.
"Hmm by the way, I'm Scarlet... Scott" sabi ko.
"Ako naman po si Carl, ma'am" pagpapakilala niya din at nilahad pa ang isang kamay kaya inabot ko yun.
'Carl? Hmm I heard that name before, asan nga ba yun? Carl... Carl... Ca---'
Napasinghap akong nakatingin sa kanya habang siya ay parang nagtataka sa ikinilos ko at nagulat.
"Ikaw!" Turo ko sa kanya na napailag pa! "Ikaw yung gwapong guard na muntik ng isibak ni Phoenix noon di ba? You remember me?" Tanong ko sa kanya.
Saglit pa siyang natulalang nakatingin saken na animo'y inaalala ako ng biglang nanlaki ang mga mata niya at napa-awang pa ang bibig.
"Ma'am Scarlet? Yung fiancée ni master?" Di makapaniwalang tanong niya saken.
Ako naman ay ngiti ngiting napapatango.
"Wow ma'am! Ang ganda, ganda niyo na po ngayon! Di ko tuloy kayo nakilala hehe" nahihiyang sambit niya.
"Hehehe ano ba naman kayo kuya! Maganda din naman ako noon ah?" Pagbibiro ko na tinawanan niya sabay kamot ng ulo niya.
"Oo naman po ma'am Scarlet! Hehehe" natatawang saad niya. "Ang tagal niyo pong di nakadalaw dito ma'am ah! At tsaka balita ko ay nawala daw kayo ng limang taon, totoo po ba?" Tanong niya. Tumango ako.
Napapatango din siya, "kaya pala ang sungit-sungit at palaging mainit ang ulo ni Master" natigilan naman ako.
"M-masungit? Di ba kayo sanay sa ugali nun? Eh dati naman yatang masungit yun eh!" Kunwari pang napapairap ako sa kawalan pero interesado talaga akong malaman ang nangyari sa kanya noong wala ako.
"Oo nga po pero nung dumating po kayo ay di na po naging mainit ang ulo ni Master, di tulad noong wala pa kayo ay lahat iwas sa kanya at natatakot"
"E-eh y-yung n-nawala ako?" Utal kong tanong.
"Naku! Masasabi kong mas lumala si master, yung dating nakakatakot na awra niya ay mas kinatatakutan ngayon dahil talagang nakakatakot siya! Palagi nalang siyang galit at araw-araw nalang may sinisisante siya kapag nagkamali lang ng kunti ay binubulyawan niya na" nakangiwing sagot niya.
"H-hanggang ngayon ba eh... G-ganun pa din siya?" Pagbabaka sakali ko.
"Hmm nitong nakaraang araw din ay halata sa awra niya na masaya siya kahit nananatiling blanko ang mukha niya at minsan pa po ay naabutan ko si master na nakangiti habang buhat buhat ang batang lalaki na kamukhang kamukha niya. Noon lang siya nagdala ng bata at sa tingin ko ay anak niya yun"
"Talaga?"
"Oo po! Kapag nga po tinatawag siyang daddy nung bata ay nangingiti siya tsk!" Napailing siya. "Malayong malayo sa master na palaging mainit ang ulo, salubong ang kilay, blanko ang ekspresyon ng mukha at higit sa lahat ay nakakatakot! Pasalamat nga ako at malamang ang ibang katrabaho ko din kasi simula nung dumating yung bata ay wala nang binubulyawan si master at di na rin siya palaging galit at wala na ding nasisante pa" nangingiting sabi niya.
BINABASA MO ANG
In The Arms Of The Possessive Mafia Boss (Series 1: Phoenix's Story)
РазноеMula sa pagkatakwil ng sariling pamilyar, madukot ng di kilalang mga tao, magising sa di pamilyar na kwarto at makita ang sariling nakasuot ng magandang damit hanggang sa nalamang ibenibenta na pala si Scarlet. Inisip niyang siya na ang pinakamalas...