kabanata 12
Sizzling
Medyo late na akong nagising dahil napasarap ang tulog ko. Naalala ko nga pa lang may pasok pa ako pero dahil bga ay malapit na ang school festival ay magpapractice lang ako kaya okay lang naman na late.
Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yung nangyari kahapon. Nakakahiya, nakakagulat na hindi ko maintindihan.
Bakit ba kasi hindi siya nagsasara ng pinto!? Hindi na v-rgin ang eyes ko!!
Nagpapaulit ulit sa isip ko yung itsura niya habang naliligo. First time ko makakita ng hubad at lalaki pa.
Masyadu na ata akong nagkakasala!
Hindi ko na pinatagal ang pagmumuni muni dahil baka magalit ang kasama ko dahil baka malate ako ng sobra.
Pagbaba ko sa hagdan ay tahimik doon, malamang ay wala ng sila mommy at kanina pa sila nakaalis.
Pumunta ako sa kusina at naabutan ko doon na nag-aayos ng plato ang isa namin kasambahay. Nagulat siya sa paglitaw ko, hinugasan niya ang kamay niya at may kinuha sa ref.
"Ma'am pinabilin po ng mommy niyo na kumain kayo bago umalis baka gabihin daw ho siya mamaya" sambit nung kasambahay namin.
"Okay, salamat" tumango ako sa sinabe niya.
Nagsimula na akong kumain at medyo binilisan ko na rin. Pagkayari ko sa pagkain ay dumaresto na ako sa kwarto at naligo. Mabilisan akong naligo at nagbihis, pagkatapos noon ay umalis na ako.
Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras, 7:30 palang pero kung may pasok ako ay malamaang ay late na ako.
Napalingon ako sa labas dahil medyo bumagal ang andar ng sasakyan, nandito na ako sa school. Pagkahinto ng sasakyan ay kaagad na akong bumaba at dumaresto sa gymanasium.
Rinig ko na ang music sa gymnasium malamang ay nandoon na ang iba kong kasama. Pagkadating ko doon ay naglingunan ang kasama ko. Ibinaba ko ang sling bag na dala ko sa isang upuan doon at tumungo sa kasama ko.
"Kumpleto na ba tayo?" sambit ni ate Daphne na lider ng Dance Troupe. "Sa girls? Sa boys?" dagdag pa niya.
"A-Ah sa girls ay kumpleto na pero yung sa boys daw ay kulang sila ng isa" sambit naman ni Shayre.
"So tayong girls pwede na tayong magstart dahil may presentation na girls only at boys only pero sa last performance ay combination na ng girls at boys!" salaysay ni ate Daphne. "Kayung mga boys! Siguro naman ay alam niyo na yung gagawin niyo? Bahala na kayu dyan! Pero wag kayung magaalala yung bago niyong kasama ay magaling daw yun!"
So may bago pa lang member ay boys, saka magaling daw siya, ah. Parang magiging exciting tong performance namin dahil tatlong performance ang gagawin namin.
"Paki-open yung shareit niyo, pasa ko sainyo yung video! I'm sure matutuwa kayo sa sasayawin natin" sabi ni ate Daph.
Binuksan ko ang cellphone ko at binuksan ang shareit, nirecieve ko ang shareit.
Ilang minuto akong naghihintay na mapasa sakin yung video na gagayahin at sasayawin namin. Mamaya lang ay nashare na sakin ito.
Pakagkapasa ng video ay agad ko itong inopen.
BINABASA MO ANG
Chasing in the Tides (Island Series #2)
RomanceIsland Series #2 Chase those memories, that she can't remember. Chase the past, that she wanted to know. Life with him, love with him. Chasing in the tides.