KABANATA IV
( A Game )
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️
EUNICE ENGRATA
TUMATAKBO HABANG HINAHABOL NG ISANG NAPAKALAKING ASO. Bawat lingun ko sa likuran ay dumadami ang bilang nito. Wala na akong makitang pwedeng pagtaguan. Napakalawak ng lugar at wala kang makikitang bahay, puno o ano mang malalaking bagay. Tanging maiitim na lupa lang na pinagtatakbuhan ko ang nandito. Hanggang sa dumilim na ang paligid at wala na akong makita pa. Huminto ako saglit at lumingun lingon.Nakita ko ang mga imahi ng mga katrabaho ko sa restaurant --- hindi. Nasa restaurant na mismo ako ngayon. Narinig ko ang sigawan ng mga tao sa loob at binalot ng item na usok ang book restaurant. Lumabas ang mga taong duguan at puro galos.
Gusto kong sumigaw kaso walang lumalabas sa bibig ko.
"EUNICE!!"
Boses ni Cara at ng mga kaklasi ko
Lumingun ako sa gilid. Nakita ko ang skwelahan na pinalilibutan ng mga mukhang tao kung tumindig pero puro usok lang ito at walang mukha.
"H-HINDI... HINDI... HINDIIIIIII!!!!!"
Bakit nagkakaganito ang mundo. Bakit?
"Tulong... Tulong... Ryuu asan ka... RYUU... RYUUU!!!"
"RYUUU!!!"
Nagising ako.
"Grabe. Ibang klasi naman na panaginip yun. Ang sama!"
Nasa kwarto ako sa kama at --- at nakayakap kay... Kay RYUU ... ???
"WAAHH... MANYAK!" Lumayo ako kaagad sa kanya at binalot ang buong katawan ng kumot.
Anong ginagawa ng lalaking ito sa kwarto ko? Siguro... Siguro may balak tong masama.
"Hoy! Manyakis na taong apoy! Kung may balak kamang masama, pwes sa ngayon palang itigil mo na. Akala mo ba natatakot ako sayo?" Tumayo ako sa ibabaw ng kama at naghanda para lumaban. Tumalon talon pa ako para bang si Pacquiao na sumusuntok pa.
"Pwede ba, itigil mo yang ginagawa mo." Sabi niya sabay hawak sa noo.
Tumigil nga ako.
"Natatakot kana?" Tanong ko sa kanya.
Huh! Kahit babae ito ay kaya ko siyang talunin. Talagang matitikman niya ang supper punch ko.
"Bakit, kailangan ko bang matakot sayo?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama ko at dahan dahang lumapit sa akin. Tumingin siya sa akin nangnakakaloka.
BINABASA MO ANG
THE RING (the tale of 5 elements)
FantasíaFIRE, WATER, METAL, WOOD, EARTH are the elements that balanced the atmosphere, movements and harmony of the universe and the other worlds. Eunice Engrata, a simple college student taking up Bachelor of Secondary Education major in Mathematics was g...