Sharpton POV
"jovie...may ilan akong mga katanungan at pwede mo ba itong sagutin ng totoo?..."panimula ni tanasia kay jovie
Tumango lang si jovie at tumingin sa kanya
"okay..."sabi ulit ni tanasia at may kung ano siyang kinuha sa bulsa niya
"totoo bang ikaw ang pumatay kay anna silvenya?..."sabi ni tanasia
"oo..."sagot naman ni jovie kaya agad naman akong nagulat
No! Hindi ito ang totoo naniniwala akong hindi totoo ang sinabi niya....
"base sa result ng drug test niyong dalawa ng asawa mo negative naman kayo? Paano niyo yun nagawa sa sarili niyong anak?"tanong ulit ni tanasia
Negative? See masyadong malabo talaga.....
"l-lasing umuwi si ronald nung gabing yun at nung pag pasok niya ng kwarto ay nakita n-niya si anna na may kasintahan kaya sa sobrang galit ay nagawa niya ito sa anak niya...."pabulong na kwento ni jovie at yumuko
Tumango tango naman si tanasia at sinulat niya ang mga sinabi ni jovie sa isang maliit na notebook
Para saakin? Masyadong malabong gawin ng isang tatay yun sa sarili niyang anak na babae pwede niya naman sermonan tapos pagsabihan na hindi tama na ang ginagawa nito dahil 15 years old palang ang anak niya....
"nasaan ka ng mga oras na ginawa ito ni ronald sa anak ninyo?"sabi ni tanasia
Sandaling tumahimik ang paligid hindi kumibo si jovie at ako naman ay nakatingin lang kay jovie na kinakabahan
"namalengke ako...at p-pag uwi ko ay ganyan n-na ang tumambad saakin....wala na akong nagawa kundi manahimik dahil papatayin daw din niya ako pag nag sumbong siya..."pahina ng pahina nitong sabi
"at nag sumbong ka saakin para mag hanap ng hustisya?..."tanong ulit ni tanasia
Napatango nalang si jovie at ayaw na ulit kumibo
Wait? Ang weird naman? Para pag takpan nila na hindi sila ang pumatay sa anak nila? Medyo magaling ang idea nila pero ngayon ay umaamin siya?....
"okay....salamat sa mga kasagutan na ibinigay niyo jovie.."sabi ni tanasia at tumingin saakin
"may itatanong kaba sa kanya?"sabi nito saakin at tumango naman ako
"mauuna na ako sa kotse..."sabi nito sabay tayo
Tumingin naman ako kay jovie na nakatingin saakin ngayon
Parang may gusto siyang sabihin saakin dahil sa mga mata niya na kanina pa nakatitig saakin....
Pagkalabas ni tanasia ay agad naman akong umayos ng upo at tumingin narin kay jovie
"meron akong dalawang tanong pwede niyo ho bang sagutin ito ng totoo?"tanong ko dito at tumango naman siya bilang sangayon
"nag sisigarilyo ho ba ang asawa ninyo?"tanong ko sa kanya
"hindi..."sagot naman nito
Tama si han...hindi nga sila ang pumatay sa anak nila
Huminga muna ako ng malalim dahil sa sinagot niya saakin
Tumingin muna ako sa palagin at dahan dahan kong inilapit sa kanya ang mukha ko
"kaylangan mo ba ng tulong ko?..."pabulong kong tanong dito
Ang mukha naman nito ay gulat na gulat dahil sa tinanong ko sa kanya
Bigla itong tumango pero nakayuko siya saakin
No!! So ibig sabihin ay hindi talaga sila ang pumatay!!...
Nagulat ako ng may narandaman ako sa ilalim ng lamesa ko kaya agad ko itong kinuha
"yan ang map ng bahay namin sa mismong ekis kuhain mo ang notebook..."biglang bulong saakin ni jovie
"p-pasensya na dahil limitado lang ang salita ko..."sabi nito saakin
"ano ho meron sa notebook nayun?..."tanong ko dito
"makikita mo ang katotohan--nagmamasid lang siya saakin kaya mag ingat ka..."sabi nito at tumayo
Lumapit ito sa pinto at binuksan niya ito para bumalik ulit sa kulungan
Anong ibig sabihin niya??....
Tumayo nadin ako sa upuan at lumabas doon
Pumasok ako sa kotse ni tanasia at nandun naman siya na parang naiisip
"anong tinanong mo sakanya?..."biglang sabi saakin ni tanasia
"wala naman...."sabi ko dito at tumingin sa bintana
Pinaandar na ni tanasia ang kotse niya
"base sa mga sinabi saakin ni jovie kanina wala na pala akong poproblemahin..."biglang sabi nito
Wala? Sure ka dyan? Tshh....
Tahimik lang ako hanggang sa papunta na kami ng sa opisina, walang kibuan at malalim akong nagiisip kung gagawin ko ba ang sinasabi ni jovie
Anong ibig sabihin niya na may nag mamasid sa kanya?...
Pag pasok namin ng opisina ay wala na doon si margo pero si clarc ay nandun naman nakaupo sa tapat ng lamesa ni tanasia
Tch..ang tapang talaga ng lalaking ito
Umupo na ako sa upuan ko at si tanasia naman ay lumapit kay clarc
"ano pang ginagawa mo dito?..."tanong ni tanasia
"kakausapin lng kita ng mabilisan kung pwede??"sabi ni clarc dito
Bumuntong hininga si tanasia at umupo sa desk niya
"go...ano pang gusto mong sabihin saakin...."sabi nito
"tinawagan kasi ako ni tito na pumunta sa america dahil may emergency daw na ng yari..."panimula ni clarc
"eh kung ganun? Hanapin mo ngayon ang pake ko baka naiwan sa kotse...."sabi ni tanasia
Ohh....ang sakit naman nun...kung ako yung nasabihan nun baka sinapak ko yung nag sabi saakin nun...
"sinasabi ko lang naman ang totoo tanasia...kaya please patawarin mo na ako..."sabi ulit ni clarc
"tss...kahit sabihin mo ang totoo ang simple simple naman mag paalam ng maayos maski sa text manlang para handa kami at alam naming ligtas ka..."sabi ni tanasia
Hindi ko na napigilan at tumingin ako sa kanila ng bahagya
"ligtas naman ako ah..."sabi ni clarc
Suminghal lang si tanasia at hindi niya ito pinansin
"oh eto!"sabi ni clarc at may binigay na papeles kay tanasia
"ano yan?"sabi ni tanasia
"i want to be your assistant again..."sabi ni clarc at dahan dahan ngumiti
YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
ActionSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.