Dorothy
by @Dearkadeardear
———Kaunting minuto na lang Selisara...
Malalaman mo na rin ang kahahantungan mo...
Mahina at matinis na tunog ang naging hudyat para ihakbang ko ang mga paa palabas sa maliit na mekanikong ginagamit sa pag-akyat at pagbaba. Ano na nga bang floor 'to?
Ah, 13th.
Nilingon ko ang gugutay-gutay na katawan ng isang babaeng nanlilisik ang mga mata sa akin. Siya kasi ang operator ng makinang 'yon. Mula nang sumakay ako d'on, hindi mawala -wala ang tingin niya.
Mag-isa kong tinahak ang pagkarumi-ruming pasilyo. Hindi ba sila marunong mag-hire ng kahit isang janitor man lang. Napakabalahura ng mga tao dito. Ops. Di pala sila mga tao.
Takip ng kanang kamay ko ang ilong ko dahil sa masangsang na amoy. Pinaghalong amoy ng bulok na prutas, panis na pagkain at naaagnas na patay ang nananapak sa pang-amoy ko.
Huminto ako sa harap ng nakasaradong pinto. Sa lahat ng gamit dito, ito lang ang pinakamaayos at kumpleto pa sa doorknob. Hindi na ako nag-alinlangan pang buksan 'yon. Mabuti, hindi naka-lock.
Takte. Anong lugar 'to?
Akala ko hukuman para sa kaluluwang tulad ko? Akala ko dito ko malalaman kung tutuloy ba ako sa pag-akyat o dadausdos pababa mamaya?
Halos masilaw ako sa kulay na pink. Napakadaming magagarbong manika, dollhouse, stuff toys at iba't ibang pambabaeng laruan. Baka nagkamali ako ng pinasukan–
"Have a seat." Shemay.
Sa tagal kong pagkakatulala, hinila niya ako papunta sa isang maliit na table. Pinaupo pa ako katapat ng kung sino man na 'to. Katabi ko ang mga naglalakihang teddy bears na may wirdong pagkakatitig sa'kin.
"How's life, Dorothy?" Tanong nito sa akin habang sinasalok ang laman ng tea pot sa maliit na tasa nito.
"Anong Dorothy?!" Pinagsasabi nito?
"From now on." Tumalim ang tingin nito sa akin.
"You are Dorothy, understand?!" Malakas ang paghampas niya sa mesa dahilan para agad na lumapit ang isang ginang.
Nakakunot ang noo ko habang nag-uusap sila."Bakit ba nagagalit ka na naman, Señorita Anjeanna?" Tanong ng ginang na nasa edad singkwenta na ata.
"Look, Yaya, she doesn't want to have a tea party with me!" Pagdadabog ng taong katapat ko. Saglit siyang tumingin sakin ng masama at binalik ang mga mata sa ginang.
"Wala ka namang kausap d'yan, Señorita."
"I have one 'no!"
"Sino?"
"Si Dorothy, my imaginary friend!"-------
Hello. Thanks for reading!
Please leave a comment and give a star on my story. Thanks!
~ Dearkadeardear
BINABASA MO ANG
Dorothy
KurzgeschichtenSelisara wondered if she's going to heaven or hell. However, she walked into an unexpected place with a young girl who call her an "Dorothy".