"Panong ikaw yung male lead?! Nag-audition ka?! Nagkusa?! Hinila lang din katulad ko-"
"Oo." pagputol ni Neo sa pagtatanong ko. Ang seryoso ata neto ngayon?
"Hinila ka lang din? Sino? Yung ugok na Cabral na yon?!" natatawang tanong ko
"Hindi. Si Sir Bembol."
S-Sir Bembol?!
"HAHAHAHA! Yung bading na yon?! HAHAHAHA pano?!" hagalpak ko pa nang tawa! Teacher ko last year si Sir Bembol sa English, mahilig sya sa mga poging estudyante. Sya dati ang adviser nang Theater Club. Ngayon ay parang isa nalang sya mga teacher in charge ata.
"Kwento mo pano ka nahila non! Mahilig sa poging estudyante yon! HAHAHAHA" tawa ko pa
Napakamot naman sya sa batok nya. "K-kasi a-ano.." napakamot ulit sya, gusto kong matawa sa reaction nya dahil parang di nya alam ang sasabihin nya!
"Kasi ano?!" natatawang tanong ko pa
"Nagcr kasi ako non. Hobby ko kasi kumanta pag u-umiihi.." napakamot pa sa batok na sabi nya, namula pa! Natatawa naman dahil ang cute nya mamula
"T-tapos, pagtapos ko magcr, paglabas ko nang cubicle, a-andon sya sa t-tapat nang c-cubicle.."
HALA?!
"Sinilipan ka ata!" lahat nang tawa ko kanina ay nawala! May issue kasi yon si sir dati na sinisilipan nya yung mga lalakeng estudyante nya tapos palihim na pinipicturan
"M-mabilis a-ako makaramdam, wag ka mag-alala." naiilang na sabi nya pa
"T-tapos ayon nga, d-di pa ako nakakapaghugas nang kamay, hinila na nya ako kaagad sa auditorium, natakot ako kayo napasunod nalang ako, pagdating don ay dun nya palang sinabi na iau-audition nya ako..." kwento nya pa
"At nakapasa ka?!" malamang kaya nga sya ang male lead diba!
"O-oo.." napakamot pa sya sa pisngi nya
Nge! Parehas lang din pala kaming hinila out of nowhere, mas malala nga lang yung sa kanya dahil sa cr sya, medyo dugyot eh ako naman sa hallway lang
Hilig manghila nang mag teacher na yun ah! Kidnapper ba yung mga yon?
"Eh okay lang naman ba sayo? Pwede naman tayo magback out-"
"Hindi na. Okay lang. Andyan na eh." sabi nya pa. Natahimik na lang din ako. Tahimik kaming naglakad pabalik sa building namin. Hinatid ko muna sya sa Section nila.
"Aral mabuti!" sabi ko pa sabay ginulo ang buhok nya
"Ikaw din." inayos nya pa ang buhok na nagulo
"Ay oo nga pala! May itatanong ako sayo mamaya ah!" sabi ko pa
"Ha ano yon?"
"Basta mamaya!" kumaway pa ako habang naglalakad na pabalik sa room ko
----------------
"So Home-school ka simula pre-school hanggang 1st year." tanong ni Jade kay Neo habang naglalakad kami pauwi. "Hindi mo natatry pumasok sa school nung mga panahon na yon?"
"Malamang! Home-school nga! Mag-aaral ka sa bahay! Kaya nga HOME-SCHOOL eh!" pagdidiin ko pa sa huling sinabi
"Alam ko tanga! Naninigurado lang!" sabi pa ni Jade
"Simula pre-school nga hanggang 1st year! Malamang di pa nakakatapak nang school yan! Tanga tanga amputa!" pang-aasar ko pa
"Makatanga naman to! Edi sana gumagapang ako ngayong umuuwi diba imbes na naglalakad!" asar pa na sabi ni Jade kaya naman naghagalpakan kami nang tawa
"Nako Neo masanay ka na samin ah! Ganto talaga kami mga pinaglihi sa megaphone." baling pa ni Chloe kay Neo
Nginitian lang sya ni Neo. Nagtawanan pa muna kami hanggang sa nag-iba na nang daan si Jade at Chloe pauwi sa kanila. Kami nalang ni Neo ang naglalakad pauwi ngayon.
"Ano nga pala yung itatanong mo sakin?"
Nagulat ako nung bigla sya nagsalita. Shet oo nga pala, may itatanong ako sa kanya. At ang itatanong ko ay...
Kung bakit sya nag 'Love you too' sa akin!
"Ah, kasi ano, ah-"
"Yung kahapon ba?" putol nya sa pagtatanong ko
Shet! Nakahalata ata!
"Anong kahapon?" kunwari ay hindi ko alam ang sinasabi nya
"Sinabihan mo kasi ako nang 'Labyu' kahapon."
Lah?! Eto na shet!
"Normal naman daw sa magkakaibigan ang mag-i-loveyouhan. Sabi ni mama." sabi nya pa.
Ah, so normal nga sa magkakaibigan ang mag-i-loveyouhan, walang malisya at kung ano ano pa. Kung ano ano kasing pinag-iisip ko parang tanga!
"Sa monday na daw practice natin ah! Sabi ni Leah sakin nung nakaraan." pag-iiba ko sa usapan.
"Oo, sabi nya rin sakin." tipid nya pang sagot sakin
"Leche kelangan ko na ihanda ang kakarampot na acting skills ko, kinakabahan ako amp!" sabi ko pa
"Magkasama naman tayong dalawa eh. Di naman natin pababayaan ang isa't isa diba?"
Ewan ko pero bigla akong kinilig nang slight sa sinabi nya! Opo slight lang
"Hoy may tanong ako sayo." sabi ko pa
"Hmm ano yon?"
"Nagkajowa ka na?" deretsang tanong ko. Napatingin naman sya sakin na parang tinubuan ako nang tatlong ulo.
"Home-school nga ako diba?" natawang tanong nya
"I mean imposible namang walang pinakilala sayo parents mo na girl diba, tas nagustuhan mo ganon?" sabi ko pa
"Wala nga." tipid na sagot nya
Ay
"Nagkaron ka ba nang friend nung naghohome school ka?" tanong ko pa
"Oo. Si Teacher George." sagot nya
"Teacher George? Yun yung tutor mo?" tanong ko
"Oo." tipid na sagot nya
"Maliban kay Teacher George, may iba ka pa naging friend?" usisa ko pa
"Mga pinsan ko lang madalas ko makasama eh. Pero from the outside wala. Ikaw palang ang first friend ko." sabi nya pa habang nakatingin sakin
Awww :)))
"Grabe buti natitiis mo ko! Madaldal, bungangera, palamura! Hahaha!" tawa ko pa sabay hampas nang mahina sa braso nya
"Masaya ka nga kasama eh." sabi nya pa sabay ngiti sakin
Opo. Kinilig po ako nang SLIGHT. SLIGHT lang
"Aba! Masaya pala ako kasama ah! Baka crush mo na ako nyan ah!" napatingin naman sya sakin! natutop ko pa ang bunganga nang marealize ko ang huling sinabi ko!
Tahimik nalang kaming naglalakad dahil ang awkward! Kasi naman, walang preno ang kaharutan nang bunganga ko!
Iisang way lang ang bahay ko at bahay nya pero di pa ako nakakapunta sa kanila. Pagdating sa tapat nang bahay ay dapat papasok na ako nang deretso dahil nahihiya ako sa kaharutan nang bunganga ko kaya lang..
"Sab." pagtawag nya sa akin. Lumingon naman ako at binigyan sya nang awkard na ngiti.
"Ba-bakit?" nauutal na tanong ko pa
"Di naman mahirap magkacrush sa isang tulad mo eh." sabi nya pa sabay ngumiti sakin!
Opo, kinilig po ako nang 1/2! 1/2 opo!!
-----------------
To be continued.
BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.