"Hyung!" Napalingon ako bigla at nakita ko si Jisung na may hawak hawak na parang papel na ewan. Papel ba yun?
"Problema mo?" Tanong ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang isang flyer.
"Ano 'to?" Tanong ko at winagayway ang flyer sa mukha niya.
"Papel malamang. Basahin mo na lang!" Reklamo niya kaya sinunod ko na lang.
DNYL Tours
Tired of being heartbroken? an option? a second choice?
Are you also tired of being single and want to take a break from all of the teasing you got?DNYL Tours offers a week long tour in the beautiful and serene Neo City, that will surely give you the peace you needed.
Interested? Visit our office located at 127th street, near the bus stop. More details will be explained at the office.
Sinamaan ko ng tingin si Jisung.
"Kanino mo to nakuha, ha?" Tanong ko sa kanya.
"Kay Winwin hyung. Bigay ko daw sayo kasi siya daw nalulungkot para sayo." At natawa pa siya. Napabuga na lang ako ng hangin sa inis. Minsan kasi may saltik yang sa Winwin hyung kahit mukhang matino. Dapat talaga nilalayo ko to kina Yangyang eh.
Inipit ko na lang yung flyer sa libro ko at tumayo na sa upuan ko.
"Aalis na ako Jisung at pakisabi kay Winwin gege, hindi ako pupunta sa tour na yan. Siya na lang tutal ang gulo ng lovelife niya." Napatawa si Jisung at tumango. Umalis na rin ako sa coffee shop at dumiretso sa bus stop.
Habang naghihintay ako para sa bus, di ko maiwasang tignan uli yung flyer.
Wala namang masama kung susubukan mo diba? Sabi ng konsensiya ko na di ko na lang pinansin. Akmang itatapon ko na yung flyer nang mapansin ko ang poster na nakasabit sa may pader.
Looking for peace of mind? Wanna escape from the messy life you are currently in?
DNYL Tours offers a week long tour in the beautiful and serene Neo City, that will surely give you the peace you needed.
Interested? Visit our office located at 127th street, near the bus stop. More details will be explained at the office.
Pagkakataon nga naman. Hirit ng konsensiya ko na hindi ko na lang pinansin.
"Baka coincidence lang?" Ang tanging nasabi ko at di na lang tinapon ang flyer. Pagkalingon ko naman para bumalik sa upuan ko, andun na naman ang poster.
"Hayop." Ba't parang minumulto ako nito?
Sumama ka na kasi! Pakipot ka pa eh. Kusa akong napairap sa epal kong konsensiya. Tamang-tama naman at dumating na ang bus kaya sumakay na rin ako.
*beep*
Napatalon ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bag ko at tinignan kung sino ang nagtext.
Fr: Jisung Park
Sumama ka na kasi!!!!
Binalik ko na lang uli ang cellphone ko sa bag ko. Walang kuwenta naman pinagsasabi ni Jisung eh.
Tumunog na naman uli ang cellphone ko kaya inis ko itong kinuha sa bag ko.
Fr: Chonlo
Pinagpaalam na kita kay Kun gege, sabi daw niya sumama ka na raw.
Napakunot naman noo ko. Di pa ako pumayag ah!
To: Chonlo
Ha? Di pa ako pumayag at di ako pupunta dun.
Pagkasend ko, ay nagreply agad si Chenle.
Fr: Chonlo
Sabi ni Jisung.
Hayop talaga magreply 'tong si Chenle eh, napakahaba. Napabuga ako ng hangin dahil sa kabaliwang ginawa ni Jisung.
"Kahit kailan talaga yung batang yun!" Ang tanging nasabi ko bago ko tinago ang cellphone ko sa bag ko.
Asus. Pumayag na si Kun! Pumayag ka na kasi. Wala naman masama kung susubukan mo, diba?
Isa pa 'tong konsensiya ko na ginagalingan ang trabaho niya.
Tumigil na ang bus sa pangalawang stop nito. Napatingin ako sa bintana, "127th" ang tanging nakalagay.
Yieee bababa na yan~
Di ko na lang pinansin ang konsensya ko at tumayo na mula sa upuan ko. Kahit papaano tama naman ang konsensya ko. Wala naman masama siguro kung susubukan ko, diba?