Medyo hard :3

316 8 1
                                    

Tinuloy ko na yung paglalakad ko pauwi, sayang kasi sa pamasahe.

May nakita akong wallet.

Pinulot ko tapos tinignan ko yung laman.

May PERA !

Ay malamang wallet nga di ba ? Ibig sabihin pera ang laman.  Bobo kaasar !

"Grabe naman yung may ari nito. Maghuhulog na lang ng wallet yung may madami pang pera yung nakalagay. Pano kung iba nakapulot nito at hindi binalik ? Pano pala kung gagamitin to sa pagpapagamot ng nanay o tatay nyang may sakit ? Edi napalala lang nila yung sakit o ang mas matindi eh namatay dahil dun."

"Bakit nasayo yang wallet ko ?"

Bigla akong napalingon sa sumigaw na yun.

Nung paglingon ko ..

Humangin ng malakas at yung buhok ko hinahangin parang may pictorial.

Bumukas ang langit at nagsiawitan ang mga anghel ng 'ALELUYA'

Eto na ba ang sagot sa aking mga dasal ?

Na balang araw kami rin ang ikakasal ?

Na kami rin ang magkakasama habang buhay ?

Na ..

"Hoy ! Bakit nasayo yan ? Magnanakaw ka no ? "

Nagulat naman ako at nagising sa aking kahibangan.

"Ha ? Ano yun ? " - tanong ko ulit

"Magnanakaw ka no ? O kaya snatcher ? Bat nasayo yang wallet ko ?" - tanong nya sakin

Ouch naman ! Hindi naman sya masakit uhh ! Tumagos lang naman sa mga buto at kalamnan ko.

"Makapagbintang ka naman sakin. Di porket hawak ko yung wallet mo, ako agad yung nagnakaw. Hindi ba pwedeng napulot ko lang tapos ipupunta ko sa police station at dahil may nakahulog ? " -paliwanag ko sa kanya

"Sa pagmumukhang yan ? Di kapani-paniwala." - sabi nya sakin

"Oh eto na ! Saksak mo sa lungs mo hanggang sa magkadurog durog *bulong* katulad ng ginawa mo sa puso ko." - hinagpis ko.

Kinuha nya naman ng mabilis at tinignan kung may kulang ba or nawawala.

"Buti naman at walang nawala. Nahuli lang siguro kita agad kaya di mo nadekwat agad. Mana mana lang yan. Di ka siguro tinuruan ng magulang mo no ? " - akusa nya sakin

Teka foul na yang sinasabi nya. Ayos lang na ako yung lait-laitin nya wag nya lang madamay damay yung magulang ko.

"Wag mong madamay dama------- " - di ko natapos yung sasabihin ko ng ..

"Ooops sorry, sinasadya ! Nakaharang ka kasi eh, yan tuloy natapon sayo yung .. Ooops sorry ulit." - nakangiting sabi nung babaeng umentrada sa pag-uusap namin ni Zham.

Opo mga kajuicers at si Zham Milton na aking iniibig, sinisinta at minamahal ang yumurak sa aking pagkatao.

Inalipusta, tinapaktapakan.

"Miss, pakisabi sa kausap mo, sa susunod magtoothbrush sya huh ? At kung pwede magmouthwash na din sya. Ang babaho kasi ng lumalabas sa bunganga nya eh. Mukhang di naturuan ng maayos, don't worry matetrain din yan ng amo nya. " - sabi sakin nung babaeng nakatapon ng kape galing starbucks kay Zham.

Take note ! Ilang ulit nya pang ginawa.

Humarap yung babae kay Zham na hanggang ngayon eh tulala pa din.

"Right, DOGGY ? Pasalamat ka hindi na mainit yan, kundi siguradong lapnos yang mukha mo at wala ka ng mukhang ihaharap. Sayang yang itsura mo kung ganyan ang ugaling pinapairal mo. " - sabi nung babaeng astig kay Zham

Tinignan nung babae si Zham mula ulo hanggang paa.

"Sorry ulit sa gagawin ko ." - nakangiti ulit nyang sabi

Binuhos na nya ng tuluyan lahat ng natirang kape kay Zham at umalis.

Hinabol ko naman yung babae.

Tae, ambilis maglakad. Palibahasa matangkad sya ay.

Wag namang ganyan ! Height Incrimination na yan eh.

"Tanga ! Discrimination. Bobo ampota ! " - may maligno na namang nagsalita.

Che ! Bahala ka sa buhay mo.

"Miss ! " - tawag ko sa kanya

Huminto sya at lumingon  sakin

"What ? "

"Ah salamat pala sa ginawa mo. Anong name mo ? " - tanong ko sa kanya

"Rain. Oh ano ? May tatanong ka pa ? " -  mataray nyang tanong sakin habang nakataas yung kilay.

"Friends na tayo right ? " - ngiting ngiti kong sabi sa kanya

Nag roll eyes naman sya.

"Whatever ! " - umalis na sya at pumunta sya sa tabi ng punong malaki.

Mga kaibigan nya ata yung nandon.

Uy si Alex yun uhh ! Tatlo silang babae at may dalawang lalaki.

Nag-apiran silang lima at nagtawanan.

Astig ! Magkaibigan pala sila ? Magkaugali din sila HAHAHA

Pero masakit pa din yung mga sinabi sakin ni Zham.

Magsisisi ka din.

Karma karma lang yan mga brad !

Malay mo, bukas magbreak kayo ni Chunlee. MUAHAHA

Wag pala, magdusa sya sa piling ng babaeng yun.

Makakahanap din ako ng kapalit nya.

Dami kayang lalaking handang magpakamatay sakin ..

Wag lang ako makasama. HAHAHA jokelang !

Ganda kong to ? *umulan ng malakas*

Joke na nga uli di ba ? OA magreact ! *tumigil ang ulan at umaraw ulit*

Hala may kinakasal na tikbalang !

Makauwi na nga at papasok pa kong trabaho.

      -       -        -      

Napkin Lang Pala Katapat Mo Eh !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon