The Girl In Dreadlocks

23 4 4
                                    

"Luis bigyan mo ng tubig si Madam Marga." Utos sakin ng manager ni Madam Marga. Nasa backstage kami at kakatapos lang kumanta ni Madam Margarita Abella, isa sa mga sikat na mangangawit noong 19s.

Kumuha ako ng tubig at iniabot sakanya.

"Maricel wag kang magpapasok ng kung sino. Kayo lang ni Luis." Utos ni Madam. Sinenyasan naman ako ni Ma'am Maricel na ipaalam sa mga nasa labas kaya ipinaalam ko sa mga body guard ni Madam ang utos niya.

Bago ako makapasok ay may babae akong natanaw.

Blonde and kanyang buhok at nakadreadlocks. Nakatalikod siya sa pwesto ko kaya ipinagkibit balikat ko na lamang kung bakit siya andoon.

Isang normal na linggo ang nagdaan. Pinabili ako ng kape ni Ma'am Maricel sa SB dahil sa utos ni Madam Marga.

"Miss Zephyr," Tawag nung babaeng nasa counter.

Pinanood ko ang babaeng nakadreadlocks na tumayo at kunin ang inumin niya. Pamilyar siya. Parang nakita ko na siya eh. Pinagkibit balikat ko nalang iyon nang tawagin ang pangalan ko para sa inorder ko.

Naging judge si Madam sa isang singing contest pagkaraan ng ilang buwan. Nasa backstage lang ako at pinapanood ang kasalukuyang contest.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita na naman iyong babaeng nakadreadlocks! May piercing siya sa ilong at ang ganda niya ngumiti.

"Goodevening po." Sabi niya at nagbow. May dimples din siya.

"What's your name?" Tanong ni Madam Marga.

"Hi I'm Zephyr Tianna Javier, 25 years old, from Calamba, Laguna."

Magkaedad pala kami? At magkababayan. I'm born and raised in Laguna.

"So, shall we start?" Nakangiting tanong ni Madam Marga na sinuklian ng tango at ngiti ni Zephyr.

Maliit ang boses niya pag nagsasalita. Ngunit kapag kumanta ay animo'y nagbabagong anyo na.

"Strumming my pain with his fingers.."

Iyon palang ang kinanta niya ay naghiyawan na ang mga tao. Maging ako ay kinilabutan dahil doon!

"Singing my life with his words.."

Namamangha ako dahil may sarili siyang bersyon ng kinakanta niya. Grabe, kinikilabutan talaga ako!

"Napakahusay naman ng batang yan." Komento ni Ma'am Maricel na nanonood din.

"Killing me softly with his song.. he's killing me softly.. with his song.. telling my whole life.. with his words.. he's killing me softly..

With his song.."

My sarili siyang style na ginawa sa dulo non kaya napapalakpak ang mga tao. Maski si Madam Marga! Kahit si Ma'am Maricel na nasa likod ko lang.

Tulala ako sa performance niya. Sobrang galing! Ibang iba sa original style ng KMS.

"Pupusta ako bente panalo yan." Sabi ni Ma'am Maricel at humalukipkip sa gilid ko.

"You're one of a kind hija. I am very impressed." Manghang manghang sabi ni Madam Marga.

Sa huli ay nanalo si Zephyr. Andaming pumalakpak para sakanya. Pasok na siya sa Semi Finals.

Matagal na nagstay si Madam Marga sa backstage matapos ang contest. Lumabas ako para manigarilyo saglit.

Umupo ako sa gutter at tumingala. Ganito nalang ba ako habang buhay?

Hindi ako nakapagtapos sa High School. Hanggang third year lang ako. Namatay kasi si papa at mama sa car accident at tita ko ang sumusustento sa akin. Ngunit pinalayas rin ako dahil masyado na daw akong pabigat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl In DreadlocksWhere stories live. Discover now