Bestfriend

31.5K 823 257
                                    

BESTFRIEND

Author: @Chrispepper

This is a one shot story :) Naiisip ko lang minsan na sana mangyari sa'kin 'to. Kaya nga lang wala akong boy bestfriend! :p

Shanelle's POV

"Shanelle!" Tawag sa'kin ng Bestfriend kong si Blake.

"O, bakit?" >_>

"S'ya yung sinasabi ko sayong crush ko." Turo niya sa babaeng nakaupo sa isang bench sa may quadrangle na nakasuot ng white longsleeves na itinuck-in sa black skirt.

"Ah, si Venice."

Ako nga pala si Shanelle Buenavidez. 17 years old, second year college. Ang bestfriend ko ay si Blake Ivan Mendez. 17 din at kapareho kong nasa second year college. Gwapo siya, mabait, sikat din siya sa school. Maraming nagkakagusto sa kanya kaya maraming naiinis sakin dahil sobrang close kami. Magkaibigan na kami since elementary. Mag-childhood friends din kasi ang mga parents namin.

"Blake, di kaya nabubulagan ka lang? Anong nagustuhan mo d'yan eh, kilalang manloloko yan diba?" >_> Sabi ko kay Blake.

"Malay mo naman diba? Maganda siya kaya maraming naiinsecure sa kanya. Malay mo sinisiraan lang s'ya." Pagtatanggol n'ya naman.

"Ah basta ayaw ko sa kanya. Sa iba nalang, Blake."

Si Venice Monteverde. Ka-age at ka-year level din namin. Campus princess kung tawagin, pero lagi ding kadugtong ng pangalan n'ya ang pagiging Campus Heartbreaker. Yeah! Akala n'yo ba lalake lang ang pwedeng maging ganun? >_>

Habang nasa cafeteria kami ng mga girlfriends ko ay tahimik kong pinagmamasdan si Blake mula sa malayo. Malakas talaga ang tama ko sa bestfriend ko. Kaya nga lang, bestfriend niya lang talaga ako eh *pout*

"Matunaw naman si Blake, Shanelle!" Pang-aasar sakin ni Ericka

"Eh kasi naman ang gwapo-gwapo niya talaga. Tinamaan 'to eh." Itinuro ko pa ang tapat ng puso ko.

"Sorry ka nalang dahil mukhang si Venice ang gusto niya." Sabi naman ni Jennie.

"Ano naman? Edi tulad ng dati, hintay na naman -_-"

"Ayan ka na naman sa pagiging dakilang abangers mo eh. Bakit kasi di mo pa sabihin kay Blake na gusto mo siya?" — Ericka

"Parang napaka dali namang gawin yun."

"Malay mo gusto ka din niya?" — Jasmin

"Malay mo hindi? Paano kung iwasan n'ya ko? Paano ang pagiging magkaibigan namin? Baka mamaya, masira lang 'yon dahil lang sa pesteng nararamdaman ko para sa kanya."

Araw-araw tahimik ko lang siyang tinitignan. Third year high school ako ng aminin ko sa sarili kong may gusto ako sa kanya. Kapag may nagugustuhan siyang babae, ako kaagad ang lalapitan niya para hingian ng tulong kung paano siya mapapalapit dun sa nagugustuhan niya. Wala naman akong tutol sa lahat ng babaeng nagugustuhan niya basta ba't alam kong matino. Pero itong si Venice? Tsktsk. No way! Baka saktan niya lang si Blake >3<

"Shanelle, nakausap ko kanina si Venice. Sabi naman sayo mabait s'ya eh." Masayang nagkukwento si Blake tungkol sa mga napag-usapan nila ni Venice. Seryoso talaga siya sa babaeng yon? E kung ako nalang! *pout*

"Ang saya nga ng kwento mo, Blake." Sabi ko nalang kahit na kanina pa akong di nakikinig sa kwento niya.

Ilang buwan na naman kaya ang hihintayin ko para magkahiwalay sila? :(

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon