Matapos ang kadramahan ko kanina, lumabas na rin si sir Jericault kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Nilapitan naman agad ako ni Alexis. Habang si Kenzou naman ay naroon asa grupo ng kalalakihan na nagkukwentuhan na tungkol sa test kanina.
"Hey! Kamusta yung test? Sure ako tataas ang grades mo ngayong quarter." Nanunuksong sabi ni Alexis.
Eeh??
"Engot! Eh halos hindi na nga ako makahinga ng maayos kanina. Kung alam ko lang na uupo siya sa harap, di sana nakipagpalit na ako sayo."
"Pero aminin, kinilig ka. Tama ba ako? Kulang na nga lang umuga yung upuan mo dala ng panginginig mo kanina. Hhahaha!" Sabi naman ni Alexis at tumawa pa siya lalo.
Nakita niya yun?
Hala!
Baka napansin din yun ni sir Jericault!Devonne, eh ano naman kung nakita niya? Wala naman siyang pakialam sayo?
"Ewan ko ba. Wala naman siyang ginagawa para magkaganito ako eh. Pero ganun kalakas ang epekto niya sakin." Sabi ko. Baduy ko noh?
Nagulat ako ng kunin ni Alexis ang phone ko at kinalikot iyon.
"Anong ginagawa mo?"
"Alam mo, noon pa man alam na namin ni Kenzou na may gusto ka diyan kay sir Jet eh"taas kilay niyang sabi.
"Really? Am I that obvious? Buong akala ko wala talagang may alam."
Ano to? So, noon pa man, alam na nila??
"Medyo obvious. Pero kasi base sa mga kilos mo that time, up to now you are giving us a hint na gusto mo nga yan si sir. "
"Hint? Anong hint??" Tanong ko.
"Yung mga times na magpapasama ka sa amin ni Kenzou sa tuwing kakanta si sir Jet, or kunwari dadaan tayo sa faculty room pero yung totoo ay gusto mo lang siyang makita. Every time na nakikita ko yang mukha mo pag andyan siya, alam ko sa kaniya ka lang tumingin ng ganun. Yung mukha mo every time na makakasalubong natin siya sa daan o sa kahit na saang lugar, bigla ka nalang yuyuko na parang ewan." Natatawang paliwanag ni Alexis. Kaya nahiya naman ako. Shems!!
Ang obvious ko nga!
"Atsaka, nabasa rin namin yung may mga doodle na notebook mo. Tapos puro names ni sir Jericault yung nandun, akala ko nga, mga keypoints mo yun kasi lagi ko yun nakikita sayo pag bored ka dito. Akala ko talaga nag gagawa ka ng mga keypoints sa bawat lessons, yun naman pala..." Nanunuksong dagdag na saad ni Alexis naas lalong nagpatuloy sakin at napakagat labi nalang sa mga narinig ko.
"Crush lang naman eh. Tsaka wala na akong balak gawin bukod sa paghanga. Inaamin ko may mga araw na gusto ko siyang lapitan at ibigay sa kaniya ang mga kanta at poems na nagawa ko para sa kaniya. But I realized na Ang baduy ko, at di hamak na studyante lang niya ako, na kahit anong pilit ko, wala." Depensa ko naman habang nakatingin sa labas. Ewan ko ba, pero medyo kinurot ako sa part na yun.
"Base sa mga sinabi mo parang May something pa eh.." nakangising tugon ni Alexis.
" Wala na nga. Ayoko ng atensyon no?"
" Ayaw mo ng atensyon? Or ayaw mo lang talaga kasi alam mong mababaliwala ka lang?" Dagdag niya kaya napatingin ako sa kaniya.
" Yun na nga!"
Napatakip naman ako ng bibig kasi automatic akong napasagot. Tinignan tuloy kami ng iba naming mga kaklase.Nakakahiya. >_<
"Para sa kaalaman mo , Dinang. Ilang buwan na lang at gagraduate na tayo. Ilang buwan na lang din magpapaalam na tayo sa isa't isa. Hindi mo ba naiisip na sa natitirang buwan mo dito sa school ay magkaroon ka manlang ng mga magagandang memories kasama yung taong gusto mo?" Sabi naman niya sa akin at binigyan ako ng 'gets-mo-ba-ako-look'.
YOU ARE READING
Proof of my Heartbeat
Teen FictionHigh school student Dannah Marquez, notices Leigh Alcantara, who's a new student at high school entrance ceremony. She falls in love with him immediately. Dannah initially doesn't express her feelings to him for almost years, but finally has a chanc...