"Let go of me! Aray! Ano ba?!" nagpupumiglas na sabi ni Kyla habang pilit ko s'yang hinihila sa buhok niya.
"Manahimik ka!" galit kong sigaw at saka siya padarag na binitiwan. Muntik na s'yang ma-out of balance pero agad s'yang naka-kapit sa hamba ng pinto.
Ba't di ka pa natuluyan?!
Tumataas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding galit para sa babaeng nasa harapan ko ngayon.
What I saw earlier is clearly disgusting and infuriating!
"Priam is mine! Mang-aagaw ka!" wika niya nang maka-ayos siya ng tayo. Agad akong nakaramdam ng matinding inis dahil sa sinabi niya.
Ano raw?
Sa kaniya si Priam?
Ang kapal ng mukha!
"Aagawin ko sa'yo si Priam, probinsyana ka lang naman!" dagdag niya pa dahilan upang sarkastiko akong napatawa.
"Baby! What's happening?!" narinig ko ang boses ni Priam kaya saglit ko s'yang nilingon.
Nagpabalik-balik ang nagtataka n'yang tingin sa aming dalawa ni Kyla pero hindi ko 'yon inintindi.
I've got to deal with this bitch that is standing infront of me.
"What are you trying to do?!" matapang na tanong ko at saka pinag-krus ang mga braso ko sa dibdib ko. Kita kong umamo ang mukha ni Kyla kaya kumunot ang noo ko.
"What the hell is happening here?!" dumagundong sa pasilyo ang boses ni Dallas, nagmamadali itong lumapit sa amin. Sumunod si Tala at agad na lumapit sa kaibigan niya.
Napailing ako ng magsimulang humagulgol si Kyla habang pilit na pinapatahan ng kaibigan niya.
"Anong nangyari?" naguguluhang tanong ni Dallas, hindi ako sumagot at mas lalong hindi makapaniwalang tiningnan si Kyla nang itinuro niya ako.
"I was just checking their room tapos bigla niya nalang akong hinila! She even pulled my hair! Hindi ko alam kung bakit, she told me that she hates me!" sumbong ni Kyla.
Kunot-noo akong nilingon ni Priam at Dallas. I rolled my eyes at saka tinaasan ng kilay si Kyla.
"You did? Why?" nagtatakang tanong ni Dallas pero hindi ako sumagot.
This bitch is really good in making up stories, ang galing pang mag-drama.
"Kilala ko ang kaibigan ko, she will never lie! That bitch hates my friend dahil iniisip niya na gustong agawin ni Kyla is Priam!" wika ni Tala at saka ako tiningnan ng masama.
"Watch your words." agad na puna ni Dallas kaya Tala, may rahas sa boses niya dahilan upang mapayuko ito.
Mas lalong pumalahaw ng iyak si Kyla, napapikit ako dahil sa labis na pagkairita.
Oh my gosh!
What is she? a kid?
Fucking unbelievable.
Nagulat ako nang biglang lumapit si Kyla kay Priam at saka ito parang lintang yumakap at doon nagpatuloy sa pag-iyak.
Kita ko ang pagkakatigil ni Priam, nang makabawi ay pilit n'yang tinanggal ang pagkakayakap ni Kyla sa kaniya. The bitch, on the other hand, tightened her hug as she smiled evilly at me.
And now you're hugging my boyfriend?!
"Break up with her Priam! Be with my friend! Adah is a witch!" wika ni Tala. Lumipat ang tingin ko sa kaniya, nang-aasar ang ekspresyon nito at halatang nanghahamon.
BINABASA MO ANG
Remembering Sunshine (La Castellana Series 1)
RomanceLa Castellana Series 1 (On-Going) See how Adahlianna Fuentes will conquer all the confusion and frustration she got after being involved in an accident that resulted her to forget a lot of important things... and that includes her only love and happ...