Chapter 1:
“Tumataas ang bilang ng mga pasyente na nagkaroon ng coronavirus. Dahil dito ay napagdesisyunan ng Presidente na isailalim sa Enhanced Community Quarantine ang buong lungsod ng Maynila.”
Pinatay ko ang TV at napabuntong-hininga.
“Oh? Bakit mo pinatay ang TV? Nanonood pa ako eh.” tanong ni mama sa akin.
“Ba’t kasi ang daming matitigas ang ulo? Kung sana sumunod agad sa utos ay hindi dapat dumadami ang nagkaka-infection! Aish! Kainis!” naiiritang sabi ko.
“Ano ka ba...hindi naman natin mapipilit ang mga tao. May kanya-kanya tayong isip kaya hayaan mo na.” sabi ni mama.
Hindi ko na lamang s’ya pinansin at tumayo na ako. Kailangan ko pa kasing bumili ng gagamitin namin para sa online business namin.
“Elvira anak, huwag mong kalimutang bumili ng isda ha? Panghapunan natin mamaya.” bilin ni mama sa akin.
Tumango lang ako sa kanya at nagsuot ng face mask. Pagkatapos ay dinala ko narin ang quarantine pass at umalis na.
____
Pagdating ko sa market ay agad akong namili ng mga kakailanganin para sa gagawin kong mango float at para sa vegetable lumpia. ‘Yon ang ibebenta ko bukas gamit ang online application ko.
Nang matapos bilhin ang ingredients ay pumunta naman ako sa mga nagtitinda ng isda.
‘Ano’ng klaseng isda na ang bibilhin ko? Bahala na nga!’
Napagdesisyonan kong bumili ng Caraballes dahil mas gusto ko naman ito.
Tiningnan ko ang relo ko. Alas 5:48 na sa hapon. Kaya pala gumagabi na. Nang matapos ay umuwi na ako ng bahay.
___
Nung makauwi na ako ay binigay ko kay mama ang isda at ako naman ay nagsimula na sa pag-gawa ng mango float.
Alas syete nang matapos si mama sa kanyang niluluto at saktong dumating naman si papa kaya sabay na kaming kumain.
Nang matapos kumain ay pinagpatuloy ko ba ang paggawa ng vegetable lumpia. Natapos ko na kasi ang mango float at kasalukuyan na itong nasa freezer.
“Elvira, paubos na pala itong alcohol natin. Bili kamuna.” biglang sabi ni mama.
Tiningnan ko naman si mama, pagkatapos ay ang orasan. Alas 8:30 na.
“Eh ma, curfew na ata. Baka mahuli pa ako. O di kaya si papa nalang muna ang utusan ninyo. May ginagawa pa ako eh.” sabi ko kay mama.
“Anak...alam mo naman na galing pa sa trabaho ang papa mo. Tsaka malapit lang naman ang botika dito. Ako na ang bahala d’yan.” sabi ni mama.
“Eh baka wala nang alcohol doon. Bukas nalang ma para sa centro na ako dumiretso. Bahala na kung malayo ang lalakarin ko.” sabi ko ulit. Naman eh! Gabi na kaya! Tsaka ayokong mahuli ng mga tanod na nagpa-patrol dito sa amin no!
“Kaya nga. Paano mo malalaman kung may alcohol pa sila kung hindi mo susubukan ngayon? Tsaka baka makalimutan kong ipaalala sa’yo bukas. Mahina pa naman ang memorya mo.” sabi ulit ni mama at pilit akong kinukumbinse.
“Gabi na eh! Mama naman!” sabi ko ulit sakanya. Ngayon ay nakakunot na ang noo ko dahil ayoko talagang lumabas.
“Elvira sige na. Ilang taon ka na ba? Hindi ka na bata! Magbe-bente kana! Tsaka wala naman na sigurong mga naglalakad ngayon sa kalsada kaya okay lang.” sabi ni mama habang nakataas ang kilay.
Iniwan ko nalang ang ginagawa ko at hinubad ang plastic gloves na suot ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang perang nakalapag sa mesa. Sinuot ko na ang mask at ang quarantine pass pagkatapos ay padabog na sinara ang pinto.
Kasi naman eh! Gabing-gabi na tapos uutusan pa ako!
BINABASA MO ANG
The Quarantine Baby (Completed)
Terror"Nothing is more scarier than accepting what reality is." Date started: June 15, 2020 Date finished: June 16, 2020 Date Published: June 17, 2020