Chapter 2:
Papadyak-padyak ako habang naglalakad patungo sa pinakamalapit na botika sa amin. Nakakunot ang noo ko habang pasulyap-sulyap sa likod o harap ko. Baka kasi may nagpapatrolyang tanod, baka mahuli pa ako.
Nang makarating sa botik ay nagtanong agad ako kung may alcohol pa silang natitira. Buti nalang at meron pa kaya bumili na ako.
Habang papauwi ay medyo lumakas ang simoy ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.
Taglamig na pala. Nasa ‘Ber’ months na kasi.
Naglalakad lang ako at diretso ang tingin ko papunta sa amin nang may maramdaman akong sumusunod sa akin.
Kinabahan ako at binilisan ang lakad ko. Wala pa namang tao! Baka may sumusunod na masamang tao sa akin at patayin ako!
Dahil sa naisip ko ay mas nakaramdam ako ng takot at pangamba kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong nawala ang taong sumusunod sa akin kaya dahan-dahan akong lumingon sa likod ko.
Walang tao.
Napahinga naman ako ng malalim dahil wala palang sumusunod sa akin.
‘Ano ba’to! Napa-paranoid na ata ako!’
Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad hanggang sa madaanan ko ang chapel malapit sa amin. Tumigil muna ako para mag sign of the cross at magdasal.
Nung matapos ay papaalis na sana ako ng may marinig akong iyak ng isang bata.
Napatigil naman ako at nagtatakang tumingin-tingin sa paligid ko.
Wala namang ibang tao.
Rinig na rinig ko parin ang pag-iyak ng isang batang sanggol kaya hinanap ko ito. Tiningnan ko ang bawat sulok sa labas ng chapel dahil sirado naman ito kaya hindi ako makapasok.
Habang hinahanap ko kung asan ang sanggol ay lumalakas naman ang pag-iyak nito kaya mas lalo akong nagpursige na hanapin ito.
Baka kung ano na ang nangyari sa bata! Halaa!! Dapat ko talaga itong makita! Kawawa naman!
Nasa gilid na ako ng chapel nang may makita akong napakaliit na kamay na gumagalaw malapit sa donation box area kaya lumapit ako doon.
Nagulat ako sa nakita ko dahil sanggol nga ito! Nakahiga lang ito sa cemento habang umiiyak. Tinitiis siguro ang lamig sa cemento na kinalalagyan nito.
Dali-dali ko itong kinarga at pinagpagan ang likod nito pati narin ang iba pang parte ng katawan nito na nadumihan dahil sa pagkakahiga sa cemento.
Siguro mga nasa 1 month palang ito.
“Kawawa ka naman baby. Grabe naman ang nag-iwan sa’yo dito! Napaka-walang puso naman nila! Hindi ka dapat nila iniiwan dito! Gabi pa naman!” nagagalit na sabi ko.
Patuloy lang na umiiyak ang bata kaya hinehele ko naman s’ya para tumigil na sa kakaiyak.
“Kung hindi ka nila kayang tanggapin ay dapat hindi ka nalang nila tinapon dito. Dapat binigay ka nalang sa ampunan kesa namang hayaan kang mamatay dito sa lamig. Naku!! Mga kabataan nga naman ngayon!” sabi ko pa.
Umiiyak parin ang bata kaya hinaplos-haplos ko ang mukha n’ya habang patuloy na humihele.
“Ang cute mo naman baby! Sssssh...wag kana umiyak, ako nalang mag-aalaga sa’yo.” sabi ko sakanya habang patuloy na hinehele.
Ilang sandali pa ay tumahimik na ito at parang matutulog na ata. Kaya napangiti naman ako. Good baby!
Pero ano’ng gagawin ko? Siguradong papagalitan ako nila mama kapag nalaman nilang may dinala akong sanggol. Baka akalain pa nilang kinidnap ko itong sanggol.
Haysss...bahala na nga!
BINABASA MO ANG
The Quarantine Baby (Completed)
Horor"Nothing is more scarier than accepting what reality is." Date started: June 15, 2020 Date finished: June 16, 2020 Date Published: June 17, 2020