Chapter 3

73 20 3
                                    

Chapter 3:

Pagdating ko sa bahay ay mag-aalas dyes na ng gabi. Napatagal pala ako sa pagpapatahan nitong sanggol.

Buti nalang at tumahimik na ito at natutulog na.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan namin at sinilip ang loob.

Walang tao.

“Natutulog na ata sila.” sabi ko.

Wow naman! Matapos akong utusang lumabas ay tutulugan lang nila ako? Nice!

Dahan-dahan naman akong pumasok at nilapag ko muna si baby sa sofa namin malapit sa pinto. Hindi naman ito umiyak kaya napangiti naman ako.

Pagkatapos ay hinubad ko na ang face mask ko at tinapon sa basurahan. Hinubad ko naman ang quarantine pass at ini-sprayhan ng alcohol ang sling pati narin ang quarantine pass na laminated. Naglagay din ako ng alcohol sa kamay at braso ko na na-expose sa labas.

Nang matapos masigurong safe na ay ni-lock ko muna ang pinto namin at dahan-dahang kinarga si baby. Baka umiyak ito at magising pa sila mama at papa. Patay ako.

Nang makarga ko na s’ya ay dahan-dahan naman akong pumunta sa kwarto ko sa second floor. Kailangan ko pang maghinay-hinay dahil gawa sa kawayan ang bawat palapag ng hagdan.

Nang makarating sa kwarto ko ay tulog na tulog parin ang sanggol kaya nilapag ko muna ito sa kama ko at nag half-bath.

Matapos mag half-bath at makapagbihis ay nilapitan ko na ang sanggol.

“Ang cute mo naman. Teka lang ha? Hanap muna ako ng masusuot mo. Wala naman kaming damit pambaby kaya maliit nalang na kumot muna ang e-co-cover ko sa’yo” sabi ko habang tinitingnan s’ya.

Tumayo na ako at naghanap ng maliit na kumot. Nang makahanap ay bumalik na ako sa kama at dahan-dahang tinanggalan ng saplot ang sanggol. Buti nalang talaga at tulog mantika ang sanggol.

Babae pala ito.

Matapos mabalot ng kumot ang sanggol ay tumabi na ako sakanya at niyakap siya. Nakakapagtakang magaan ang loob ko sa sanggol na ito.

‘Hmm...ano kaya ang gagawin ko bukas kapag nakita nila mama at papa itong sanggol na ito? Kailangan ko pang hanapin ang mga damit ko nung baby pa ako. Sana naman hindi pa ito naipamigay ni mama.’ sabi ko sa sarili ko.

Pagkatapos ay natulog na ako habang kayakap ang sanggol.

The Quarantine Baby (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon