Chapter 4

73 20 2
                                    

Chapter 4:

Kinabukasan ay mag-a-alas otso na nang magising ako. Dali-dali naman akong tumayo at tiningnan ang sanggol.

Natutulog pa rin ito.

Napakunot naman ang noo ko.

‘Nakakapagtaka naman na hindi pa ito nagigising? Sa pagkakaalam ko ay nagigising ang mga sanggol bandang madaling araw para kumain. Nakakapagtaka atang hindi ko man lang narinig ang iyak nito?’ nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Nilapitan ko naman ang bata at hinawakan ang kamay nito. Normal lang naman ang body heat nito.

Nilagay ko ang dalawang finger ko(pointing ang middle finger) sa pulso nito. Tumitibok naman.

Nagkibit-balikat nalang ako at nilagyan ng dalawang harang ng unan ang magkabilang gilid nito para kung magising man ito at gumalaw ay hindi mahulog.

Lumabas ako ng kwarto ko nagtatakang pinakiramdaman ang paligid.

Ang tahimik.

Bumaba ako at sinuyod ang buong sala at kusina pero walang tao.

'Asan sila mama at papa?'

May napansin akong puting sobre na nakalapag sa mesa kaya kinuha ko ito at binuksan.

May laman itong iilang pera at may sulat din na nakapaloob dito. Kinuha ko ang sulat at binasa ito.

‘Nak, umuwi kami ng papa mo sa probinsya. Pasensya na at iniwan ka namin. Nagkasakit kasi ang lola mo kaya kailangan naming pumunta agad. Hindi kana namin kinatok dahil baka magalit ka’t inistorbo ka namin. Dala ko ang sasakyan natin at dala naman ng papa mo ang motor. May iniwan kaming iilang pera d’yan para sa’yo. Kung kakailanganin mo pa ng pera ay text ka lang sa amin. Nga pala, huwag ka na munang lalabas o lalayo malapit sa atin dahil wala kang quarantine pass. Nanghiram lang din kami ng QPass kaya nakaalis kami ng papa mo. Ingat ka d’yan ha? Padeliver ka nalang.’

Napangiti naman ako.

“Yes! Akala ko talaga ay kailangan ko pang sumabak sa mahaba-habang usapan para kay baby!” masayang saad ko.

Kinuha ko na ang pera tapos nilagay sa wallet ko.

Naghanap naman ako ng gatas at buti nalang ay nakita kong may gatas sa ibabaw ng mesa namin. Malaking can ito ng Bear Brand at may sticky note na nakadikit dito.

‘Bumili na kami ng gatas at iilang mga pwede mong kakain-kainin dito habang wala kami. May kape narin at mga biscuit na nasa aparador. Buksan mo nalang. Ingat! Love you ‘nak!’

Napangiti ako sa nabasa ko. Ang sweet naman.

Naghanap ako ng pwedeng paglagyan sa gatas pagkatapos ay nagtimpla na ako.

“Oo nga pala. Kailangan ko nang paliguan si baby. Asan kaya nilagay ni mama ang mga damit ko noon?” tanong ko.

Matapos magtimpla ay pumunta na ako sa kwarto ko.

Nakita ko naman ang sanggol na gising na pero nakatitig lang ito sa ceiling. Nilapitan ko naman ito at tumabi sa kanya.

“Hi baby! Gutom ka na ba? May dala akong gatas para sa’yo.” sabi ko.

Tumingin sa akin ang sanggol tapos ngumiti sa akin kaya napangiti naman ako.

“Gutom ka na no? Hahaha open your mouth na dali!” sabi ko kahit hindi naman n’ya ako naiintindihan.

Kumuha ako ng maliit na serve ng gatas gamit ang maliit na kutsara ko (teaspoon) at tinutok ito sa baba n’ya. Binuka n’ya naman ang baba n’ya at ininom ang gatas.

Ilang beses ko pang ginawa iyon hanggang sa iniiwas na ng sanggol ang bibig n’ya kaya tumigil na ako.

Chineck ko muna ang kumot na kinover ko sa kanya kung umihi ba s’ya o tumae, pero wala naman. Kaya kinarga ko s’ya at naglakad na ako papunta sa storage room namin.

Hahanapin ko pa ang mga damit ko nung sanggol pa ako.

Nung nasa harap na ako ng storage room ay naghanap muna ako ng pwede kong paglalagyan sa kanya. Hindi kasi s’ya pwede sa loob dahil maalikabok doon.

“Ang hirap naman mag-alaga ng bata mag-isa!” sabi ko.

Napatingin naman ako sahig malapit sa storage room.

“Pwede na siguro s’ya dito.” sabi ko.

Bumalik ako sa kwarto ko at gamit ang isang kamay ay kinuha ko ang dalawang unan ko at pagkatapos ay binalot ko ito ng kumot. Binitbit ko ito at naglakad na pabalik sa storage room.

Nung nasa labas na ako ng storage room ay lumuhod ako at nilapag na ang kumot na may lamang mga unan. Tinupi ko ng ilang beses ang kumot para hindi ito masyadong masakit sa likod kung hihigaan man ni baby. Pagkatapos ay nilapag ko na ang baby at hinarang ang bawat gilid nito ng unan.

“Ang tahimik mo ata ngayon baby? Siguro komportable kana sa akin no? Hahaha ano kayang pwede kong ipangalan sa’yo? Siguro Elvie nalang. Tama! Elvie! Elvira ang pangalan ko tapos ikaw naman ay Elvie! Ang galing!” masayang sabi ko habang hinahaplos ang mukha ni Elvie.

Nakatitig lang siya sa akin. Ilang sandali pa ay tumawa ito.

“See? Gusto mo rin ang pangalan Elvie! Ang galing ko no?” tanong ko pa sa kanya kahit hindi n’ya ako naiintindihan.

Tumayo na ako at binuksan ang pintuan sa storage room. Hinarang ko ang isang upuan na nakita ko sa pinto para hindi ito sumarado. Para narin matingnan-tingnan ko lang si Elvie habang naghahanap ako ng mga gamit ko noong bata pa ako.

Pumasok na ako sa loob ng storage room at nagsimula ng maghanap.

Hindi ko namalayan ang oras at nagulat nalang ako nang biglang sumara ng malakas ang pinto ng storage room.

“Elvie!” nag-aalalang sigaw ko at dali-daling tumayo.

The Quarantine Baby (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon