Chapter 5

55 18 3
                                    

Chapter 5:

Pinihit ko ang doorknob pero hindi ko ito mabuksan.

“Elvie!” sigaw ko ulit.

May narinig naman akong tumatawa na sanggol kaya napatigil ako sa pagpipilit na mabuksan ang pinto.

“Elvie?” nagtatakang tanong ko.

May narinig ulit akong tumatawa na sanggol.

“Si Elvie nga!” gulat na sigaw ko.

Ilang beses kong inikot-ikot ang doorknob pero hindi ko talaga ito mabuksan.

“Hala! Baka gumalaw si Elvie at gumapang! Baka mapunta s’ya malapit sa hagdan! Baka mahulog s’ya!” nahihintakutang sigaw ko.

Tumigil ang tawa ni Elvie kaya mas lalo akong natakot. Paano kung nahulog na s’ya?

“Elvie! Wag kang gumapang ha! D’yan ka lang!” sigaw ko pa as if naiintindihan n’ya ako.

Nakakainis naman ‘tong pinto na’to! Hindi ko pa naman alam na sira na pala ito!

Ilang beses ko pang inikot-ikot ang doorknob hanggang sa mabuksan ko na ang pinto. Dali-dali akong lumabas at tiningnan ang sahig kung saan ko nilapag si Elvie.

Pero laking gulat ko nang makitang tanging ang mga unan lang at kumot ang nandoon.

“Elvie!” sigaw ko.

Hinanap ko s’ya sa buong second floor pati narin ang kwarto at kwarto nila mama.

Ngunit hindi ko s’ya nakita kaya mas lalo akong nakaramdam ng takot.

Baka nahulog s’ya sa hagdan!

Dali-dali akong pumunta sa hagdan pero hindi ko s’ya nakita.

May narinig naman akong tawa ng sanggol na nanggagaling sa sala kaya bumaba na ako. Nung pababa na ako ay nawala ang tawa n’ya.

Hinanap ko s’ya sa sala at nakita kong nakadapa siya sa sahig malapit sa sofa namin at nakatingin ito sa akin.

Nilapitan ko naman s’ya pagkatapos ay kinarga.

“Andito ka lang pala Elvie. Tinakot mo ako ha.” sabi ko habang karga karga siya.

Tiningnan ko naman ang orasan namin at nagulat ako kasi alas 6 na nang gabi.

“Ha? Ba’t di ko man lang namalayan na gabi na pala?” sabi ko pa sabay tabig ng kurtina namin para makasilip ako sa labas.

Gabi na nga.

Tiningnan ko si Elvie. Nakatitig ulit s’ya sa akin ngayon. Pero nakangiti siya.

“Sorry Elvie ha? Di man lang kita naligo. Tapos di pa kita napakain pangtanghalian.” sabi ko sakanya.

Di rin pala ako nakaligo man lang. Eeeww.

Karga-karga ko lang si Elvie habang papunta sa kusina. Gumawa ulit ako ng gatas gamit ang free hand ko.

Pagkatapos ay kumuha ako ng isang biscuit para sa akin. Hindi nalang ako kakain muna. Hindi naman ako gutom.

Sinubuan ko na ng gatas si Elvie pero hindi n’ya binubuka ang labi n’ya. Kaya napakunot naman ang noo ko.

“Hindi ka ba gutom?” sabi ko.

Tumawa naman ito sa akin kaya natawa nalang din ako.

Chineck ko ang kumot na nakabalot sakanya pero hindi parin s’ya dumudumi. Pumasok nalang ako sa kwarto dala-dala si Elvie. Pagkatapos ay inalis ko na ang kumot na nakabalot sa kanya.

“Maliligo tayo Elvie. Para fresh.” sabi ko sakanya habang nakatingin sa kanya.

Tahimik lang s’ya na nakatingin sa akin kaya kinuha ko na ang dalawang tuwalya ko.

Pumasok na ako sa CR ko habang karga-karga siya.

The Quarantine Baby (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon