Chapter 6:
Kumuha ako ng planggana tapos tinapat ko si Elvie doon.
Dahan-dahan ko naman s'yang pinaliguan. Sinigurado kong hindi mapapasukan ng tubig ang bibig at mata n'ya.
Matapos ko s'yang paliguan ay tinapon ko na ang tubig sa planggana. Pagkatapos ay binalot ko nang tuwalya si Elvie at nilagay s'ya sa loob ng planggana.
"D'yan ka lang ha? Ligo lang ako." sabi ko sakanya.
Habang naliligo ako ay tinitingnan-tingnan ko s'ya para masigurong hindi s'ya naglilikot.
S'ya naman ay nakatitig lang sa akin habang naliligo ako.
Medyo nakaramdam ako ng pagkailang sa way ng pagtingin n'ya sa akin. Pero binalewala ko nalang ito dahil sanggol pa naman ito.
___
Nakahiga na kami ni Elvie ngayon sa kama. Nakabalot ulit s'ya ng malinis na kumot ngayon dahil hindi ko naman nakita ang mga gamit ko noon.
Sinubukan ko ulit s'yang pakainin kanina pero hindi parin n'ya binubuksan ang bibig n'ya kaya hindi ko nalang ito pinilit. Kumain lang din ako ng biscuit.
"Elvie, sino kaya ang mga magulang mo no? Bakit ka kaya nila tinapon doon? Ang sama naman nila." sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Natutulog na ito.
"Iuuwi na kita sa bahay ampunan sa susunod bago makauwi sila mama ha? Baka pagalitan ako eh. Gusto ko sanang dito kana pero natatakot ako sa reaction nila mama at papa." pagpatuloy ko pa.
Ilang sandali lang ay nakatulog na ako.
___
Nagising ako ng madaling araw nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.
Binuka ko ang mga mata ko at tumingin sa pwesto ni Elvie.
Pero wala s'ya!
Dali-dali akong umupo at hinanap sa buong kwarto si Elvie.
May narinig naman akong tumatawa at kay Elvie ito galing.
Naramdaman kong parang may tao sa likod ko kaya lumingon ako.
Laking gulat ko nang makita kong nakatayo si Elvie sa likod ko at duguan ang mukha n'ya!
Ang laki ng ngisi nito sa akin habang nakatitig sa mata ko.
Kinilabutan ako sa nakita ko kaya sumigaw ako at tumayo sa kama ko.
"Elvie!" nahihintakutang sigaw ko.
Jusko! Si Elvie ba ito?!
BINABASA MO ANG
The Quarantine Baby (Completed)
Horror"Nothing is more scarier than accepting what reality is." Date started: June 15, 2020 Date finished: June 16, 2020 Date Published: June 17, 2020