Chapter 7

52 16 3
                                    

Chapter 7:

Nakatayo ako malapit sa cabinet ko habang natatakot na nakatingin kay Elvie.

Nakatayo lang siya sa kama ko at nakatingin sa akin habang nakangisi.

Bakit s’ya naliligo ng dugo?!

Natakot ako nang magsimula s’yang maglakad habang nasa ibabaw ng kama ko.

Paano s’ya nakakalakad?! Eh sanggol lang s’ya?!

“Sino ka?!” tanong ko sa kanya.

Tumawa lang si Elvie habang papalapit sa akin. Nanlilisik na ang mga mata n’ya habang nakatingin sa akin.

“Tumigil ka d'yan! Huwag kang lalapit!” sigaw ko ulit.

Naramdaman kong parang may gumalaw sa cabinet ko kaya napalingon ako sa cabinet.

Ngunit wala namang kung ano dito kaya tumingin ulit ako sa kama.

Ngunit wala na si Elvie doon!

Takot na nilibot ko ng tingin ang buong kwarto pero hindi ko s’ya nakita!

Naglakad ako papalapit sa pintuan at binuksan ang ilaw sa kwarto ko.

Ngunit pagbukas ko ng ilaw ay namatay naman ito kaya nahihintakutang binuksan ko ulit ang ilaw.

Ngunit gaya kanina ay namatay lang ulit ito.

Napaiyak na ako sa takot habang binuksan ko ulit ang ilaw. Bumukas naman ito pero namatay ulit kaya mas lalo akong naiyak.

Narinig ko ulit ang tawa ni Elvie kaya mas lalo akong natakot.

Sinubukan kong buksan ang ilaw at bumukas naman ito. Nung hindi ito namatay ay dahan dahan akong lumingon sa likod ko.

Only to see Elvie standing right...

BEHIND ME!

Napasigaw ako sa gulat at takot nang makita kong nakatayo na siya sa likod ko habang hawak ang kamay n’ya!

Putol na ang kaliwang kamay n’ya!

Napasigaw ako sa takot dahil sa nakita ko. Tumakbo na ako palabas ng kwarto at bumaba sa sala.

Ngunit pagkababa ko ay nakita ko ulit si Elvie na nakangisi sa akin. Pagkatapos ay tumawa ito.

Umiiyak lang ako sa takot habang papatakbo pabalik sa taas ngunit nasa gitna pa ako ng hagdan ay nakita ko na s’yang pababa sa hagdan.

“AAAAAAHHHHH!” takot na sigaw ko.

The Quarantine Baby (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon