Chapter 8:
Tumakbo ulit ako pababa at pumunta sa kusina.
Kinuha ko ang kutsilyo habang iyak lang ako ng iyak. Lumingon ulit ako sa likod ngunit wala na akong makitang Elvie.
Sobrang tahimik narin ng buong paligid. Wala na rin akong naririnig na tawa n’ya.
Habang umiiyak ay dahan dahan akong lumabas ng kusina. Hawak ko parin ang kutsilyo at nakatutok lang ito sa harapan ko.
Nanginginig ang dalawang kamay ko dahil sa takot.
Nung makalabas na ako sa kusina ay hinanap ko siya sa paligid. Sobrang tahimik parin at hindi ko s’ya maramdaman.
“E-Elvie?” nanginginig na tawag ko sa kanya.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na para bang lalabas na ito anumang oras man.
Dahan-dahan lang akong naglalakad sa sala kahit madilim. Pilit na inaaninag ang bawat dinadaanan ko.
“E-Elvie” tawag ko ulit kahit nanginginig pa ang mga kamay ko.
“Elvie...” may mahina akong bulong na narinig mula sa likod ko.
Napatigil ako sa paghakbang dahil doon. Mas dumoble ang lakas ng tibok ng puso ko at tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan.
“Elvie...” mahinang sambit ulit mula sa likod ko.
Lumakas na ang pag-iyak ko dahil doon.
Dahan-dahan akong lumingon...
Pero walang sanggol o tao man lang.
Sobrang tahimik ng buong paligid na para bang nabibingi na ako.
Narinig kong parang may pababa ng hagdan kaya mabilis akong napalingon sa hagdanan namin.
Paglingon ko ay nakita ko si Elvie na gumagapang ng mabilis papunta sa akin habang nakatitig sa akin.
Nakakatakot din ang pagmumukha n’ya dahil puno parin ng dugo ang buong katawan n’ya.
Mabilis siyang gumagapang papunta sa akin habang sumisigaw ng matinis na “IIIIIIIHHHHH!!!!!” habang malaki ang ngising nakatitig sa akin.
Tumakbo na ako papasok sa loob ng kusina at nagtago sa ilalim ng mesa.
Pinikit ko ang mga mata ko at tinakpan ang tenga ko habang umiiyak.
Rinig na rinig ko parin ang matinis na sigaw n’ya. Ilang sandali pa ay tumahimik ulit ang paligid.
Humihikbi na ako dahil sa takot.
Tinanggal ko ang pagkakatakip ko sa tenga ko.
Sobrang tahimik ng buong paligid.
“E-Elvie..” umiiyak na sambit ko.
Ilang sandali pa ay may tumawa ng malakas sa likod ko kaya umiyak na ako ng umiyak at pinikit ang mga mata ko.
“Mamaa!! Mamaaa!!” paulit ulit na sigaw ko.
“Mama! Mama! MAMA!!” narinig kong sabi ni Elvie sa likod ko. Lumalakas ito at para bang galit na galit ito habang binabanggit ang ‘Mama’.
“Tama na!!! Tama naa!!” umiiyak na sigaw ko.
“MAMA! MAMA! MAMA!” galit na sigaw ni Elvie sa likod ko.
BINABASA MO ANG
The Quarantine Baby (Completed)
Horror"Nothing is more scarier than accepting what reality is." Date started: June 15, 2020 Date finished: June 16, 2020 Date Published: June 17, 2020