Chapter 9

45 15 1
                                    

Chapter 9:

Kinabukasan ay nagising ako na nasa ilalim parin ng mesa.

Kinakabahang pinakiramdaman ko ang buong paligid pero wala akong naririnig kundi ang mga ingay mula sa labas ng bahay.

Umiyak ako ng umiyak sa ilalim ng mesa habang nagkauklo.

Ilang sandali pa ay napagdesisyunan kong lumabas sa ilalim ng mesa. Kinuha ko ang kutsilyo na nasa gilid ko lang.

Nung makatayo na ako ng maayos ay nilibot ko ang tingin ko sa buong kusina.

Pero wala akong ibang kasama.

Lumabas ako ng kusina at nilibot ko rin ang buong paligid. Pero wala si Elvie.

Dahan-dahan akong pumunta sa taas at hinanap si Elvie.

Pero wala siya.

Sinubukan ko rin s’yang hanapin sa loob ng storage room at sa mga kwarto. Pati narin sa kasulok-sulokan ng bahay ay wala parin siya.

Napabuntong-hininga ako bumaba sa sala. Matapos ay umupo ako sa sofa at pinatong ang mga paa ko.

Nakatitig lang ako sa harap ng TV namin.

“Sana hindi mo na ako guluhin.” nanghihinang sambit ko.

Humiga ako sa sofa at tinitigan ang kisame namin.

Natatakot na ako. Ayoko nang mag-isa.

Tumayo ulit ako at lumapit sa bag ko na nakasabit malapit sa aparador namin.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan sila mama.

Pero out of the coverage area daw sabi ng operator.

Ilang ulit ko pang sinubukang tawagan sila mama at papa pero pare-pareho lang ang response kaya tinapon ko sa sofa ang cellphone ko.

“Aaaaahhhhhh!!!” napaparanoid na sigaw ko habang inikot-ikot ang paningin ko sa buong sala.

Nagpabalik-balik ako sa paglalakad habang parang nababaliw na ginulo ang mga buhok ko.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko at sinubukang tawagan sila mama at papa habang palakad-lakad at patingin-tingin sa buong paligid.

Nang mapagod ay umupo ulit ako sa sofa at huminga ng malalim.

Hindi parin ako sinasagot nila mama at papa.

Umiyak ulit ako habang tinatawag sila mama at papa pero naaalala ko lang ang matinis na sigaw ni Elvie habang ginagaya ang pagtawag ko kay mama kagabi.

Pinikit ko ang mga mata ko at tinakpan ang dalawang tenga ko habang iniiling ang ulo ko para mawala ang alaalang iyon.

Nang mawala ay humiga ako at huminga ng malalim bago pinikit ang mga mata ko.

The Quarantine Baby (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon