Chapter 10:
Ilang oras din akong nakatulog dahil pag-gising ko ay gabi na ulit.
Takot na takot akong umupo.
Sobrang dilim ulit ng buong paligid.
Umiyak ako at niyakap ang binti ko.
Kahit na hindi ako nakakain kanina ay hindi ako nakaramdam ng gutom.
Ilang sandali pa ay nilakasan ko ang loob ko at tumayo para buksan ang ilaw dito sa baba.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang naglalakad malapit sa switch ng ilaw.
Pero bago pa man ako makalapit ay may narinig akong kaluskos mula sa labas ng bahay.
Nilingon ko ang bintana namin na may nakaharang na kurtina.
Napasigaw ako ng may makita akong anino ng sanggol na gumagapang paitaas mula sa labas ng bintana namin.
“AAAAAAAHHHHH!!!” sigaw ko at tumakbo ako papunta sa second floor at dali-daling pumasok sa kwarto ko.
Nang makapasok ay ni-lock ko ang pinto ng kwarto ko at pumunta ako sulok malayo sa bintana at pintuan ko.
Umiiyak lang ako sa sulok habang pabalik-balik ang tingin sa bintana at pintuan.
Ilang sandali pa ay nakita ko na ang anino ng sanggol mula sa labas at umiiyak na ito.
“Tama naa!!! Tigilan mo na ako!!” umiiyak na sigaw ko.
Tumakbo ako malapit sa cabinet ko at sinandal ang likod ko habang nakatingin sa bintana.
Nandoon parin ang anino ni Elvie.
Nakadapa lang ang anino nito sa hamba ng bintana ko.
Ilang sandali pa ay inaalog-alog na nito ang bintana ko kaya umiyak na ako ng umiyak habang tinatakpan ang tenga ko dahil sobrang ingay na ng kanyang pag-iyak.
“Tama na huhuhu” umiiyak na sabi ko.
Pinipilit parin ni Elvie makapasok kaya umiling-iling ako habang sinasabi sa kanyang tumigil na sa panggugulo sa akin.
Pero hindi parin siya tumitigil kaya napaupo na ako sa sahig habang nakatakip sa tenga ko ang dalawang kamay ko.
Ilang sandali pa ay tumahimik na ang paligid.
Nakaupo lang ako sa sahig habang nakayuko. Umiiyak parin ako at paulit-ulit na sinabing tama na.
Ilang sandali pa ay lumamig ang kaliwang braso ko. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko pero hindi ko parin tinatanggal ang pagkakatakip ko sa tenga ko.
Nakapikit pa rin ang mga mata ko habang umiiyak.
“Mama...” isang mahinang sambit ni Elvie.
Mas diniinan ko ang pagkakapikit ng mga mata ko.
“Tama na Elvie! Tama na!” sigaw ko.
“Mama...mama...” paulit-ulit na sambit nito.
Iniling-iling ko ang ulo ko at paulit-ulit na sinabing “tama na” at “tigilan mo na ako”.
BINABASA MO ANG
The Quarantine Baby (Completed)
Terror"Nothing is more scarier than accepting what reality is." Date started: June 15, 2020 Date finished: June 16, 2020 Date Published: June 17, 2020