Chapter 11:
Nagising ako dahil sa mahinang pagyugyug sa akin.
“Elvira anak. Elvira gumising ka na.” narinig kong tawag sa akin ni mama.
Minulat ko ang mga mata ko.
Nakita ko ang nag-alalang mukha ni mama habang nakatingin sa akin.
Mabilis ko s’yang niyakap at umiyak ako ng umiyak.
“Mama tulungan mo ako. Mama tulungan mo ako huhuhu” paulit-ulit na sabi ko kay mama.
Hinaplos n’ya ang likod ko habang nakayakap ako sa kanya.
“Ssshhhh nandito na ako Elvira. Sorry iniwan ka namin ng papa mo. Napansin ko ang mga missed calls mo kaya sinubukan kitang tawagan pero hindi mo sinasagot. Kaya napauwi kami ng papa mo.” sabi ni mama habang patuloy na hinahaplos ang likod ko.
“Mama huhuhu nababaliw na ako mama” sabi ko kay mama habang patuloy na umiiyak.
“Sssshhhh hindi ka nababaliw anak. Inumin mo muna itong gamot mo anak para kumalma ka.” sabi ni mama tapos inabot n’ya sa akin ang gamot ko.
Kinuha ko naman ito at mabilis na ininom.
Pagkatapos uminom ay niyakap ko ng mas mahigpit si mama.
“Mama...” sabi ko sa kanya.
Napatingin naman ako sa cabinet ko.
“Anak...” sabi ni mama sa akin.
Pinatayo ako ni mama pagkatapos ay sinabi n’yang kumain daw muna kami.
Bago kami nakalabas ay napasulyap muna ako sa cabinet ko.
Hinila na ako ni mama pababa kaya nabaling na ang tingin ko kay mama at bumaba na kami.
___
Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa kwarto ko.
Umupo ako sa kama ko at napatingin ulit ako sa cabinet ko. Kaya tumayo ako at lumapit dito.
Lumalakas ang pagpintig ng puso ko habang papalapit dito.
Nung nasa harap na ako ng cabinet ko ay huminga ako ng malalim. Pinapakalma ko ang puso ko.
Hinawakan ko ang handle ng cabinet at binuksan ito.
Hinawi ko ang mga damit ko na nakasabit kaya bumungad sa akin ang medyo may kalakihang pahaba na box.
Kinuha ko ito at bumalik sa kama ko at umupo.
Hinaplos ko ang box at binuksan ito.
Bumungad sa akin ang isang malaking transparent na garapon.
“Siguro kailangan na kitang ibalik sakanya.” malungkot na saad ko.
BINABASA MO ANG
The Quarantine Baby (Completed)
Horror"Nothing is more scarier than accepting what reality is." Date started: June 15, 2020 Date finished: June 16, 2020 Date Published: June 17, 2020