Chapter 12:
“Kailangan na kitang ibalik sa totoong nagmamay-ari sa’yo....
Anak...” sabi ko.
Mula sa garapon ay makikita mo ang isang napakaliit na fetus na nakalubog sa chemical na pampa-preserve ng isang bagay.
“Sorry anak kung nagawa ni mama iyon ha? Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko eh.” umiiyak na sabi ko habang nakatitig sa fetus sa loob ng garapon.
Niyakap ko ito at pinikit ang mga mata ko.
- Flashback -
High school ako nang makilala ko si Jacob. Senior siya habang ako naman ay junior.
Kilala siya as basagulero at bulakbol. Naging magkaibigan kami nung may mambully sa akin dahil sa pagiging tahimik ko sa klase at pinagtanggol n’ya ako.
Pero na-inlove ako sakanya.
Nung pinagtapat ko iyon nung nag 4th year HS na ako at 1st year college na siya ay sinabi n’yang matagal narin daw n’ya akong crush. Kaya nung nanligaw siya ay agad ko siyang sinagot.
Naging magkasintahan kami ng ilang taon hanggang sa mag 3rd year college na ako.
May nangyari sa amin ni Jacob kaya nabuntis ako.
Nung pinagtapat ko ito sakanya ay nagalit siya. Hindi n’ya tinanggap ang bata sa sinapupunan ko dahil graduating na daw s’ya sa college.
Hindi pa daw s’ya handa sa responsibilidad.
Umiyak ako ng umiyak nun habang nagmamakaawa sa kanyang tanggapin kami.
Pero nagimbal ako nung sinabi n’yang ipalaglag ko nalang daw ang bata.
Nagalit ako sa kanya kaya iniwan ko s’ya.
Nakipaghiwalay ako sakanya at sinabing ako na ang bubuhay sa bata.
Tinago ko kina mama at papa ang pagbubuntis ko.
Pero lahat ng sekreto ay nabubunyag.
Dahil lumalaki na ang t’yan ko at hindi na ito pangkaraniwang sa taong hindi nagdadalang-tao.
Nung malaman nila mama at papa ay nagalit sila at sinampal ako.
Iyak lang ako nang iyak nun. Tinatanong nila kung sino ang ama ng bata kaya sinabi ko ang totoo.
Sinugod nila mama at papa ang bahay nila Jacob kaya napilitan si Jacob na panagutan ako.
BINABASA MO ANG
The Quarantine Baby (Completed)
Horror"Nothing is more scarier than accepting what reality is." Date started: June 15, 2020 Date finished: June 16, 2020 Date Published: June 17, 2020