Chapter 13

38 11 1
                                    

Chapter 13:

Nakitira si Jacob sa bahay namin dahil hindi pumayag sila mama at papa na kina Jacob ako makitira.

Nung una ay maayos pa ang pagsasama namin ni Jacob.

Pero nung nasa 6 months of pregnancy na ako ay sinasaktan na ako ni Jacob dahil nape-pressure na daw s’ya sa akin at sa pag-aaral n’ya.

Sinisisi n’ya ako sa pagbagsak n’ya sa ilang subjects namin.

Binantaan n’ya ako na papatayin n’ya daw kami ng anak namin kaya natakot ako.

Mahal na mahal ko ang anak ko pero mahal na mahal ko rin si Jacob.

Nung naiwan ako sa bahay mag-isa ay umiiyak lang ako habang hinahaplos ang tiyan ko.

Marami pa akong pasa nun sa katawan. Wala sila mama at papa dahil umuwi sila ng probinsya ilang weeks na ang nakakaraan.

Ilang beses ko rin silang tinatawagan pero out of the coverage lagi.

Habang umiiyak ako ay nakaramdaman ako ng paghilab sa tiyan ko. Sumakit ito at para pinipilipit ang organs ko sa tiyan.

Sumigaw ako sa sakit at nanghihinang lumabas ng bahay at humingi ng tulong hanggang sa matumba ako at nag black out na ang paningin ko.

Nagising nalang ako na nasa ospital na ako. Mag-isa lang ako sa loob ng ospital.

Tinawag ko ang doktor at nalaman kong nalaglag pala ang bata.

Nakiusap akong kunin ang baby ko. Nung una ay hindi siya pumayag dahil kailangan daw ito mailibing ng maayos at mabasbasan.

Pero nagmakaawa ako sa kanya at umiyak ng umiyak kaya wala na s’yang nagawa at umalis na.

Bumalik s’ya na may bitbit na garapon kung saan nandoon ang baby dapat namin ni Jacob.

Sinubukan kong kontakin si Jacob at ang mga magulang ko pero walang sumasagot sa tawag ko kaya umuwi akong sobrang lungkot habang dala-dala ang garapon.

Pinagtitinginan ako ng mga tao pero hindi ko sila pinapansin. Umiiyak lang ako habang hawak-hawak ang garapon na naglalaman ng baby namin.

Pagdating ko sa bahay ay nakatulala lang ako ng ilang oras hanggang sa dumating sila mama.

Oo nga pala. Nabalitaan kong habang nasa ospital ako ay hindi na umuuwi sa amin si Jacob.

Gulat na gulat sila mama at papa habang nakatingin sa akin.

Nung nalaman nila mama at papa ang nangyari ay umiyak sila at galit na galit kay Jacob.

Niyakap nila ako ng mahigpit at sinasabing magiging okay din ang lahat.

Sinusubukan din nilang pabasbasan na ang baby namin para malibing ng maayos.

Pumayag ako pero ibang bagay ang nilibing namin. Isang garapon na walang laman. Hindi nila alam ni mama at papa iyon dahil nilagay ko iyon sa isang box.

Tinago ko ang totoong garapon sa loob ng cabinet ko.

Mula noon ay palagi na akong inaatake ng mga imahinasyon tungkol sa isang sanggol kaya pina-check-up na ako nila mama at papa sa psychiatrist.

Ilang buwan din akong nag medication hanggang sa hindi na ako nakakakita ng ganun.

Pero nung pumasok ang 2020 ay inatake na naman ako ng ganung imahinasyon.

Kaya pina-inom ulit ako nila mama sa mga gamot ko. Tuwing hindi ako nakakakain ng tama o nakakainom ng gamot ay inaatake ako.

Pero alam kong hindi ito dahil sa sakit ko.

Kundi dahil sa lihim na tinago ko.

Ang buhay ng anak ko.

- End of Flashback  -

The Quarantine Baby (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon