Chapter 14:
Tiningnan ko ulit ang garapon at umiyak.
“Anak...magiging masaya ka ba kapag hindi mo na ako kasama? Magiging masaya ka na ba kapag inilibing na kita ng maayos?” tanong ko habang umiiyak at yakap-yakap ang garapon.
Pagkatapos ay binalik ko ulit ito sa loob ng box. Sinarado ko ang box at nilagay sa kama.
Tumayo na ako at kinuha ang tuwalya ko at naligo.
Matapos maligo at mag-ayos ay kinuha ko na ang box at lumabas ng kwarto ko.
Bumaba na ako kung saan nadatnan ko sila mama at papa na nag-uusap.
Nang makita nila ako ay nagtatakang tiningnan nila ang box na dala ko.
“Ano ‘yan anak?” nagtatakang tanong ni papa.
Umiyak ulit ako at binuksan ang box. Pgkatapos ay nilabas ko ang garapon at pinakita kina mama at papa.
“Jusko!” sigaw ni mama at gulat na napatayo.
Si papa naman ay gulat rin na nakatingin sa garapon.
“A-anak! Ano iyan?!” natatakot na sigaw ni mama.
Mas umiyak naman ako dahil sa reaction nila.
“Si Elvie ma...’yong anak dapat namin ni Jacob.” sabi ko habang umiiyak.
Napanganga si mama at papa at gulat na gulat na napatingin sa akin.
“Sorry ma, pa. Tinago ko sa inyo at niloko ko kayo. Hindi ko pa kasi kayang maglibing ng anak noon eh. Hindi ko pa kaya. Para akong pinapatay. Patawarin n’yo po ako huhu sana patawarin rin ako ng anak ko ma.” sabi ko habang umiiyak.
Lumapit sila mama at papa sa akin tapos niyakap ako.
“Sssshhh...tahan na anak. Anak balak mo ngayon anak?” sabi ni mama.
“Ma...Pa...tulungan n’yo po ako. Bigyan po natin ng maayos na libing si Elvie. Baka kaya palagi akong inaatake ay dahil sa konsensya ko. Ma...kailangan ko nang palayain si Elvie. Kailangan na n’yang makapiling ang creator natin. Wala akong karapatan na pigilan s’yang sumama sa liwanag. Ang sama ko ma. Ang sama-sama kong ina.” umiiyak na sambit ko.
Niyakap lang ako nila mama at papa habang nag-iiyakan na kami.

BINABASA MO ANG
The Quarantine Baby (Completed)
Horor"Nothing is more scarier than accepting what reality is." Date started: June 15, 2020 Date finished: June 16, 2020 Date Published: June 17, 2020