Epilogue

61 17 5
                                    

Epilogue:

“Anak...sana patawarin mo si mama. Sana masaya kana kung nasan ka man ngayon.” sabi ko habang umiiyak.

Nasa sementeryo ako ngayon. 2021 na pala. Normal na ang lahat kaya pwede nang pumunta kahit saan.

Ilang buwan naba mula nung binigyan namin ng maayos na libing ang anak ko? Nakakaiyak lang isipin na tinago ko s’ya at pinigilang sumama sa liwanag para makapagpahinga na s’ya ng maayos.

Tanggap ko narin ang pagkawala n’ya.

Nung una ay para akong pinapatay sa tuwing naiisip ko na hindi ko na s’ya kasama.

Pero tinaggap ko na sa sarili ko na wala na talaga s’ya sa akin.

Hindi narin ako inaatake ng sakit ko.

Minsan nga ay hinihiling ko na mas okay kung inaatake ako dahil sa ganoong paraan ay nakikita ko s’ya.

Pero wala na.

“Anak...bantayan mo lagi si mama ha? Mahal na mahal ka ni mama.” sabi ko.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at tumayo na.

“Bye anak. Bisitahin ulit kita sa susunod. Mahal na mahal kita.” sabi ko.

Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang, pero napatigil ako dahil sa taong nasa harapan ko.

“Jacob...” gulat na sabi ko.

- W A K A S -

Author’s Note: Hi guys! Did you enjoy the story? Sabi ko sa story nila Cleo na isusunod ko ang story ni Joseph pero ito at nauna pa ang horror story na ito. Pero don’t worry. Sisimulan ko na ang story ni Joseph. Medyo excited lang talaga ako sa story na ito at hindi talaga ako pinapatulog hangga’t hindi ko ito natatapos.

Natakot ba kayo? Hindi? Okay lang hahaha hindi naman rin ako ganun ka galing sa pagsusulat ng horror story eh HAHAHAHA! Sinubukan ko lang talaga ang ibang genre.

Pero salamat po sa pagbabasa sa story na ito!

Please don’t forget to vote if nagustuhan ninyo!

I love you all! Mwa! 😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Quarantine Baby (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon