CHAPTER 28

26 7 0
                                    

Tanasia POV

Napatayo ako at pinalo ko ang lamesa dahil sa gulat

"ang kapal mo clarc!!"sigaw ko dito dahil sa sobrang gigil

"ako naman talaga ang assistant mo dba? Bakit ayaw mo naba?"sabi nito saakin at naka ngiti

"pag katapos mo kaming ganunin ganun lang kadali sayo ang nangyari?? Ah! Ang kapal!!"sigaw ko ulit dito

"bakit? Pinagpapalit mo na ba ako sa Lalaking yan!"dinuro niya si sharpton na nakatingin saamin

Natigilan ako sa sinabi nito at dahan dahan akong tumingin sa reaksyon ni sharpton, ang nakangiti nitong mukha ay dahan dahan nawala at inalis niya ang paningin niya saaming dalawa ni clarc

Nasaktan ko ba siya??

Bumuntong hininga ako at binalik ko ang paningin ko kay clarc na nangaasar ata

"Oo...mas pinipili ko siya ngayon...kung tutuusin nga kaya niya akong pasayahin araw araw..."mahina kong sabi dito

"ah! So hindi ka namin napapasaya ni margo dati?"sabi nito saakin

Habang tumatagal nawawala na ang clarc na nakilala ko ang mga seryoso na sinasabi ko ay ginagawa niya lang loko....

"tanasia...isang sabihan ko lang naman sa daddy mo at papayag nayun na maging assistant mo ako"pag mamayabang nito saakin

Medyo na iinis na ako sa mga pinagsasabi ni clarc dahil para bang wala lang nangyari sa sinapit namin nung umalis siya

"edi doon ka mag assistant kay daddy.."sabi ko dito at itinaboy ko ang ibinibigay niya saakin na mga papeles

Napatingin ako kay sharpton ng bigla nitong kinuha ang mga gamit niya at lumabas ng opisina

"See umalis na ang assistant mo? Assistant ba talaga yan? Umaalis lang ng basta basta.."sabi nanaman ni clarc

Sa sobrang galit ay nasampal ko na ang mukha nito dahilan pag kagulat niya

"mananahimik ka o uulitin ko ulit?"sabi ko dito dahil sa sobrang inis

Tumahimik ito at umayos sa pag kakaupo at napapikit ako sa sobrang galit

Sharpton POV

Pag labas ko ng building ay agad akong nag para ng taxi at binigay ko ang adress ng bahay nila jovie

Pag pasok ko ng kotse ay agad akong napatingin sa bintana at pilit na kinakalimutan ang mga sinabi ni clarc saakin

Eh kung mag resign nalang kaya ako sa trabaho para maging maayos na sila ni clarc at bumalik na ang dati nilang mag kakaibigan....

Kinuha ko ang papel na ibinigay saakin ni jovie kanina

Isa nga itong mapa ng bahay at sa isang drawer doon ay may nakalagay na ekis

Sabi niya sa notebook na nakalagay doon ay malalaman ko lahat ng totoong nangyari at may nag mamasid daw sa kanya?

Napangiwi ako dahil sa inisip ko, gusto ko lang naman makatulong kay jovie at malaki ang hinala ko na hindi siya ang pumatay kay anna

Bumuntong hininga ako at kumuha ng gamot sa bag ko dahil kung tutuusin lang ay may lagnat ako dahil sa ulan kahapon pero pinilit kong pumasok ngayon dahil gusto kong kausapin si jovie

Maya maya lang ay nasa tapat na ako ng bahay nila jovie may mga nakapalibot dito na caution tape

Binuksan ko ang pinto ng bahay at kinuha ko ang map sa aking bulsa

Saan ba dito yung room na to tsk....

Pumasok ako sa isang kwarto kung saan dun nakalagay ang dating bangkay. tumingin ako sa aparador at may mga bakas parin ito ng dugo na nagdudulot ng masangsang na amoy

Nag takip ako ng ilong at tinignan ko ang mapa ng bahay, nakalagay dito ang isang ekis at nakatapat ito sa drawer

Pinagbubuksan ko ang drawer pero wala akong nakita, may nakita pa akong isang drawer sa sulok kaya agad akong lumapit dito at buksan

Ito naba yun?...

May nakita akong isang notebook at kinuha ko ito. Agad ko naman itong nilagay sa bag ko at lalabas na sana ako ng kwarto kaso nakita ko ulit ang family picture nila na nakalagay sa frame

Kinuha ko ito at tinitigan ng mabuti, wala namang problema kaya iniwan ko ulit ito

Paglabas ko sa sala ay may isa nanaman akong na halata sa sa ilalim ng lamesa nila

Agad ako lumapit dito at kinuha ang litrato. Bahagya akong nagulat ng makita ko ang picture ni jovie at ronald na may hawak na sanggol

Ano ang ibig sabihin nito? Nagkakamali ata ako ng iniisip pero...

Biglang may kumaluskos sa bandang likod ko kaya bigla akong natigilan

Mabilis akong tumalikod at hindi nga ako nag kakamali may isang lalaking nakasumbrelo at naka facemask na may hawak na kutsilyo

"oh come on!!...."bulong ko at inilagan ang kutsilyo niya na isasaksak sana saakin

Agad ako tumakbo palabas pero sa kasamaang palad ay may natapakan akong kung ano kaya ako bumagsak sa sahig

Shyt!....ang boploks mo naman sharpton!!!.....

Tumingin ako sa gilid kung may makikita akong gamit pero sakto at naka kita ako ng bote ng red horse at agad kong pinulot ito at binato sa lalaki

"ah! Ha Ha Ha!!"tawa nito saakin ng tumama lang ito sa dibdib niya na halos wala manlang nangyari

Bigla niyang hinagis saakin ang kutsilyo niya pero buti nalang at tumama ito sa tuktok ng ulo ko at hindi sa mismong noo ko

Lumapit ito saakin ng dahan dahan at pinulot niya ang kutsilyo sa bandang ulo ko

Nilaro laro niya ito sa leeg ko at halos hindi ako makahinga sa takot dahil alam kong isang galawan ko lang ay gigilitian niya ako ng leeg ng walang kahirap hirap

Do something....ano ba paano ba akong makakawala dito? Napaka mapangsarili mo kasi sharpton yan tuloy na papala mo! Tch!.....

Napatingin ako sa bandang likod ng lalaki at nakita ko si tanasia na may hawak na makapal na kahoy at kumuha siya ng pwersa at pinalo niya ito sa ulo ng lalaki

"aahhggg!!!"sigaw ng lalaki at napayakap saakin

Agad din itong tumayo at tumakbo papalayo kahit dumudugo ang ulo nito at pagewang gewang tumakbo

Hinayaan na ito ni tanasia at tumingin siya saakin na para bang gusto din akong paluin dahil sa ginawa ko ito mag isa

"hehehe?? Sorry??"eto nalang ang nasabi ko dahil napahiya talaga ako sa nangyari at muntik pa ako mapahamak

My Perfect LawyerWhere stories live. Discover now