What if… isang araw ehh magising ka na lang sa isang hospital bed na may dalawang HAAWWTTIIEESSS na nag hihintay sa iyong magising?
Tapos bigla na lang nilang sasabihin na…
“I AM YOUR BOYFRIEND!”
Aba’t ano sa tingin mo ang pwede mong ireact pag nagkaganun?
Kikiligin ka? Dahil dalawang hawwttiieess ang nag-aagawan sa’yo?
Sisigaw ka ng “POLICE ! May Rapist!”
Bubugbugin mo sila ng unan? (Kung mabubugbog mo sila gamit ang unan.. :P)
Oo babalik ka nalang sa pagtulog? At hihiling na sana panaginip lang ang lahat?
Pero ang masaklap…
Nalaman mo pa na may mild concussion of amnesia ka pala! In short, RETROGRADE AMNESIA! (base on research :P)
Pero…
Ano kayang pwedeng mangyari sa isang taong may RETROGRADE AMNESIA?
Lolokohin lang kaya siya at itetake advantage ng mga tao ang pagkakaroon niya ng amnesia?
Oh di kaya, dahil sa amnesia niya ehh… marami siyang mga bagay na malalaman.
Ano o Sino kaya ang makakapagpabalik ng alaala niya?
Paano, Saan at Kailan kaya ito babalik?
O sadyang mapagbiro lang talaga ang mundo kaya okay lang kung hindi na bumalik yung alaala niya.